Chapter 17

2.1K 92 0
                                        

Lumipas ang dalawang linggo mula nung bawal kaming mag-cuddle ni Blake. Sa wakas, nakalakad na rin ako ng maayos at medyo naka-recover na rin sa... ehem, intense naming bonding. Pero hindi ibig sabihin nun ay nag-behave na si Mr. King of Mokong. Lalo lang siyang naging clingy.

Si Blake na yata ang pinaka-persistent na tao sa mundo. Kahit ilang beses ko pa siyang hampasin ng unan, ng remote, minsan nga basang towel, sige pa rin siya sa kakayakap at kakalambing. Pero in fairness, sweet naman siya. Lagi akong pinagluluto ng breakfast, lunch, dinner, midnight snack, pati gamot ko siya nag-aabot.

Pero ang pinaka-surprising sa lahat ay yung mga Mokong. Akala ko dati sila yung tipo ng mga lalaki na puro gulo ang dala. Pero habang tumatagal, na-realize kong protective din pala sila. Sila yung tipong pag nalaman nilang may umiyak ka, automatic na may lilipad na tsinelas sa culprit. Kaso may isang rule lang talaga — bawal umasa sa kanila kasi pa-fall lang daw talaga sila. Char.

Ngayon, Lunes na naman. At officially, balik klase na ko. Nakasuot na ulit ako ng black HM blazer at naka ponytail ang buhok ko. Medyo kinakabahan ako kasi for sure pagbalik ko, ang daming chismis. Lalo na't two weeks akong nawala. At hindi basta absent — naka Special Medical Leave daw, ayon kay Doc Chavez.

Sa dorm, abala si Blake sa pagsusuot ng combat boots niya habang sinisilip ako every 5 seconds.

"Baby, sure ka na ba na papasok ka? Pwede pa naman tayong mag-leave together. Mag pretend tayong nagka food poisoning," sabi niya sabay nguso.

"Baliw. Mas okay na 'to kesa masanay akong magpaalaga sayo."

"Eh bakit? Di mo ba nagustuhan yung tinimpla kong calamansi juice with honey every morning?"

"Hmp. Gusto. Pero ang ayoko, yung sinusubuan mo pa ko parang bata. Nakakahiya na sa mga Mokong."

"Eh bakit? Wife naman kita ah," sabay kindat niya.

Napairap nalang ako. Psh. Mahirap labanan ang taong ang lakas ng confidence at ang cute pa rin kahit inaasar ka.

Pagpasok ko sa hallway, halos lahat ng estudyante ay biglang napalingon. Parang eksena sa pelikula. Yung tipong may slow motion habang naglalakad ka. Tapos may kasamang background music sa utak mo: "I'm sexy and I know it."

"Is that... Winx Agostin?"

"Yung rumored girlfriend ni Blake?"

"OMG, 'yan ba yung ArchGod na natagpuang unconscious sa dorm two weeks ago?"

Shet. Nagulat ako. Pati yung "unconscious" moment ko kumalat?

Napahawak nalang ako sa noo ko. "Blake... lagot ka sakin mamaya," bulong ko habang tinatanggal ko ang ID ko mula sa bag.

Sa hallway, napansin kong may nag-aabang sa gilid. Babaeng naka-mafia coat, kulay cream ang buhok, mukhang mataray pero elegante. Nang lumapit siya, napalunok ako. Familiar siya.

"Winx?" sabi niya.

"Yes?" medyo nahihiya kong sagot.

"I'm Bianca. Personal guard na ipinadala ng Daddy mo. Starting today, ako na ang magiging backup mo."

Napatigil ako. "Wait... ha? Guard? Bakit?"

Napatingin siya sa paligid bago tumingin ulit sakin.

"Ang dugo ng Agostin ay hindi ordinaryo. At sa totoo lang, hindi ka na dapat nandito. Pero pinayagan ka dahil... tadhana na ang nagdesisyon. Ipaglalaban ka rin daw ni Estelle."

Lalo akong natulala. Hindi ko alam kung anong mas shocking — yung sinabi niyang pinayagan lang ako kasi 'tadhana na', o yung fact na may ipinadala ngang bodyguard sakin. Mula kay Daddy. Na never ko pa nakikita. At ni minsan ay di ko pa nakausap.

Bigla kong naalala yung usapan nila ni Ate Estelle sa flashback.

So totoo nga. Hinayaan nilang mapasok ako sa mundo ng Highest Mafias. Alam nilang delikado pero... tinanggap pa rin nila.

Pagbalik ko sa dorm after class, nakita ko si Blake na naka-upo sa sofa, may hawak na mga file at mukhang seryoso.

"Baby, anong meron?"

"Come here. May natanggap akong intel."

Umupo ako sa tabi niya habang inabot niya sakin yung folder.

Nakalagay sa ibabaw:
PROJECT CERBERUS
TOP CLASSIFIED – AGOSTIN FILES

Tumingin ako sa kanya. "Where did you get this?"

"Mula kay Commander Zane. Sabi niya... ito daw ang dahilan kung bakit inenroll ka sa HM. Dahil may part ka sa isang ancient mafia prophecy."

Napailing ako. "Ano na naman 'tong kalokohan na 'to, parang movie na eh."

"You're not just an ArchGod candidate, Winx. You're the key to something bigger. Something that could decide the future of all mafia families in the world."

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang pangalan ko sa loob ng file.

WINX ESTHER AGOSTIN.
Designated Title: "SIRENA".
Current Status: Unawakened.
Mafia Bloodline: Royal Tier.
Protection Level: MAXIMUM.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Nandito lang ako para matuto. Para magkaroon ng sarili kong kwento. Pero ngayon...

Ako na pala ang sentro ng gulo.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now