TRIAL AND ERROR

282 14 0
                                        

KARL'S POV



Kinabukasan.



Hindi ako makapaniwalang magagawa kong abangan si Ian ng ganito kaaga para masigurado lang na maisasabay ko siya sa pagpasok. Ganito ba ang sinasabi nilang panunuyo? Pero effective ba naman ito? Tingnan ko lang kay Ian kung paano ko mapapasagot ang bruhang ito este ang apple of the eye ko. Kapag naalala niya ang sinabi niya noon na pahihirapan ako... aaahhh! malaking problema iyon.



Matiyaga akong nag-abang sa kanto nina Ian. Nang makita ko siya , pinaandar niya ang kotse at huminto sa tapat nito.



"Good morning Ian. Sabay ka na" bumaba ulit ito at pinagbukas niya ng pinto ang dalaga. Napansin niyang naka-dress ang dalaga at naka-wedge shoes ito ng may dalawang pulga ang taas. Maiksi lang ang kanyang dress kaya kitang kita ang long legs nito.


"Wow! Ganda mo ngayon a" bulong ko sa kanya at ngumiti sa kanya. Feeling long hair naman si Ian.


"Karl, ipinatahi ko na kay Mama 'yung design na ginawa mo. Tingnan mo. Maganda ba?" buong pagmamalaking sabi ni Ian.


"Wow! Iyan na ba? I didn't barely recognize it. Maganda ang tela na napili mo. Mukhang magaling manahi ang mama mo ha. Angganda mo ngayon!" Ulit ko pang sabi sa kanya.


"Salamat. Teka, Karl. Di ko yata matatanggap ito" Inilabas niya ang maliit na paper bag na bigay ko sa kanya kahapon.


"Bakit?"


"Masyado itong mahal. Nakakahiya!"


"Ano ka ba? Libre lang yan. Padala 'yan kay Mommy"


"Di nga?"


"Promise. Matagal na 'yan sa bahay. Kunin mo na. Para kang may date mamaya a" binago na lang niya ang usapan.


"Date ka dyan..." Inismiran niya ako.


"Karl, puwede mo ba akong ligawan? Kung awkward sa iyo dahil bakla ka at feeling mo mas babae ka pa sa akin, ako ang manliligaw sa iyo. What do you think? Gaga, masyado kang desperadang magkaroon ng boyfriend. So, kahit bakla, okay lang sa iyo"


"Ian"


"Karl bakit?"


"Parang anglalim naman ng iniisip mo?"


"May bigla lang akong naalala"


"Wala namang problema kung bakla ka e." bigla nitong nasabi habang nakatingin sa labas ng bintana.

ANG LOVER KONG BADINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon