Special Chapter: "The Real History of HM Academy"

1.3K 39 2
                                        

Narrated by: Anthimony via a confidential video archive

"Kung pinapanood mo ito, ibig sabihin ay nahanap mo na ang mga piraso ng katotohanan. Ang kasaysayan ng HM Academy ay hindi kailanman inilathala sa mga libro. Hindi ito makikita sa mga dokumento ng gobyerno. Pero ngayon, panahon nang malaman mo ang lahat..."
1945 – Sa Gitna ng Digmaan
Ang orihinal na pangalan ng HM Academy ay "Helios Military Institute" – itinatag pagkatapos ng World War II ng isang lihim na international syndicate na tinatawag na ARMAERA. Sa harap ng publiko, isa lamang itong training ground para sa elite military officers ng Asia-Pacific. Pero sa ilalim nito, isang underground facility ang nakatago kung saan isinasagawa ang psychological reprogramming, identity restructuring, at weapon development.

Ang layunin?

Control.

Kontrolin ang susunod na henerasyon ng mga leaders, assassins, and infiltrators. Mga taong pwedeng ipasok sa gobyerno, media, finance, at intelligence. Hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

1978 – The Philippine Connection
Isang Filipino General na si General Avilio de Leon (ang lolo ni Zeus) ang isa sa mga original founders. Isa siyang visionary—naniniwalang kung mapupunta sa tamang kamay ang HM Academy, maaari itong magbago ng bansa.

Pero may mga kasamang hindi sumang-ayon.

Kasama na rito ang isa pang founder: General Rafael Montemayor, ama ni Arthur. Sobrang loyal kay ARMAERA si Rafael. Nang mamatay si Avilio sa isang plane crash na hindi kailanman napatunayan kung aksidente nga ba o hindi, napunta kay Rafael ang kontrol ng HM Academy.

Simula noon, naging madilim ang pagkakakilanlan ng eskwelahan.

1990s – The Secret Rebirth
Dito pumasok sina Zeus at Arthur, na noon ay matalik na magkaibigan. Silang dalawa ang unang batch ng "New Era" scholars ng HM Academy.

Pero may malaking twist.

Zeus was recruited to dismantle ARMAERA from the inside. A double-agent planted by a European resistance cell—na pinamumunuan ng ama ni Winx.

Arthur, on the other hand, was being groomed to take over the Syndicate's Philippine network.

Pareho silang matalino. Parehong elite. Pero unti-unting nahati ang prinsipyo nila.

2003 – The Gwen Incident
Gwen, ang babaeng minahal ng dalawa, ay isang informant. Isang trained agent ng ARMAERA na na-infiltrate ang sarili niyang grupo para mas maprotektahan ang anak niya—si Winx.

Nang malaman ni Arthur ang katotohanan, pinili niyang patayin si Gwen. Ang akala ng lahat, nasagasaan lang ito habang tumatakas.

Pero ayon sa isang classified footage, si Gwen ay tinulungan ni Zeus makatakas bago ang aksidente. Ipinanganak si Winx sa Europe at ibinalik sa Pilipinas, kasama ang mga forged documents.

Ang HM Academy noon ay pinasara—dahil sa scandal, corruption, at pagkamatay ni Gwen.

Pero si Arthur, bumalik.

At binuhay ang eskwelahan. Sa ilalim ng bagong pangalan:

"HM Academy" – "House of Might."

Isang pangalan na tumutukoy hindi sa kaalaman kundi sa kapangyarihan.

2010 – The Legacy Project
Ito ang pinaka-delikadong plano ni Arthur: ang Legacy Project.

Mag-train ng mga kabataang elite upang maging "Silent Soldiers" ng ARMAERA.
Gamitin ang mga anak ng mga dating agents—Winx, Blake, Ants—as weapons of manipulation.
Gumawa ng eksperimentong "Emotion Suppression and Identity Reconstruction" na tatanggal ng humanity sa loob ng mga estudyante.
Hindi ito isang paaralan. Isa itong fighting factory.

At ang susi?

Winx.

Dahil siya ang anak ng European agent na pinakatatakutan ng ARMAERA, ang pag-control sa kanya ay ang pinakatoktok ng proyekto.

The Final Truth – Why HM Collapsed
Ang pagbagsak ng HM Academy ay hindi dahil lang sa mga baril, pagsabog, o pagkamatay nina Arthur at Zeus.

Ito ay bumagsak dahil sa isang bagay na hindi kayang pigilan ng kahit anong training:

Puso.

Nang piliin ni Winx ang magpatawad, nang mahalin ni Blake si Winx, nang itakwil ni Ants ang sistema kahit huli na—nawasak ang kontrol ng ARMAERA. Nawalan ng saysay ang Legacy Project.

At sa unang pagkakataon, hindi na galing sa takot ang desisyon ng mga anak ng HM... kundi sa kalayaan.

Scene: Confidential Archive Room – HM Peace Center

Habang pinapanood ito ni Winx at Blake, tahimik lang silang magkahawak ng kamay.

"I guess... this is what they were hiding all along," sabi ni Blake.

"Hindi lang ito eskwelahan," bulong ni Winx. "Isa pala itong battlefield ng mga kaluluwa."

Flash forward: Gwenna's Generation

A young Gwenna is seen walking the halls of the new HM Peace Center, wearing a student badge.

"Hi, I'm Gwenna de Leon. Scholar, speaker... and daughter of survivors."

As she stands before a holographic timeline of the old HM Academy, she smiles.

"This isn't a place to teach violence anymore. This is where we heal."

FINAL NOTE (From Anthimony's Journal):

"Ang kasaysayan ng HM Academy ay punong-puno ng dugo, luha, at kasinungalingan. Pero tulad ng isang punong sumibol sa abo, may pag-asa pa rin. Ang bagong henerasyon ay hindi na produkto ng sindikato. Sila ay produkto ng katotohanan."

H.M. AcademyStories to obsess over. Discover now