LIGHTS OFF

231 11 0
                                        

3RD PERSON'S POV



Tahimik siyang nakasakay sa kotse ni Karl ngunit mababakas ang ngiti sa kanyang labi.



"Congratulations, Ian" At parang automatic lang ang nangyari na akala mo ay mayroon siyang pahintulot na humalik sa dalaga. Hindi lang basta halik ang ginawa niya. Napakapit sa kanya si Ian. Hindi niya kasi iyon inaasahan.



"Gosh! Bakit ko nanaman siya hinalikan? hay, ano ba?"


"Karl, bakit mo ako hinalikan?"


"E bakit mo din sinabing boyfriend mo ako?"


"Ha! "Yon ba? Joke lang yun"


"Joke lang"


"E, bakit mo nga ako hinalikan?"


"Hah! " walang maidahilan si Karl. "Joke lang din 'yun..." Ganti lang ng binata. Itinuon na lang niya ang pansin sa kanyang pagmamaneho. Si Ian naman ay lalong naguluhan. Parang may mali sa sinabi niya. Tumingin na lang ito ng diretso sa kanilang direksyon pauwi.


"Joke lang ? Wow! Angganda ng joke mo..." Halatang galit si Ian.


"Ian?"


"Ganyan ba ang ginagawa mo sa ibang babae? Basta-basta mo na lang hinahalikan ng walang paalam, ng walang dahilan, ng joke lang. Sabagay, ilang babae na ba ang nahalikan mo? Or maybe most of them are..." Huminto si Ian. Sa kabila ng lahat


"Bakit? Ibang babae? Ikaw pa lang ang nahalikan ko" Bago bumaba, tiningnan niya si Ian.


"Bakit?"


"I love you, Ian"


"Ha, a, e. Wala"


Inalalayan niya ang dalaga sa pagbaba ng kotse pero iniwasan siya ni Ian.


"Ano ba? Galit ka ba?"


"NO... I am not. Hindi ako galit. Hindi ako dapat magalit sa iyo dahil sa laki ng tulong mo. Thank you..."


"Galit ka eh?"


"Hindi nga sabi eh... Angsaya –saya ko kaya..." Pero sarkastika ang pagkakasabi niya.


"Madami kayong bisita sa taas. Nakakahiya naman kung aakyat kang nakasimangot."


"Problema ko na iyon..." Padabog siyang umakyat sa hagdan. Dinig ang lagutok ng kanyang sapatos. Hindi na rin naiwasan ni Karl ang pagkabahala sa kilos ni Ian.



Nagkaroon ng salu-salo ang dalawang pamilya at ang ilan sa mga kaibigan nito na nakapanuod ng pageant. Pinalakpakan ng lahat ang dalaga ng pumasok ito kasama si Karl. Binago kaagad ni Ian ang kanyang facial expression.



"Speech! Speech!" sigaw ng mga kaibigan nito.


" Kailangan pa ba iyon?" tumingin ito kay Karl. Sinenyasan siyang tumayo.


"Salamat sa Diyos dahil kahit papaano ay hindi po ako masyadong naunahan ng kaba kahit may stage fright ako. Kina mama at papa pati kay Kuya, kay Tita lalaine at higit sa lahat sa taong nagpumilit na isali ako at inilista ako ng walang pasabi, kay Karl. Salamat sa buong buong suporta at pagtitiwala ninyo sa akin"



Pinalakpakan uli siya ng lahat.


"Kain na po ulit tayo" Walang pagsidlan ng tuwa ang buong kabahayan. Gabi na ng matapos ang salu-salo.


"Anak, totoo ba 'yung isinagot mo kanina?"


"Ah, iyon po ba? Big joke lang 'yun Papa"


"Big joke?"


"Opo"


"Hindi ba 'yun totoo?"


"Hindi po"


"Loko ka talaga"


"Papa, matutulog na po ako"


"Sige, alam kong pagud na pagod ka sa ilang linggong pag-eensayo"



Nag-usap muna sila ni Karl sa baba. Pareho silang nakaupo sa hood ng kotse. Malalim ang buntunghininga ng dalawa.



"Ingat ka sa pag-uwi. Salamat uli..."


"Ian..."


"Sige, uwi ka na..."


"Ano ba? Galit ka pa eh..."


"Tapatin mo na lang ako. Ano ba tayo? Huwag mo akong sagutin ng joke ha! Baka hindi ako makapagpigil sa isasagot mo."


"As of now..."


"Owww! What a nice answer, Mr. Carlos? Are you playing with me? Hulog na hulog na ang loob ko sa'yo. Masyado kang pa-fall pero hinayaan mo lang akong mahulog ng ganito. Hindi mo pala ako kayang saluhin." Hindi na napigilan ni Ian ang kanyang emosyon. Kanina pa niyang pinipigilan ang kanyang pagkadismaya sa sagot ni Karl.


Tumalikod si Ian at umiyak. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa katatapos na paligsahan, zero pa rin ang lovelife niya. Paghiga ni Ian, ni hindi man lang siya dalawin ng antok. Bigla niyang naalala ang ginawa ni Karl kanina sa kotse.


"Mahal na yata kita"



Hindi na niya namalayan kung anong oras siya nakatulog.

ANG LOVER KONG BADINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon