IAN'S POV
Hindi nga nagkamali ang mga nanay namin. Natuloy din ang kasal. Simpleng kasalan na lang ang hiniling ko dahil ayaw din naming malaman ng kahit na sinuman ang magaganap na kasalan.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
"Congratulations, Iha!"
"Thanks Mommy"
"Congratulations, Iho!"
"Thanks Mama"
"Natuloy din sa wakas" sabi ni Robert.
"Buti naman at hindi nakatakbo"
"Poposasan ko na po para hindi makatakas"
Nasa reception kami ng mga oras na iyon at nagkakasiyahan. Nandoon sina Darren at Jaimee. Hindi na nila pinalampas ang pagkakataon na masaksihan ang aming kasal ni Karl. Hindi pa nga makapaniwala si Darren. Mukhang aapela pa siya. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap ng mahigpit suot ang aking gown. Hinila kaagad ako ni Karl.
"Uy, Darren huwag mong sabihing hanggang dito sa kasal ko eh eepal ka ha! " Sabi ni Karl. Mukhang mag-aaway pa silang dalawa kaya inawat ko naman. Pero mas nakakagulat ng biglang dumating si Philena. Naku, ang bruhang ito at mukhang gagawa pa ng eksena. Ano na naman kaya ang problema niya at nakaitim pa siya?
"Karl, baby..." Sabi niya kay Karl. Niyakap niya ang aking asawa at nataranta si Karl at hindi malaman kung paano huhulagpos sa pagkakayakap ng babae. Baby pala ha!
"Huh, Miss Philena Aguas... Flight Attendant ka ng Arab Emirates di ba?" OO, bigla kong naalala.
"Mabuti naman at naalala mo pa, Miss Nianne Lerman..."
"Paano mo nagawang magpakasal sa babaeng ito na nang-iwan sa iyo sa airport? Wala na bang babae sa mundo..." Sabi niya. Ay si Ate, anggaling ng drama. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko at humarang sa akin si Karl. "Nice gown, mas maganda sana kung ako ang nagsuot." Lalong nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Ambisyosang babae...
"Karl...Ano ito?" Tanong ni Mommy Lalaine.
"Let me handle this , Mommy. Noone could ever ruin us NOW... Kaya umalis ka dito at lumayas ka! Layas... Sino ka ba para husgahan ang asawa ko? Mas mahalaga sa amin ang ngayon kaysa kung ano ang nangyari sa nakaraan. Ano bang problema mo? "
"I love you Karl..."
"Anong sinasabi mo eh hindi ko naman sinasadyang mahalikan ka? It's nothing, Miss. I am sorry..." Lalapitan sana niya ako pero biglang sumugod ang isang babae at lalaki na mukhang may mga breeding naman. Mukhang mayayaman sa kanilang mga ayos.

BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?