MEET KARL

817 42 1
                                    

KARL'S POV



Ako si Karl.....



Unpredictable ang pag-ibig lalo na sa taong tulad ko. Hindi ko kasi alam kung kanino ako maiin-love, sa babae ba o sa lalaki? Pero maniwala ka sa hindi kahit bakla ako, nagawa kong magmahal ng totoo. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero ng mapansin ko siya, may spark na nangyari. Naglabu-labo ang mga anghel sa langit. Whether they like it or not, lalaki ako at iyon pa rin ang totoo. I am destined to love a girl whom I will marry soon and have a family on my own.



Kahit bakla, may karapatan ding lumigaya at piliin ang tama. Walang hindi magagawa ang tunay na pag-ibig. Himalang maituturing pero ganoon talaga. Tinanggap niya ako kaya nagbago ako. Nakita ko kung gaano niya ako minahal kaya minahal ko siya ng higit pa sa buhay ko.



Paano magmahal ang isang bakla? Gagawin ko ang lahat para maging maligaya siya. Siya ang prinsesa ng buhay ko. Masaya kami sa araw-araw at hindi siya mabo-boring sa akin. 

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon