AS ONE

220 5 0
                                    

3rd PERSON'S POV



Maagang sinundo ng van si ian. Sa loob pala nito ay may built in na kama na siya lamang ang kasya at puwede pa siyang matulog habang nasa biyahe. Meroon siyang personal assistant na kasama at isang driver.



"Ma'am Ian, puwede pa po kayong matulog kung gusto ninyo. Medyo malayo-layo po ang first location ng first shoot natin kaya magpahinga po muna ulit kayo" Tumunog ang cellphone ng PA.


"Yes Sir. Opo. Okay po"


"Kuya Henry, stop over muna daw po tayo sa Shell Station. Imi-meet lang po tayo ni Sir"


"Sige."



Hindi iyon narinig ni ian kaya humiga na lang ito at hindi namalayang nakaidlip sa biyahe. Hindi niya namalayang huminto ito. Biglang nagbukas ang pinto ng van at nagulat siya ng may humalik sa kanya.



"Good morning, Love"


"Hmm, Karl. Ikaw pala." Ikinawit nito ang kamay sa leeg ng binata habang nakahiga siya. Humalik rin siya kay Karl.


"Komportable ka ba dito?"


"Oo, pero mas gusto kong kasama ka"


"Magpahinga ka lang. Convoy naman tayo e. Nakasunod naman ako sa inyo. Sige, iwan na kita"



Hinigpitan ni Ian ang hawak sa leeg ni Karl.



"Ian, bitiwan mo na ako. Bababa na ako. Baka mamaya, ma-late pa tayo at magalit si Mommy" Bumukas ang van. Nagulat ang PA nito at maging ang driver.


"Naku Sir Karl, sorry po"


"Ian, sige na. Iiwan na kita kay Celine. Celine, ikaw na ang bahala dito kay Ian. Tawagan mo na lang ako kung mayroon siyang kailangan"


"Okay po ,Sir. Sorry po ulit."



Napailing na lang ang PA. Bagamat sanay na siya sa mga ganoong sitwasyon, hindi niya akalaing si Karl ay mahuhuli nito sa nakakahiyang ayos.



Naging maayos ang naging pictorials. Naging masunurin si Ian sa mga ipinapagawa ng mga professional photographers ng kanilang kompanya. Tuwang tuwa ring kinukuhanan siya ng larawan.



"Miss Ian, dito ang tingin" sumunod naman ang dalaga.



Nahalata ni Karl na ibang tumingin si David kay Ian. Kapag binibigyan niya ng instruction si Ian ay masyadong malapit sa isa't isa. Hinahawakan din niya si Ian sa pisngi at sa baba na kadalasan niyang ginagawa. Inaakbayan niya ito at hinawakan sa beywang. At pagkatapos ay ngingiti ng nakakaloko.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon