3RD PERSON'S POV
Sa kabilang tambayan, sa ilalim ng puno ng mangga. Kanina pang naghihintay ang mga kaibigan ni Ian.
"Ian, bakit lagi kang nakadikit kay Karl?" Tanong ni Daran.
"Boyfriend mo na ba siya?" Tanong ni Cyanne.
"Sa kanya ka na sumasabay pag kakain tayo sa kantin"- si Cximara.
"Isa-isa lang mahina ang kalaban" Awat ni Ian.
"So paki-explain nga"- si Demetrice. Nameywang pa ang dalaga. Halatang hindi nagugustuhan ang mga pangyayari.
"Nagkasabay lang kami kaninang umaga at inayusan niya ako ng buhok. Kaya natuwa lang ako sa kanya. "
"Pero alam mo, Ian. May kakaiba sa ngiti mo ngayon. Parang angsaya-saya mo ngayon"- Hailee
"Na parang-in-love?" – Aimee
"In-love? Ako? In-love" Sabi ni Ian.
"E, bakit nagba-blush ka?"
"Huh! Ewan? Papasok na ba tayo sa next subject natin o iinterbyuhin pa ninyo ako? Male-late na tayo" Binago niya ang usapan atsaka tumayo na sa kanyang kinauupuan bago pa mauwi kung saan ang kanilang balitaktakan. Si Ian na naman ang hotseat.
"Hay! oo nga. Baka pagalitan tayo ni Ma'am"
Silang pito na lang ang wala sa klase ng hapong iyon. Ini-reserve ni Karl ang isang bakanteng upuan para kay Ian. Pagpasok nito sa klase ay kinawayan ito at niyayang umupo sa tabi niya. Nagkatinginan na lang ang lahat. Iniwan niya ang mga kasama at dali-daling umupo sa tabing upuan ni Karl.
"Dito ka umupo sa tabi ko"
"Thank you" Inilapag ni Ian ang gamit. Naglabas ng isang kuwaderno at ballpen.
"Ian, ihahatid kita mamaya sa inyo okay lang ba?" Bulong ni Karl.
"Ha? Bakit? Okay lang ako"
"Baka mahirapan kang sumakay mamaya. Doon din naman ang way ko sa inyo e. Ihahatid na kita"
"Naku. Karl nakakahiya naman. "
"Para hindi mag-alala ang papa mo. Atleast maaga kang makakauwi. Sige na , please"
"Hindi na"
"Bakit? Hindi ba puwede? May sumusundo ba sa'yo?"
"Wala naman. Kaya lang, nakakahiya. "
"Anong nakakahiya?"
"Basta. Atsaka, maaga pa naman e. Okay lang yun. Maghihintay na lang ako dyan sa sakayan" Hindi na nagpumilit pa si Karl. Pagdating ng dismissal ay nagsipaglabasan na ang mga estudyante.
"Sabay na akong lalabas sa inyo" Sabi ni Ian.
"Sige" si Hailee.
"Bakit kasi di ka pa sumabay kay Karl?"- Cximara.
"Ano ka ba? Nagkataon lang naman na isinabay ako ni Karl kaninang umaga. Okay na 'yon"
"Pakipot"- si Cximara.
"Malay mo, siya na ang one and only mo"- si Cyanne.
"Ang iyong prince charming"- Aimee.
"Hay naku inaasar lang ninyo ako"
Iniwan nila si Ian na naghihintay ng sasakyan.
"Bye, Ian. Ingat sa pag-uwi."
"Ingat kayo"
Matamang nag-abang ng jeep ang dalaga. Palibhasa ay nakapalda kaya hirap siyang makipag-unahan sa mga lalaking kasabay niyang sasakay din. Hangga't maaari ay sasakay siya sa jeep na maayos at komportable siyang makakaupo. Ayaw niya ng siksikan.

BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?