KARL'S POV
Matagal ko nang kaklase si Nianne pero ngayon ko lang siya napansin ng mabuti. Sa kanilang magkakabarkada, siya ang parang isip-bata. Sa kabila ng kanyang pa-girl effect, may pagkamagaslaw siyang kumilos kapag nakakakita ng pogi sa school. Madali siyang mag-blush lalo na kapag kinikilig, tumatawa at napapahiya. Palangiti siya. Sa iisang upuan mo lang siya makikita, di tulad ng mga kaklase naming na naikot na lahat ang upuan sa loob ng classroom. Palagi lang siyang kabuntot sa mga kabarkada nito pero may mga pagkakataon namang nasa ibang grupo ito at nakikihalubilo rin.
Boyfriend?
Wala pa akong nakikitang boyfriend na sumusundo sa kanya.
Ibig sabihin, hanggang ngayon ay wala pa talaga siyang boyfriend.
"May alam ka bang nanliligaw dyan kay Ian?" Bigla ko lang naitanong kay Pinky.
"Matagal na natin siyang classmate di ba? Bakit may nakita ka ba?"
"Wala. Puro crush lang naman ang alam niyan. College na, parang high school pa rin kung kumilos."
"And all of a sudden, why do you ask about it?" Naku, ambilis naman nyang makahalata.
"Bakit? Masama bang magtanong?"
"Hindi..." Sabi ni Ximara.
"Uy, tandaan mo. Ang sabi mo dati, hindi si Ian ang tipo mo" Muling inulit ni Pinky ang matagal ng paalala sa akin.
"Kasi lalaki ang gusto niya" Pinagkaisahan pa nila aKong dalawa ni Iris at Pinky.
Hindi na lang nila ako pinansin . Nagkibit balikat na lang ako at binalewala na lang ang sinabi ko. Walang ibang nag-uugnay sa mga gutom na kaluluwa kundi ang aming kantin. Pagkatapos ng nakakagutom na araw sa loob ng klase, kailangan na naming mag-re-charge sa kantin.
"Hay! grabe nagutom ako dun" sabi ni Cximara.
"Okay na kaya ang experiment natin"
"Tingnan natin kung anong grade natin bukas"
"Nasaan na si Ian?"
"Hayun, nakapila na siya!"
"Hindi mo pa ba kilala 'yan? Alam mo namang ayaw niyang magpagutom"
"Nakakatuwa ngang kumain 'yan e. Anglakas kumain pero tingnan mo ang katawan. Seksi pa rin"
"Ako nga e, konti na nga lang ang kanin. Tuluy-tuloy pa rin sa pagtaba"
"Ano kayang sikreto niya?"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
