TREMOR

167 6 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Sa loob ng kotse, tahimik na humalik si Ian sa kanyang boyfriend. Saka pinasibad ang kotse palayo sa kantong iyon.



"Bakit parang seryoso ang usapan ninyo ni Darren?"


"Ewan ko ba sa lalaking 'yon? "


"Mukhang may gusto siya sa iyo, Ian. Noong dalawin kita sa inyo, masama ang tingin niya sa akin. Sinusukat niya ako mula ulo hanggang paa."


"Hindi naman siya dating ganyan"


"Aminin mo, may gusto siya sa iyo, di ba?"


"Yun ang sabi niya"


"Kita mo na"


"Kaya lang, sabi ko bf na kita."


"Anong sabi niya"


"Lalo siyang nagalit" Sabay tawa ni Ian.


"Anong nakakatawa doon?"


"E kasi nahalata niyang bakla ka, lalo siyang nanggalaiti"


"Dahil doon, natawa ka na"


"E bakit ka nagagalit? Sorry, Karl"



Nanahimik na rin si Karl. Nagulat siya sa reaksyon niya. Alam niyang pinag-aalala niya si Ian sa nasabi niya. Bago ito bumaba ng kotse.



"Ian, never mind what I said. Cheer up. Give me a kiss before you go out"


"Bakit ganyan ka? Bakla ka ba? Bakit gusto mong lagi kang halikan?"


"Hindi ko alam kumbakit gustong gusto kong hinahalikan mo ako"


"Madaya ka talaga"



Samantala, kanina pa palang may mga matang lihim na nagmamatyag sa dalawa. Kitang –kita ni Alvin na nagbago na nga si Karl. Lalaking lalaki na itong kumilos at magsalita. Kapag kasama nito si Ian, marunong siyang mag-asikaso sa babae. Tagadala ng bag, alalay at buddy lalo na sa kantin.



Isang taon din ang lihim nilang relasyon ni Karl. Hindi niya akalaing isang araw ay biglang matatauhan ang binata at mas pipiliin nito ang isang relasyon na sa tingin niya ay tama.



"Hindi ako makakapayag na basta mo na lang ako hiwalayan ng ganito"

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon