KARL'S POV
Hindi ako mapakali sa huling klase namin. Susubukan kong ihatid si Ian kung matityiempuhan ko. Nakayuko lang ang dalaga. Nagko-concentrate sa activity nila pero halatang mentally absent ito. Tahimik pa rin at hindi masyadong nakikihalubilo sa mga kaklase namin. Matapos magdismiss ng klase ang professor, kanya- kanya ng alis ang mga estudyante. Ilan sa mga kaibigan nito ay nagpaalam dahil pupunta sa library. Sina Cximara at ang Daniel Sisters ay may lakad. Si Nianne lang ang mag-isang uuwi.
"See you on Monday" paalam niya sa mga kaibigan.
"Nianne, ihahatid na kita" bulong ko sa kanya. Hindi niya ako inimikan . Tumayo siya at naglakad palayo. Malapit na talaga akong mapikon sa ginagawa niya sa akin.
"Ako ng magdadala ng gamit mo" Hawak pa ito ni Ian atsaka hinayaan na lang niyang kunin ko ito .
"May lakad ka ba ngayon?" Nakita niyang umiling ang dalaga ng hindi man lang siya nililingon. Ni hindi rin siya tumingin sa akin.
"Bakit hindi man lang niya ako tingnan mata sa mata?"
"Diretso na akong uuwi" Sabay sabi niya.
"Gusto mo kain muna tayo. Treat ko"
"Hmm" bahagyang nag-isip muna ang dalaga. Tumango ito at saka ngumiti.
"Hayan, mas maganda kung nakangiti ka. Salamat. Ian, may problema ka ba?"
"Wala. Bakit?" Nakayuko pa rin ang dalaga.
"Para kasing meroon. Baka puwede mong i-share sa akin. Makikinig ako"
"Mamumrublema ako sa iyo. Bakit mo ginugulo ang isip ko, Bakla? "
"May dumi ba ang mukha ko?"
"Wala"
"Nakakaloka ang mga babae. Kahit meroong iniisip, palaging wala ang sagot"
Ako na syiempre ang umorder ng kakainin namin tulad ng ginagawa ng mga lalaki sa kanilang mga nililigawan. Alam kong hindi naman masyadong mapili si Ian sa pagkain. Madami akong inorder dahil alam kong kaya naman naming ubusing dalawa ang mga ito. Sinulyapan niya ang dalaga sa upuan. Mukhang maaliwalas na itong tingnan di tulad kanina.
"Wow! Mauubos ba natin 'yan" tanong ni Ian.
"Kaya nga ako umorder ng ganyan kasi ikaw ang kasama ko. Hindi tayo tatayo dito hangga't hindi ito nauubos"
Magkatapat kami sa upuan. Unti-unti siyang kumuha ng french-fries sa tray.
"Karl, bakit mo ako tinititigan?"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomantikNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?