T'WAS A DAY

189 3 0
                                        

ALMIRA'S POV



Madaming pinamili si Ian pag-uwi ng bahay. Nakita ako ang pamilyar na mga paperbags. Mukhang hindi niya alam na boutique ni Karl ang kanyang napasukan.



"O bakit ka namili ng mga damit? May dadalhing damit dito para sa iyo ang KCi Clothing..."


"Nagustuhan ko lang po kasi ang tabas at style nito. Bago sa panlasa ko."


"Hindi dito madalas pumunta si Karl. Alam mo, nagpunta siya ng Amerika para mag-aral ulit. Kababalik lang din niya at masyadong abala sa kanyang boutique. Magpakita ka man lang kay Tita Lalaine mo bago ka bumalik sa hotel. Matutuwa iyon tiyak."


"Galit po ba si Tita Lalaine sa akin?"


"Anak, hindi mo maiiwasang maghinanakit si Tita Lalaine mo pero alam niyang mahal na mahal ka pa rin ni Karl at walang nagbago doon"



Bumalik sa kuwarto si Ian. Inilapat nito ang kanyang likuran sa kama at sa sobrang pagod ay nakatulog kaagad.



"Robert, sa tingin mo, magpapakita ba si Ian kay Karl?"


"Almira, hindi pa handa ang anak mo."


"Hindi lang ang di natuloy na kasal nila ni Karl ang iniisip niya ngayon kundi pati ang pagkamatay ng una nilang anak."


"Paano niya maipapaliwanag iyon kay Karl?"



Kinabukasan si Lalaine lang ang dumating sa boutique. Pinaakyat ko siya sa bahay. Sinamahan ko si Lalaine sa kuwarto ni Ian.



"Ian"


"Tita lalaine"



Niyakap ni Lalaine ang dalaga. Itinuring na niyang anak si Ian noon pa man kahit noong mga kolehiyo pa sila.



"Ian ,kumusta ka na? Nalungkot kaming lahat sa nangyari. Hindi mo na ba mahal ang anak ko?"


"Tita lalaine, hindi po kayo galit sa akin"


"Ian, mahal na mahal ka pa rin ni Karl hanggang ngayon. Balak mo bang magpakita sa kanya ngayon?"


"TIta, wala na akong mukhang maihaharap kay Karl"


"Anak, lahat kami ay umaasang itutuloy pa rin ninyo ang kasal"



Napakaemosyunal ng mga babae. May isa lang na umiyak, hawa-hawa na kami. Hinawakan ni Lalaine si Ian.

ANG LOVER KONG BADINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon