IAN'S POV
Thank's God it's Saturday. Sarap magbabad sa kama. Sarap matulog. Sarap managinip.
Mabuti naman at hindi ko na makikita ang baklitang 'yon. Uhhhhh! Gosh, buwisit talaga ang baklang iyon. Bakit ko ba siya naaalala? Nasisira lang ang araw ko sa kanya. Anyway, I'll take his words for improvement. Ibabangon ko ang dangal ko hahahaha. Humanda ka sa akin, Karl.
"Ian, tanghali na. Gising na dyan at mataas na ang sikat ng araw, babad ka pa rin sa iyong kama"
"Mama naman, Sabado naman po ngayon e"
"Gumising ka na dyan. Umuwi ang kuya Toby mo kagabi kaya sabay-sabay tayong kakain ngayon"
"Ahhhh, Mama naman e. Angganda na nga ng panaginip ko, tapos bigla ninyo akong ginising"
"Anak naman, bumangon ka na dyan"
"Mama",Pagmamaktol ko . Nawala na ako sa mood
3rd PERSON'S POV
Pumasok ang kanyang kuya Toby sa kuwarto at sabay dive sa kama. Niyakap ang bunsong kapatid habang nakapamaluktot ito sa pagkakahiga.
"Mmm, namiss ko ang kapatid ko a" sabay halik sa kapatid. Niyakap niya ito habang nakahiga rin sa kama.
"Kuya, angganda ng panaginip ko."
"At ano naman daw iyon?"
"Nakilala ko na si Mr. Dreamboy?"
"Wow, talaga!"
"Kaya lang, bad trip si Mama. Bigla akong ginising. Naputol tuloy ang panaginip ko. Ipinikit ko ulit ang mata ko at nagbakasakaling bumalik ang panaginip ko. Kaya lang..."
"Kaya lang, ano?"
"Wala na."
"Tsk! Sayang, sana may boyfriend ka na... sa panaginip" sabay tawa ng malakas ng kanyang kuya na tila nang-aasar lang din naman pala sa kanya.
"Naku, at kinunsinti mo pa ang loka-loka mong kapatid"
"Diyan lang naman siya masaya sa mga panaginip niya e"
"Tayo ka na diyan. Sabay tayong kumain tapos samahan mo akong mamili ng mga damit. Iti-treat din kita"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?