Blake
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko habang nakaluhod ako sa harap ng taong minsang itinuring kong ama.
Hindi ko man siya tunay na kamag-anak, pero sa lahat ng ginawa niya para sa akin — para sa amin — may utang na loob ako. Kaya hindi ako makatingin kay Boss Z habang nilalabanan ko ang pag-iyak.
Mahal ko si Winx.
Pero ngayon... parang bawal na.
Parang kasalanan na.
"Ayaw na kitang magkaron ng koneksyon sa anak ko. Kung mahal mo siya, ikaw na ang lalayo para sa ikabubuti niya," huling sabi ni Boss Z bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Tahimik. Walang nagsasalita. Ramdam ang bigat ng lahat.
"Pre..." sabay tapik ni David sa likod ko.
Pero hindi ako gumalaw. Parang natuklap ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Winx. Patawad.
Winx
Hindi ako mapakali.
Lumipas ang ilang oras pero wala pa rin si Blake. Hindi niya ako tinext, hindi rin sinagot ang tawag ko. Wala rin si David, si Alden, o kahit sino sa kanila. Parang bigla silang nawala.
Lalong sumama ang pakiramdam ko.
May hindi tama.
Mula sa bintana ng dorm, tinanaw ko ang gate. Wala pa rin. Kaya nagdesisyon akong lumabas kahit sinabi ni Blake na huwag.
Tumakbo ako papunta sa abandoned building malapit sa academy — doon kadalasan sila nagmi-meeting. Pagdating ko sa may harapan, sinilip ko ang loob mula sa crack ng lumang pinto.
May narinig akong mga boses. Mga lalaking nagtatalo.
At ang isa sa kanila — tinig ni Boss Z.
Agad akong napaatras.
My dad?
Bakit siya nandoon?
Wendy
Tuloy-tuloy ang paghahanap ko sa clue sa loob ng Hidden Archive.
Pero hindi ko mapigilan ang pagkatulala sa sulat ni Mama. "Mag-ingat ka kay Estelle."
Si Ate Estelle? Bakit? Siya nga ba ang tinutukoy ni Mama? May kinalaman ba siya sa pagkamatay ni Mama?
Agad kong sinuri ang likod ng sulat. At doon ko nakita ang parang watermark — tatlong titik.
A.R.M.
A-R-M?
Tumakbo ako pabalik sa room namin, binuksan ang laptop at nagsimulang mag-search. Mga old files. Password-protected folders.
Hanggang sa makita ko ang isang hidden file under Estelle's name: Project ARMAERA.
"Project... ARMAERA?" bulong ko.
At sa ibaba ng screen, may nag-pop up.
"Incoming call: Blake"
Why is he calling me now?
Blake
"Wendy, please makinig ka," agad kong sabi pagkasagot niya. Hindi ko na alam kung sino ang kakampi o kalaban. Pero si Wendy — kailangan niya malaman ang katotohanan.
"Ano na naman, Blake?" malamig ang boses niya.
"I have no time. Your dad — Boss Z — he's hiding something from all of us. I trusted him. I obeyed him. Pero may mga ginagawa siya na hindi ko na kayang panindigan."
"Like what?" tanong ni Wendy. "At bakit mo 'to sinasabi sa akin?"
"Because I need your help. Not as your fake boyfriend, but as someone who genuinely cares for you. Your life is in danger, Wendy. At sa tingin ko pati kay Winx."
Tahimik siya sa kabilang linya.
"Please... kung mahal mo pa si Winx bilang kapatid, tulungan mo akong iligtas siya. Before it's too late."
Boss Z
Sa loob ng secret chamber ng Hideout, pinanood ko ang live feed mula sa CCTV — si Winx, palihim na sumusunod sa akin. Gaya ng inaasahan.
Napangiti ako.
"Curiosity runs in the blood," bulong ko.
Tumayo ako at kinuha ang susi ng isa pang silid. Ang silid na hindi pa nila alam na may lamang mas malupit na sikreto.
Project ARMAERA is no longer just a plan.
It has begun.
YOU ARE READING
H.M. Academy
Fiksi UmumHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
