Chapter 32

1.5K 73 0
                                        

WINX'S POV

Hindi na ako umuwi sa dorm kagabi. After ko makita si Blake kasama si Felicity, parang bigla akong nawalan ng lakas. Ayoko munang bumalik sa lugar na lagi ko siyang kasama, baka hindi ko kayanin ang mga alaala. Kaya nagpasya akong mag-stay sa bahay nila Hans.

Nagpahinga lang ako sa guest room, tahimik lang ang paligid, pero ang utak ko parang battlefield. I tried to close my eyes, pero kahit pagod na ako, hindi ako makatulog ng maayos.

At hindi rin nakatulong yung 73 messages at 105 missed calls mula kay Blake at sa mga mokong niyang kaibigan. Nakakairita. Sobrang kulit. Hindi ko alam kung concerned ba siya o paranoid lang dahil alam niyang I might do something.

Nag-reply ako ng isang beses.

"I'm fine. I'm in Ate's house. See you tomorrow."

Pagkasend ko, agad kong pinatay ang phone. Ayokong sumagot pa. Ayokong marinig ang boses niyang puno ng paliwanag na hindi ko na kailangan.

Maya-maya, may kumatok sa pinto. Napaangat ang ulo ko mula sa unan.

"Inn, are you still up?"

Boses ni Hans. Akala ko si Ate Estelle na, kasi sabi niya pupunta siya dito para pag-usapan ang plano for tomorrow.

"Yes, come in."

Dahan-dahan siyang pumasok. Nakasimpleng gray shirt lang siya at pajama pants. Mukhang pagod, pero ngiti pa rin ang dala.

"Are you okay?"

Tumabi siya sa akin sa kama, at ngumiti ako ng mahina.

"Yes. I'm just waiting for Ate Estelle. May sasabihin daw siya about tomorrow."

Tahimik siya saglit, then out of nowhere, niyakap niya ako.

Yung yakap na hindi romantic. Yung yakap na punong-puno ng support, ng comfort, ng assurance.

"I'm so sorry na ako pa ang mapapakasalan mo." bulong niya.

Napayakap din ako pabalik.

"Hans, wag ka mag-sorry. Wala kang kasalanan. Ako nga dapat ang mag-sorry kasi sa lahat ng nangyari sa akin these past few days, ikaw pa rin ang nandiyan para sa akin."

Mas humigpit ang yakap niya. Ramdam kong gusto niyang kunin lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Hindi mo lang alam kung gaano ko na swerte na ikaw ang papakasalan ko. I never imagined it, pero thankful pa rin ako. Tsaka ano ka ba, panget?"

Sabay hawi niya ng buhok ko at tumawa kami pareho.

"We can work out of it naman."

Tumingin ako sa kanya. That smile. That softness in his voice. Hans isn't just my bestfriend anymore. He's my calm in the middle of a chaotic storm.

Napangiti ako. Grabe. I'm very happy na siya ang magiging husband ko. May bestfriend na ako, may magiging asawa pa akong gwapo, mabait, matalino, at higit sa lahat — understanding.

Proven and tested.

Biglang bumukas ang pinto.

"Sana naman di ko kayo naiistorbo."

Si Ate Estelle.

"Anyway, I'm here to talk to both of you. Tara sa salas."

Nagkatinginan kami ni Hans sabay tawa. Mabilis kaming bumangon.

"Hindi talaga nagbago." sabay sabing may halong takot-tawa si Hans.

"Right. Let's go na. Baka maging dragon nanaman yun." sagot ko habang binibitbit ko ang cellphone ko.

Pagdating namin sa sala, nakaabang si Ate na parang principal sa guidance office.

"So Wendy and Hans, ito ang susuotin niyo bukas." sabay abot ng dalawang magarbong box.

"Wendy, you should be prepared and stunning. Ikaw rin Hans. Lahat inimbitahan ni Daddy. Mga high class at mayayaman. Hindi puwedeng sumablay. Stick to the plan. Huwag kang kabahan. Smile, be graceful. Wag mo ipahalata kahit anong emosyon."

Tumingin ako kay Hans, pilit niya akong pinipigil sa pagtawa.

"Ate, napaka-seryoso mo. Para kaming pupunta sa red carpet."

"Exactly. Mas matindi pa ito sa red carpet. This is your big night. And tomorrow... the final step."

Nagpatuloy pa siya sa pagbibigay ng paalala. Ilang beses niyang inulit ang "stick to the plan" at "no distractions" habang kami ni Hans ay puro tango at yes po, ma'am lang ang sinasagot.

Pagkatapos, sabay kaming bumalik sa kwarto ko.

Late na ng gabi. Akala ko tapos na ang lahat ng gulo ngayong araw.

Pero bigla ulit tumunog ang phone ko. Daddy. Napagdesisyunan kong sagutin na.

"Hi Dad."

"Anak, are you sure about this?"

"Yes po. Wala na akong atrasan."

"Blake called me."

Napatigil ako.

"What did he say?"

"Wala. Nag-aalala lang daw siya. Hindi ka sumasagot. Tinanong kung pupunta ka ba bukas."

"Don't worry. I'll show up. But not for him. For the mission."

"You sound strong."

"I have to be."

Pagkababa ko ng tawag, napatingin ako sa ceiling. Bukas na ang gabi ng lahat. Ang ending ng script na matagal naming pinaghandaan.

Pero hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko.

Pag nakita ko siya bukas... kakayanin ko pa rin bang hindi madala ng puso ko?

MEANWHILE: SA CONDO NI BLAKE

Hawak-hawak ni Blake ang cellphone niya. Umiikot siya sa sala. Halos maubos na niya ang isang bote ng tubig.

Why won't she answer?

Tumigil siya sa harap ng picture frame nilang dalawa ni Winx. Yung kuha nung nag out-of-town sila. Yung araw na sinabi niyang "ikaw lang, Winx."

Pinikit niya ang mga mata. Iniisip kung paano aayusin ang lahat.

"Tomorrow... I'll fix this. I'll win her back. No matter what."

Hindi niya alam... na bukas, hindi lang puso niya ang pwedeng mawala.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now