3RD PERSON'S POV
Unang nagising si Ian habang nakitang siksikan silang mga babae sa kama ni Cyanne. Nakahiga sa sahig ng kuwarto ang mga lalaki. Nakita niyang natutulog sa sopa si Karl. Lumabas ito ng kuwarto at nagtungo sa kusina.
"Good morning mo, Tita"
"Good morning. What's your name again, Iha?"
"Nianne po."
"Want some coffee? Mukhang may hang-over ka pa ah. Masakit ba ulo mo?"
"Hang-over? Ano po 'yun?"
"Di mo ba alam na nalasing ka kagabi"
"Wala naman po akong ininom na alak e"
"Naku napakainosente mo naman,Iha. "Yung juice na ininom mo kagabi ay may halong Vodka. Di mo ba napansin?"
"Ah ganoon po ba? Kaya po pala parang mapakla 'yung lasa"
"Mukhang nakadami ka nga ng inom e. Nauna ka nga nakatulog. Iniakyat ka ni Karl"
"Huh! Talaga po"
"Boyfriend mo ba siya, Iha?"
"Hindi po"
"Binuhat ka niya kagabi at inihatid sa kuwarto ni Cyanne. Mukhang malaki ang pagkagusto sa iyo ni Karl a. Angtagal ka niyang ikinulong sa kuwarto kagabi"
"Ano po?"
"Hay, lasing ka nga. Tsk! tsk! tsk!" Iniabot sa kanya ang kape atsaka tumalikod ang matandang babae na may nakakalokang ngiti.
Tahimik siyang humigop ng kape at hindi pinansin ang sinabi ng babae. Hindi niya namalayang nagising na rin ang mga kaklase at sunud-sunod na nagsipagbabaan.
"Ang aga mong nagising a" bati ni Cximara. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Sunud-sunod na nagsipagbabaan ang mga babae.
"Okay na ako"
"Bati na ba kayo ni Karl?"tanong ni Hailee.
"Hindi pa ba obvious?" Sabi ni Cximara.
"Bakit? Anong ibig mong sabihin" Tila naguguluhan niyang tanong. Nagulat din ang lahat dahil parang wala siyang kaalam-alam sa nangyari ng nagdaang gabi. Nagkatinginan sila at nanahimik. Ayaw nilang magsimula ulit ng gulo sa pagitan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomansaNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?