3RD PERSON'S POV
Nakalaan ang isang pool area para sa buong barkada nina Karl at Ian. Overnight ang swimming ng buong grupo. May naka-assign na lifeguard sa lugar na iyon. Mahigpit na ipinapatupad ang mga alituntunin sa tamang asal at pananamit pagdating sa panliligo.
"Miss, magsu-swimming ka ba?" Tanong ng lifeguard.
"Opo" Sabi ni Ian.
"Hindi puwede 'yang suot mo dito sa pool." Itinuro ng Lifeguard ang isang karatula na hindi man lang niya pinansin ng pumasok sa pool area " STRICTLY BATHING SUITS ARE ALLOWED. "Meroon pong bathing suits na available sa store. Puwede po kayong bumili doon kung wala po kayong dala?" Sabi pa ng lalaki.
Hinanap ni Ian si Karl upang makapagpasama sana siya sa kuwarto. Ngunit hindi niya ito mahanap kaya mag-isa itong nagpunta sa kanyang kuwarto ay nagpalit ng two piece bathing suit. Meroon siyang shawl na itinapi sa kanyang beywang upang hindi naman siya pagtinginan ng mga lalaking naliligo sa ibang pool area.
Nasa lounge area si Karl ng marinig niyang nasipagsipulan ang mga kalalakihan. Naisip niyang baka may dumaang seksing babae kaya ganoon na lang ang reaksyon ng mga binata. Napansin niyang nagkandahaba ang leeg ng mga ito at pati siya ay sumilip na rin.
"Nasisiraan na ba talaga ako ng bait? Ian, Ian, what's going on with me? "Huh! Si Ian ba 'yon?" tumayo ito at lumapit mabuti upang makita ang seksing babaeng sinisipulan ng mga binata. Lumabas siya at sinundan ang dalaga. "Ian?"
"Karl, kanina pa kitang hinahanap. Saan ka galing?" Humarap ang dalaga sa kanya.
"Sa lounge café... Nagutom ako e. Bakit ka nagpalit ng bathing suit?"
"Bakit hindi ka nagyayang kumain? Nagugutom na rin ako. Bathing suit lang daw ang puwede kaya nagpalit na ako kasi gusto kong maligo. "
"Wala ka bang ibang bathing suit? Gusto mo bang kumain?"
"Ito lang naman ang bathing suit ko e. Akala ko ba gusto mo akong makitang nakasuot nito?"
"Nagbago na ang isip ko . Lahat ng mata , nakatingin sa iyo o. Ako lang dapat ang makakakita niyan"
"Bakit? Ano ba kita?"
"Boyfriend mo. "
"Manahimik ka nga..." Sumunod na rin si Karl kay Ian.
Naliligo na rin ang iba nilang mga kaklase ng datnan nila sa pool area. Nagdive si Karl sa pool kaya naglikha ito ng malaking splash ng tubig. Hinanap si Ian at lumangoy palapit sa dalaga.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomansaNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?