3RD PERSON'S POV
SECOND YEAR na sila.
MInsan naman, malakas ding mang-asar itong si Karl pati pananamit ng dalaga ay napapansin niya.
"Ian, babaeng babae ka ngayon ah"
"Salamat, Karl"
"Kaya lang, pang manang naman ang mga style ng damit mo. Weird ka talaga!"
"Ha?"
"Hindi ka marunong pumili ng kulay na bagay sa'yo?"
Hindi na lang umimik si Ian. Bagamat nalungkot ito hindi naman ito naapektuhan sa sinabi ng binata.
Minsan naman, pati. pagmi-make up nito ay hindi rin ligtas sa kanya. Mas maselan pa siya sa babae.
"Mukhang nasobrahan ka na sa face powder?"
"Huh!" Kinuha kaagad ang salamin.
"Masyado nang mapula ang pisngi mo"
"Ganoon ba?"
"Hay naku, Karl. Ikaw nga kalalaking tao, pulbos ng pulbos"
Lumabas si Ian para maghilamos. Simula noon, hindi na siya gumamit ng face powder.
"Ian, try mong mag-apply ng simple make-up" Sabi ni Xymara.
"Bakit? Bakit ako na naman ang nakita ninyo? Kung hindi damit ko? make up ko?"
"Para naman magkaroon ng kulay ang mukha mo."
"Ayoko. May iba kasi dyan, walang ibang ginawa kundi punahin ako"
Narinig ito ni Karl.
"Paano kasi, gamit ka ng gamit ng face powder kahit hindi ka naman marunong?"
"Hindi ko talaga maintindihan kung insecure kang masyado, Karl. Para kang..." hindi itinuloy ni Ian ang sasabihin. Lahat ng kabarkada niya ay nakatitig sa kanya.
"Parang ano..." Tanong sa kanya ni Karl.
"Para kang bakla. Gets mo" sabay talikod ni Ian.
"Hoy, babae. Halika nga dito. Hindi ako insecure tulad ng sabi mo. Kanino ako maiinsecure? Sa iyo? " Nameywang pa si Karl sabay bukas ng pamaypay na parang nainsulto sa sinabi ng dalaga.
"Hindi ka insecure. Okay. Pero bakla ka naman"
"Aba, talagang ginagalit mo ako"
Hindi na naging magkasundo sina Ian at Karl. Palagi lang silang nagbabangayan tuwing nagkikita sila. Pinupuna ang kapintasan ng bawat isa. Nagsawa na ang mga kaklase niya na awatin ang dalawa.
Isang umaga, ang eksena lang naman e dumaan ang crush ni Ian.
"Oh my Gosh. Ang cute talaga ni Benj"
"Magaling pang kumanta"
"Korek ka dyan!"
"Hi, Benj"
"Hello, Ian"
"Ang aga-aga pa para maglumandi kaagad"
Nilingon ni Ian ang nagsasalita.
"Malandi ka dyan. Para nag-hi lang. Malandi kaagad"
"Nakaka-turn off ka!"
"Bakit kailan ka ba naturn-on sa akin?"
"Ha!"
"Huwag ka lang mai-in-love sa akin. Pag nagkataon, pahihirapan kita, tandaan mo"
"Who cares?"
"Who cares ka dyan? Oo, siguraduhin mo lang"
Kitang-kita ni Karl na tumulo ang luha ni ian sa unang pagkakataon.
"Hala, Karl. Lagot ka! Pinaiyak mo si Ian"
"Bakit kasi lagi mo siyang iniinis?"
"Siguro crush mo si Ian?"
"Tumigil nga kayo. Hindi ko siya type."
"Huwag kang magsalita ng tapos"
"Excuse me, hindi siya ang tipo ko."
"Tatandaan naming ang sinabi mo ha!"
Isang salita na hindi nila mapaninindigan dahil ibang magbiro ang tadhana.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomantikNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
