STEP THREE

228 13 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Pinasimulan kaagad ang pagrerenovate sa ilalim ng bahay nina Ian para sa planong boutique ni Lalaine. Madalas doon ang mommy nito kaya maging si Karl ay dumadaan din doon at isinasabay na rin niya si Ian sa pag-uwi. Naging malapit na rin sa isa't isa sina Karl at Ian.



"Karl akyat ka muna. Magmiryenda tayo. May nilutong pansit si Mama"


"Sige"


"Paborito mo ba ito? Lagi kasing ito ang inoorder mo sa kantin" Habang pinagsisilbihan siya ni Ian.


"Oo, hindi ko nga pinagsasawaan 'yan" Umakyat si Robert kasama si Darren.


"Ian, isabay ninyo si Darren sa pagmimiryenda" Kitang-kita ni Darren kung paano asikasuhin ni Ian si Karl.


"Halika dito, kain tayo. Kuha ka na ng plato mo"


"Magkasabay na naman kayong umuwi?"


"Oo, bakit? May problema ba?"


"Nagtataka lang naman ako"


"Anong nakapagtataka doon? E alam mong may ipinapagawang boutique dyan sa baba ang mommy ni Karl"


"Hindi naman niya kailangang pumunta dito araw-araw di ba?"


"Paano mo nalamang araw-araw siya dito? Nagmamanman ka ba sa amin?" Hindi nakapagsalita si Darren. Biglang dumating si Jaimee.


"Jaimee, halika. Sabay ka na" Tiningnan ni Jaimee si Darren at biglang umiling.


"Hay naku, Darren. Umamin ka na. Napaghahalata ka sa ginagawa mo"


"Ang alin daw? Karl, kain ka lang diyan ha. Gusto mo pa ba?" Tumingin lang si Karl sa magkakaibigan at natawa kay Ian. Hindi nito alam ang salitang nagseselos dahil hindi pa siguro siya nakaramdam ng ganito.


"Ian, aalis na rin ako." Sabi ni Karl pagkatapos kumain ng binata.


"Okay ka lang? "


"Oo naman. Bukas susunduin na lang ulit kita"


"Kahit hindi na, magko-commute na lang ako"


"Susunduin na lang kita" Nagpumilit si Karl.


"Huwag ka na kasing mamilit. Ayaw nga nung tao e" Sabat ni Darren. Naiirita siya sa usapan ng dalawa.


"Uy, Darren" Sabay siko sa kanya ni Jaimee. "I smell something fishy here" ngumiti si Jaimee.



Tumingin lang si Karl kay Darren. Habang inihatid ni Ian pababa ng hagdan si Karl.


"Nanliligaw ba sa iyo si Darren?" Tanong ni Karl. Hindi na rin siya nakatiis na hindi magtanong.


"Hindi? Bakit mo naitanong? Type mo?"


"Tumigil ka nga dyan. Tinanong lang, type agad..." Sumeryoso si Karl.


"Joke lang. Peace tayo. Bakit mo nga naitanong? "


"Hindi mo ba napansin kung tumitig parang kakain ng tao?"


"Sa iyo? Nakatingin? Naku, huwag mo siyang pansinin..."



Dalawang linggo pa ang nakalipas at kumpleto na ang boutique. Handa na ito for operation. Magdadagdag na lang ng dalawa pang mananahi at trimmers ang kanyang mama. Meroon na siyang patternmaker mula sa mga disenyong gawa ni Karl.



Meroon ng tatlong manekin na nasa harapan ng boutique. Muling tinahi ni Almira ang damit na tulad ng kay Ian at isinuot ito sa manekin. Binihisan din ito ng iba pang damit upang makaengganyo sa mga taong dumadaan. Dahil ito ay isang boutique puwede silang bumili dito ng ready-made na damit o kaya ay magpatahi.



May nakalaang dalawang kuwarto dito bilang opisina ni Lalaine. Ang isang kuwarto naman ay dressing room at stockroom ng mga tela at ilang supplies sa pananahi at mga ready-made na damit.



Sa harapan nandoon ang mga mananahi. May isang malapad na mesa para sa paggawa ng pattern ng damit at dito na rin ginugupit ang mga telang gagamitin.



Naging abala ang mama ni Ian ngunit sinisigurado nitong hindi naman napapabayaan ang mga gawaing bahay. Nakaalalay din ang papa nito kung sakaling mangailangan ng mga kagamitan sa pananahi ang boutique.



"Karl, tapos na ba ang mga sketch ng damit ng hinihingi ko sa 'yo?"


"Idadaan ko na lang po sa boutique mamaya"


"Kung sakaling di mo ako maabutan doon, iwan mo na lang sa mama ni Ian"


"Sige po"


"Tapusin mo 'yan kasi kailangan kong magpagawa ng catalogue. Isasama ko ang mga designs mo"


"I want Ian to be my model for this"


"As you wish, my son. Ano bang gusto mo na hindi ko tinupad? Ano na bang lagay mo? Nanliligaw ka na ba?"


"Hinid ko nga po alam kung paano uumpisahan"


"Anghina mo naman. Bilis-bilisan mo at baka ka maunahan."



Madaling makahalata ang ina. Hindi nakatakas sa kanya ang masamang tingin ni Darren kay Karl. Hinayaan niyang dumiskarte ng paraan ang binata upang mapasagot ang dalaga.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon