SUDDEN CHANGE

222 6 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Maganda ang kinalabasan ng photo shot ni Ian. Dahil malaking kompanya ang KLM&Co., ipinagawaan siya ng malaking billboard sa Edsa.



"Alam mo may nakita akong billboard sa Edsa. Kamukha ni Ian ang model"


"Talaga!"


"Oo, kinunan ko nga ng picture para maniwala kayo sa sinasabi ko"


"Wow! Oo nga. Kamukhang kamukha niya."


"Hintayin natin si Ian at tanungin natin siya kung alam niya ito"



Samantala, inalalayan ni Karl sa pagbaba si Ian lalo na't nakabestida ito at nakasuot ng de-takong na sapatos. Dahan-dahan siyang humakbang pababa ng hagdan. Hinawakan niyang mabuti ang dalaga.



"Angganda naman ng aking prinsesa"



Tahimik lang si Ian. Hindi siya gaanong makatingin ng diretso kay Karl. Parang wala na siyang karapatang magmalaki simula ng maangkin siya ng tuluyan ng binata.



"Bakit ba kanina ka pang tahimik? May nangyari ba?"


"Wala naman." Wala siyang ganang magsalita o makipag-usap kahit kanino. Gusto sana niyang umabsent pero magtataka ang mama at papa niya kumbakit. Ayaw din niyang makita si Karl.


"Iniisip mo pa rin ba ang tungkol sa nangyari sa atin nung isang gabi"


"Karl, puwede bang huwag na nating pag-usapan 'yon?"


"Ayoko ng ganyan ka. Nakakapanibago."


"Masisisi mo ba ako?" Umiyak si Ian.


"Ian, huwag kang umiyak"


"Karl, natatakot ako."


"Ano bang ikinatatakot mo?"


"Paano kung hindi tayo magkatuluyan tapos may nangyari na sa atin? May magmamahal pa ba sa akin"


"Ako lang ang magmamahal sa iyo. Tahan na." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Pinisil niya ang kamay nito at niyakap ang dalaga pagbaba ng sasakyan.



Pagdating sa school, hindi makapaniwala ang lahat. Ang mismong damit na nasa billboard ang siyang suot ni Ian.



"Ian, ikaw ba ang model ng KLM&Co?"

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon