DRIVE THRU

282 10 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Kapwa tahimik ang dalawa. Ni walang magbukas ng usapan. Nangingiming magsalita ang sinuman sa kanila. Hindi pa rin nahihimasmasan sa kalokohan nilang dalawa.



"Ian, nagbreakfast ka na ba?"Tumango ang dalaga.


"Daan tayo ng Drive thru. Di kasi ako nakapag-almusal. Parang kailangan ko ng coffee. Baka antukin ako sa klase natin mamaya."


"Okay lang. Di naman siguro tayo male-late. "


"How about you? Do you like coffee? "


"No thanks..."


"Angganda ng buhok mo!" Biglang napansin ni Karl ang buhok ni Ian. Humigop ng kape atsaka inilagay ito sa lagayang malapit sa kambyo.


"Salamat! Basa pa kasi kaya inilugay ko muna. Sa school ko na ipupusod"


"Gusto mo, ayusin natin ang buhok mo"


"Talaga? Marunong kang mag-ayos ng buhok" bahagya itong natawa.


"O, bakit natatawa ka?" tumingin siya sa dalaga.


"Huwag kang tingin ng tingin sa akin. Tingnan mo ang dinadaanan natin.Baka tayo mabangga"


"Bakit ka nga natatawa?"


"Yung totoo, Karl. Lalaki ka ba o may pagka... ano ka" sabay tawa uli nito.


"Ano sa tingin mo?"


"Ayokong sabihin dahil baka pababain mo ako sa gitna ng daan"


"Hindi na kita pabababain."


"Huh..."



Ipinasok ni Karl ang kotse sa parking lot ng school. Dali-daling nagtanggal ng seatbelt si Ian na akala mo ay nakikipag-unahan ng pagbaba. Maayos ng naiparada ni Karl ang kotse. Hinila niya ang kamay ni Ian.



"Sige, sabihin mo ngayon dito. Hindi kita pabababain kapag hindi mo sinabi" ini-auto-lock niya ang kotse.


"Karl, joke lang naman iyong sinasabi ko e" kinabahan si Ian.


"Pinagtatawanan mo ako e. Hindi 'yon joke. Hindi pa tayo late kaya puwede akong maghintay"


"Bakla ka ba?" tanong ni Ian.


"Prangka nga si Ian. Oo, may problema ba?" sabay tawa ng malakas ni Ian. Nakita ni Karl kung paano hawakan ng dalaga ang kanyang tiyan.


"Wala..."


"Mukhang gusto mong magkaproblema?..." Banta ni Karl at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng dalaga. Hinatak ng kanyang kaliwang kamay ang leeg ng dalaga hanggang halos magkaamuyan na sila ng hininga.


"Karl, ano ba? Sabi nang joke lang iyon eh..."


"Alam mo, hindi mo ako pinatulog kagabi. Pero okay lang kung hindi ulit ako makakatulog ngayon gabi dahil sa halik mo."


"Eh, ano ba? " Sinunggabang muli ng binata ang dalaga ngunit iniharang kaagad ni Ian ang kanyang kamay sa kanyang labi at palad niya ang nahalikan ni Karl.


"Ngayon, aasarin mo pa ba akong bakla?"


"OO..." Malakas na sabi ni Ian ngunit tinakpan pa rin niya ang kanyang bibig matapos niyang sagutin ang binata. "Bakla ka naman talaga eh!"


"Ah ganoon pala ha!" Sinisid ni Karl ng halik ang dalaga. Ang totoo, nagustuhan niya ang first kiss nilang dalawa. Mas passionate ang halik niya. Kahit pumapalag si Ian, lalo niya itong hinatak palapit sa kanya at naramdaman ang dibdib ng dalaga. Nakahawak na siya sa beywang ng dalaga.



Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga. Saka lang huminto si Karl. Bigla siyang nagsisi sa ginawa niya. Hindi niya inaasahang mangyayari ulit iyon samantalang wala naman silang kaugnayan ni Ian.



Napayuko sa manibela si Karl. " Ian, I'am sorry." Nagpahid lang ng luha si Ian atsaka siya lumabas. Ayaw niyang mahalata siyang umiyak pagdating sa klase.



Nagulat ang mga kaklase nito ng makitang magkasama ang dalawa.


"Wow! angganda ng buhok mo, Nianne"


"Si Karl ang nag-ayos ng buhok ko" Si Karl pa rin ang nag-ayos ng buhok nito tulad ng kanyang pangako. Inabutan niya ito at huminto muna si saglit sa pasilyo. Umupo sa bench na naroroon at saka inayusan ng buhok ang dalaga.


"Talaga!" nagkatinginan lang ang mga kaklase nito.



Magkatabi sa upuan sina Ian at Karl sa klase ng araw na iyon para sa kanilang Personality Development Class. Bahagyang napapatingin si Ian sa katabi. Namangha siya sa pagsasabi ng totoo ni Karl. Inamin niyang bakla nga siya.


"Bakit ganoon? Kahit bakla siya... Ano ba itong nararamdaman ko ?"



Hindi rin makapaniwala si Ian. Sa kabila ng pag-amin ng binata ay lalo naman siyang humanga dito. Tulad lang ng Drive Thru, kung gusto mong mapadali, dito ang daan mo para umorder. 

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon