IAN'S POV
Sabi naman ni Mama, maganda naman ako. Syiempre, sino pa ba naman ang pupuri sa kanyang anak kundi ang taong nagluwal sa akin di ba?
"Anak, bago ka pa lang ipanganak may inilaan na ang Diyos para makasama mo habambuhay"
Heto na naman tayo sa walang kamatayang litanya ni Mama. Si Lola rin ang nagsabi niyan sa kanya. Kaya ng matagpuan niya si Papa, may kung anong spark daw sa kanilang dalawa ang nagsabing sila ay para sa isa't isa. Hay! nakakainis talaga. Hindi ko alam kung kikilabutan ako sa pinagsasabi nila. Sino ba ang nagpauso ng linyang iyon at nang masabunutan para magising sa katotohanan?
Uubra ba sa kalagayan ko ang mga ganoong spark. Mahilig ako sa cute guys pero ang problema , wala man lang magkamali sa aking magkagusto.
( Marahil nasasabi ko lang ito dahil kahit minsan hindi ko pa talaga naranasang ma-in-love. Iba rin ang pakiramdam kung mayroon kang crush. Pero hindi na ako elementary at high school. Nasa college na ako, hanggang crush pa rin ba? Ano ba naman iyan? )
Puro na lang ako pantasya sa ganitong edad ko. Sana ganito. Sana ganoon. Pero kahit ganito at ganoon ay wala pa rin. Nasaan na ba si Kupido? Hindi yata ako malakas sa kanya at tila hanggang ngayon, ang kanyang love sho-shoot ay hindi man lang tumatalab sa manhid na katawan ng aking destiny. Kailan ba niya papanain ang lalaking nakatadhana para sa akin? Kailan ko kaya siya makikilala?
Lahat ng nakakakilig na pocketbook, nabasa ko na. Maging ang mga nakakakilig na movies, ilang beses ko nang napanuod at na-memorize ko na rin ang mga nakakakilig nilang linya.
Pero walang himala.
Akala ko lang meroon, pero wala talaga!
Ako? Walang sex appeal?
Anong sex appeal ang pinagsasabi mo?
Sige, okay lang. Kung walang manliligaw, fine.
I am just a hopeless romantic. Tsk! Tsk! Tsk! What a waste?
Okay, fine.
Since our fate has already been decided, then I will still wait for the right man to come.
Ay, bongga ka day!
Anglakas ng fighting spirit akala mo, totoo?
Push natin to mga ate!
![](https://img.wattpad.com/cover/24349996-288-k493133.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?