3RD PERSON'S POV
Makaraan ang isang buwan, nakatanggap ng tawag si Robert at Almira na sukat ikabigla nito.
"Tita Almira, nandito po sa hospital si Ian. Kindly take the first flight to Bahrain tomorrow at 5am. Susunduin ko po kayo" sabi ni Cyanne.
"Teka, sino ba ito?"
"Tita, si Cyanne po."
"TIta, may nangyari kay Ian. Pero huwag po ninyong banggitin kay Tita Lalaine" Pero hindi ito inilihim ni Almira kay Lalaine.
"Lalaine, tumawag si Cyanne. Nag-aalala ako kay Ian. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Babalitaan kita"
"Almira, salamat"
Pagkatapos ibaba ni Almira ang telepono, tinawagan ni Lalaine ang kanyang private investigator.
"Gil, take your flight to Bahrain tomorrow at 5am. Sundan mo sina Almira at Robert. Send me picture of Ian to know what happened to her. Give me details"
"Yes, Ma'am"
Naiyak si Lalaine para sa anak niya. Pagpasok nito sa kuwarto ni Karl ay nakita niyang halos hindi ito makagulapay sa kalasingan. May ilang bote ang hinagis nito sa pader at nagkalat ang bubog sa kung saan.
"Ian! Ian! nasaan ka na?" Dinig nitong sabi ni Karl.
"Karl, nandito si mommy. Bangon na anak"
"Ian, mahal na mahal kita. Paano ba kita makakalimutan?"
"Nasa Bahrain si Ian, anak. May nangyari sa kanya pero hindi ko puwedeng sabihin sa iyo"
BAHRAIN HOSPITAL
ROOM 1004
Pagmulat ng mata ni Ian, nakita niya si Robert at Almira. Nagulat sila sa nalaman nila. Nakunan si Ian. tatlong linggong buntis ito.
"Mama? Papa? Bakit po kayo nandito?"
"Anak, kumusta ka na?"
"Pinag-alala mo kami"
"Anak, magpalakas ka at umuwi na tayo"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomantikNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
