HELPLESS CASE

352 16 0
                                    

IAN'S POV



Huling taon ko na sa Aeronautic School. Pero parang hopeless na dito ako makakahanap ng boyfriend. Baka naman ibang lahi pala ang nakatakda kong mapangasawa. Mmm, pwede na rin siguro. Anyway, hindi naman nakakahiyang aminin na never pa akong nagka-boyfriend.



Kinabukasan, tahimik na akong nakaupo sa loob ng classroom habang naghihintay ng mga kaklase namin ng lapitan ako ni Karl.



Sa kauna-unahang pagkakataon, walang bangayang nangyari. Matagal-tagal na rin kaming nag-declare ng ceasefire sa isa't isa. Tama na 'yong ilang taon naming binomba ang isa't isa ng sandamakmak na kasiraan. Tahimik ang bawat kampo this time . Mukhang naubusan na ako ng sasabihin at ayoko namang magsalita. Payapa kaming magkatabi.



"Uy, Ian nakita kita hapon. Sino 'yung poging kasama mo?" Sabi niya sa akin.


"A, kuya ko 'yun" Pogi talaga ang description niya. Sus!


"Kuya mo?"


" Bakit?"


"Wala lang. Angganda ng katawan ha!"


"What?" Tinitigan ko si Karl at sinukat. Nagulat ako sa sinabi niya. Sino ba namang matinong lalaki ang magsasabi sa kapwa lalaki na maganda ang katawan nito with matching kilig factor, unless may pagka.... alam mo na.


"Bakit? Masama ba ang sinabi ko?"


"Hindi. Military kasi ang kuya ko kaya ganun." Para kasi siyang kinikilig.


"Military? Ah kaya." Napalunok si Karl na tila nahintakutan.


"Tapatin mo nga ako..." Curious lang naman ako.


"Ano?" BIgla akong napadalawang isip. Tahimik na ang mga mundo namin at naghahamon na naman ako ng away. Kaya lang matagal ko na rin itong gustong itanong sa kanya.


"Bakla ka ba?"


"AKO! BAKLA! " Nabingi ako sa sigaw niya pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.



Nabigla si Karl sa kanyang narinig. Natakot ako sa reaksyon niya. Kasi nakita kong galit na galit siya. Hinatak niya ako palapit sa kanya. Automatic ang reaksyon niya tulad ng mga napapanuod ko sa mga drama. Patutunayan niyang hindi siya bakla. May kung anong magnet ang biglang humatak sa akin. Bigla siyang huminto , titig na titig sa akin. Sobrang lapit sa aking mukha. Unti- unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Guess what happened? He kissed me passionately. Hindi ko nakita ang galit sa kanyang mukha ng halikan niya ako maliban sa pagsigaw niya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang ginawa niyang halik. Hindi naman niya nilamutak ang labi ko dahil galit siya. Feel na feel niya ang halik na ginawa niya. My first kiss was made in reality.



"Huh! Karl?" bigla ko siyang tinalikuran . Walang nakahalata sa nangyayari sa likuran.


"Ian, sorry. Nagulat ako" Napabuntunghininga siya sa pagkabigla. Hindi ako nakapagsalita .


"Shit! Bakit ko siya hinalikan? Hay naku, sira-ulo ka talaga, Karl"



Nagulat ako sa mga pangyayari. Anong nangyayari? Hindi ako makaimik buong klase. Nakakabingi ang katahimikn, Ni hindi ako makatawa. Gusto kong himatayin sa nerbyos kanina. Hanggang ngayon ay damang dama ko ang kiss ni Karl.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon