3RD PERSON'S POV
Walang inaksayang pagkakataon si Ian at Karl. Nakakuha sila ng trainor ni Ian. Puspusan ang ensayo ginawa sa kanya, sa paglalakad gamit ang mas mataas na takong . Kung paano ikakaway ang kamay sa mga tao at sa kung paano siya dapat sumagot sa mga hurado. Sa buong ensayo ay hindi siya iniwan ni Karl.
"Do your best, Ian" niyakap niya ang dalaga para bigyan ng inspirasyon.
Hindi na gaanong binibigyan ng malisya ang mga kilos ni Karl. Palagay naman ang loob niya sa binata na hindi siya nananamantala. Kung hawakan siya sa kamay at yakapin siya at okay lang basta't huwag lang siyang hahalikan ng binata.
Normal na sa kanya ngayon ang magreklamo kay Karl ng diretsahan. Hindi siya nahihiya.
"Karl, gutom na ako"
"Teka hindi pa nga tumatawag ng time out ang trainor mo"
"Sige na. Dito lang ako sa likod. Hihintayin kita"
"Doon ka na lang sa labas. Nahihiya ako kapag nandiyan ka at tinitingnan ako."
"Bakit kailangan niyang mahiya?"
"Okay. Ayusin mo ha"
"Yap" Tumango si Ian. Iniwan na ni Karl si Ian sa kanyang trainor.
"Okay, Ian. Always focus. Isipin mo na lang na ikaw lang ang tao doon. Tayong dalawa. Kung mas nati-tense ka, think of happy thoughts" sabi ni Rene.
"I'll try"
"Now when you walk, chin up, Honey. Walk straight. By the way, let me see you walk from there, come to me"
Lumakad si Ian sa kung paano niya nakikitang lumakad ang mga beauty contestants sa t.v. karirin kong karirin tutal nasa likod niya si Karl at nakaalalay sa kanya.
"Oh my gosh! What a walk? The way you sway your hips and your hands and your expression, it's a wow. Perfect! May bf ka na ba?
"Wala po"
"Bakit? Pihikan ka ba? So wala palang problema kahit magswimsuit ka? Si Karl ba, manliligaw mo?
"Nahihiya po akong mag-two piece sa harap ng maraming tao. Si Karl, kaibigan ko lang po" Narinig iyon ni Karl. "Kaibigan lang..."
"Huwag mo nang tanungin basta do your best." Saway ni Karl habang nakikinig sa kanilang dalawa. " Tulungan mo siya." Saka umali si Karl at hinayaan lang ang dalawa.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
Roman d'amourNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
