3RD PERSON'S POV
Desidido na si Karl na ligawan si Ian. Ngunit may mga bagay siyang isasaalang-alang. Maaaring husgahan siya sa kanyang kilos ngunit hindi sa kanyang tapat na intensyon sa dalaga. Dahil gusto niya si Ian, kailangang handa din niyang i-give up si Alvin. Isa lang sa kanila ang mananatili sa tabi niya. Kung mahal siya ni Ian, tatanggapin siya ng dalaga anuman ang kahinaan nito. Nasabi na niya ang totoo kay Ian ngunit hindi pa iyon sapat. Dadaan din siya sa natural na proseso ng panliligaw kahit bakla pa siya. At iyon ang pinaghandaan niya. Alam niyang may ibang huhusga sa kanyang motibo. Maari nilang isiping na gusto lang patunayan ni Karl na lalaki siya o nagpa-power trip lang.
"Tao po! Tao po! "
"Uy Karl. Akyat ka!" sabi ni Almira.
"Good afternoon po Tita Almira. Nandyan po ba si Ian?" nagbeso ito sa kausap bilang paggalang. Nakita ng babae na may dala itong bouquet ng bulaklak at isang maliit na paperbag.
"Naku, Karl. Wala si Ian. Umalis sila. Kasama sina Darren at Jaimee. Halika at maupo ka muna"
"Kanina pa po ba sila umalis?"
"Oo, e. Baka gabihin na sila sa pag-uwi. Alam mo naman ang tatlo na iyon. Minsan lang magkita-kita ng ganitong weekends."
"Ganoon po ba?" "Wrong timing pala ang pagpunta ko. Nakakainis naman!"
"Ano bang sadya mo kay Ian?"
"Ha, a e." sabay tawa ni Karl. Ni hindi man lang niya madiretso ang kanyang sasabihin sa sobrang hiya.
"Aakyat ka ba ng ligaw kay Ian?" Napakamot na lang sa ulo si Karl.
"Tita, okay lang po ba?"
"Hindi kita masasagot, Iho. It's up to Ian"
"Oo nga po e. Sige po. Uuwi na po ako."
"Hindi ka na maghihintay?"
"Some other time na lang po ulit. Pakibigay na lang po ng mga bulaklak at chocolates kay Ian"
"Okay, salamat. Ingat sa pagmamaneho"
"Salamat po, Tita"
CARLOS RESIDENCE....
Malaki ang bahay nina Karl kahit tatlo lang sila noong una. Maykaya ang kanyang mga magulang dahil parehong negosyante ang mga ito. Ngunit maagang naulila sa ama ang binata .
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?