3RD PERSON'S POV
3rd year, walang pinagkaiba sa sitwasyon noong First Year at Second Year.
Para silang aso't pusa. Walang ginawa kundi magbangayan, pintasan ang isa't isa. Siraan at barahin ang trip nilang dalawa. Nagsawa na rin ang mga classmates nila na awatin sila. Gusto na nga silang pagbuhuling dalawa hanggang sa manahimik silang pareho. Pero anong magagawa nila kung the feeling is mutual. Kumukulo talaga ang dugo nila sa isa't isa ng hindi nila maintindihan.
But comes, FOURTH YEAR, GRADUATING CLASS... and things changed... Some things can be changed without prior notice.
IAN'S POV
I got used to it. Makipag-unahang sumakay ng jip, bumiyahe ng malayo, sumiksik sa bus o LRT at sumubok lumusong sa baha at abutin ng gabi sa kalye. Dito ko rin naranasang magkaroon ng maraming kaibigan na makakasama ko ng mahaba-habang panahon. Mahaba na ang apat na taon. Iba-iba kaming lahat ng personalidad pero mayroon kaming napagkakasunduan. Sa pag-aaral, walang problema dahil halos lahat ay may ibubuga. Laman kami ng library , canteen at ang pinakasikat na tambayan, ang UTMT ( under the mango tree ). Pitong babae kami sa grupo na kung tawagin ay BGs ( Beautiful Girls kapag nasa mood at Bubonic Girls kapag nang-aasar lang sa mga kaklase naming lalaki )
Sa grupo, ako ang pinakamatangkad at pinakabata. Lahat ng ma- nasa akin na; mabait ng kaibigan, maalalahaning kabarkada, matakaw kumain, malakas tumawa, maingay magkuwento at may pagka-masungit lalo na kung wala sa mood. May mga pagkakataong tahimik ako at palapansin, palangiti rin kung nagpapa-cute at isama mo na ang pagiging mausisa ( iba po ito sa pagiging tsismosa )
Simple lang akong kolehiyala. Unibersidad bahay. Bahay, unibersidad lang ang alam ko. Matinong estudyante ito at hindi ako sakit ng ulo ng mga professor ko.
Boyfriend?
Hmmm, next question please. Wala bang nagsabi na bawal itong tanungin sa akin.
Ang totoo, hindi ako ang tipo ng babae na ligawin. Langawin siguro ang correct term doon kung paninda ako sa palengke. Iyon nga ang nakapagtataka, kolehiyo na ako pero wala pa ring nanliligaw sa akin.
Bakit????? Pangit ba ako? May putok ba ako? Makinis nga ang kutis ko kasi only Below touches my skin. Hindi naman ako duling. Maayos ang mga ngipin ko pero kung tumawa labas gilagid. Hindi naman iyon ang punto di ba ? Anong problema sa akin? Hindi naman yata makatarungan ito. Kahit nga 'yong basurero sa amin may asawa. Iyon ngang tambay at adik sa kanto namin may nagkakagusto pa?
Bakit sa akin?
Wala?
Kahit isa.
Waaaahhh!
Dapat ba akong mag-alala o matakot man lang?
Huling taon ko na ito at ewan ko kung magkakaroon na ako ng bf this time.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomantiekNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?