Chapter 36

1.4K 65 0
                                        

BLAKE SPERBUND POV

Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

Simula nang pumasok kami sa venue, parang may mabigat na sa dibdib ko. Oo, dala ko si Felicity, at oo—aminado ako, may mali ako. Pero mahal ko si Winx. Mahal na mahal ko siya, kahit gaano ako kagago.

"Blake, let's go." yaya ni Kid habang palabas kami ng van.

May part sa'kin na excited. Kasi alam kong nandoon siya. Si Winx. At kahit isang sulyap lang, sapat na para mapanatag ako.

"Sure ka bang isasama mo yan?" tanong ni Ronnie habang nakatingin kay Felicity.

"Oo naman. Wala namang masama. Kung isasama ko siya." sagot ko, kahit deep down, parang may mali.

Tinanguan lang ako ni Ronnie, parang may gusto pa siyang sabihin pero pinili na lang manahimik. Baka nararamdaman din niya yung tension na meron ngayon.

Pagkapasok namin, ang daming tao. Eleganteng-elegante ang set-up. Tila lahat ng business elite nasa iisang bubong. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, hinahanap ko lang siya.

Nasaan ka, Winx?

Bakit hindi kita makita?

Maya-maya, biglang umakyat si Uncle Zeus sa stage. Suot ang dark suit niya na laging intimidating. Nakangiti, pero kita sa kilos niya ang authority.

"Hello, everyone. I'm Zeus Agostin, owner of OilArch Company. Thank you for celebrating our 23rd Anniversary." masigabong palakpakan.

Pero yung sunod niyang sinabi ang parang bombang sumabog sa puso ko.

"This is not just a company anniversary. I also want to announce the engagement of my daughter. May I call Mr. Paul Ty on stage."

Engagement?

"Please welcome... Wendy Inn Natalie Xyver Agostin."

Sabay bukas ng kurtina.

At doon siya lumabas.

Si Winx.

Naglakad siya papunta sa gitna ng entablado, suot ang isang eleganteng white gown. Parang tumigil ang oras. Lahat ay napatingin. Lahat natahimik.

Ang ganda niya. Mas maganda pa siya sa huli naming pagkikita. Pero hindi lang siya ang nandoon.

May kasama siya.

Si Hans.

Escorts? Hindi. Hindi lang escort yun.

"Everyone, this is not just a party..." dugtong ni Uncle Zeus.

"I will also announce the surprise engagement of my daughter, Winx, to Hans Mus Pierre Ty."

Engagement. Engagement. Engagement.

Umiikot ang mundo ko.

Yung palakpakan sa paligid ko, parang naging mga sirenang tumatama sa tainga ko. Nakakalunod. Nakakasakit.

Napatingin ako kay Felicity, pero wala akong pake. Parang may nabasag sa loob ko. Nakita ko pa kung paano tinawanan ng crowd ang banat ni Hans. Paano niya pinasaya ang buong ballroom.

Pero ako? Parang binaril sa dibdib.

Sunod-sunod na tungga ako ng alak. Hindi ko na nabilang kung ilan. Ramdam ko na umiinit na katawan ko, pero mas mainit ang dibdib ko.

Bakit ganon? Bakit ang sakit?

At yun na nga. Tinapos nila ang speech. Winx took the mic. Seryoso siya, pero ang bawat salitang binibitawan niya, parang mga blade na sinusugat ang damdamin ko.

Tapos...

Hinalikan siya ni Hans.

Walang pasabi. Walang babala. Hinatak siya. Sa harap ng lahat.

Sa harap ko.

Hindi ko na kaya.

Lumabas ako ng hall. Hinila ko ang tie ko. Nakakabaliw. Sunod na rin ang mga barkada ko para habulin ako. Felicity tried to calm me down.

Pero wala na.

Nagwawala na ako. Nasasaktan ako. Literal.

"Blake!" isang pamilyar na tinig ang tumawag sakin.

Winx.

Napalingon ako. Nakita ko siyang lumabas din. Ang ganda pa rin niya, kahit halatang may tension sa mukha niya.

"Winx, I love you! Totoo ba 'yung kanina? Please answer me!"

Tumakbo ako palapit sa kanya. Kinalimutan ko si Felicity, kinalimutan ko lahat.

"Stop it, Blake! Cut the crap!"

"Winx, I don't love you anymore."

Pak.

Walang literal na sampal pa, pero parang ganoon na ang dating. Umikot ang mundo ko.

Nagpaliwanag siya.

Sa harap ng lahat.

"I saw you and Felicity. Doing lust. Under the stairs."

"In the library. Sa CR. May mga pagkakataon na nakita kita. Alam ko na lahat."

"Blake, mahal kita dati. Pero unti-unti mong pinatay yung pagmamahal ko."

Sabay... pak! — isang malakas na sampal.

Hindi ko na alam kung nasaan ako. Umiikot ang paligid. Hindi dahil sa alak, kundi dahil sa reality.

"Don't mess with an Archgod. You don't know the consequences."

WINX POV

Pagkasakay ko sa kotse, halos mahulog ang luha ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama bang gawin 'yon in public, pero I needed to end it once and for all.

Pero sa loob ng kotse, hindi ako mapakali.

Tumunog ang phone ko.

Unknown Number.

"You've started the fire, Winx. Let's see how far your lies can survive."

Bigla akong napatigil.

Who was that?

Sinong may number na 'to? Bakit may banta?

Pagkauwi ko, sinalubong ako ni Hans sa driveway.

"Sweetie, are you okay?"

"I'm fine. Pero may nag-text..."

Pinakita ko sa kanya yung phone. Binasa niya.

Natahimik siya saglit.

"I think... it's time to tell you something. About your father. About OilArch."

Nagkatinginan kami. Biglang may sumabog sa kalayuan.

BOOM!

Mabilis kaming lumabas ng gate. Sa harap mismo ng building—may sumabog na kotse.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now