Winx's POV
Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe, agad akong tumakbo papasok sa mansion. Mabilis ang pintig ng puso ko, magkahalong sakit, galit, at takot ang laman ng dibdib ko. Wala akong ibang gustong puntahan kundi ang opisina ni Daddy.
"Daddy!" sigaw ko habang tumutulo pa rin ang luha sa pisngi ko.
Agad niya akong sinalubong at niyakap ng mahigpit.
"What's wrong, baby girl? Did something happen to you? Tell me." Halatang nagaalala siya. Yung boses niya, 'di na tulad kanina sa phone. Ngayon, puno ng tensyon at concern.
Dahan-dahan niya akong inalalayan papunta sa sofa. Tinulungan niya akong umupo, saka niya pinunasan ng panyo ang luha ko.
"Daddy... I'm so sorry. I lied to you..." nanginginig ang boses ko habang nagsisimula akong mag-confess.
Hindi ko na kayang itago pa. Mas delikado kung hindi ko siya sasabihan ng totoo.
"Hindi ako sa University na sinabi ko... I'm in H.M. Academy. It's... it's a secret school, Dad. A Mafia school. Lahat kami doon may connections sa underworld. Sabi ni Ms. Chi na once na may pagsabihan kami about the academy, they will kill us... Dad, I don't want to die." nagsimula nanaman akong umiyak.
Tinapik ni Daddy ang balikat ko, saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "You won't die, Wendy. You're my daughter. You're an Arch God. Do you understand me? Now... what about Blake?"
Napapikit ako. Gusto kong huminga ng malalim pero bumalik nanaman sa isipan ko ang eksenang nakita ko sa ilalim ng hagdan kanina. Ang pag-ungol nila. Ang mga halik nila. Ang mga salitang "I love you" na dapat sana sa akin lang binibigay ni Blake.
"Daddy... please forgive me... for what I did..." Hindi ko na napigilan. Lumuhod ako sa harap niya.
"Me and Blake... we made lust. Alam mo 'yon, Dad... si Blake, yung lalaking minahal ko... Yung una kong nakilala online, tapos nalaman kong sa H.M. Academy din pala siya. He's a gangster. He made me believe in love. He made me feel special." bumagsak ang luha ko.
"But today, I saw him... he's having sex with Felicity. A schoolmate. Under the stairs. Sa school mismo. Daddy, I feel so stupid. How could I fall in love with him?"
Hindi agad nakasagot si Daddy. Pero halata sa mukha niya ang galit. Yung pagkakakunot ng noo niya, yung pagkakadiin ng mga ngipin niya.
"Don't worry, baby girl," bulong niya. "Stay in that school. Pretend nothing happened. Act like you're unaware of what you saw. Let Daddy handle everything."
Tumingin ako sa kanya, nabigla sa sinabi niya.
"Daddy... you mean... I should stay close to them?"
"Yes. And one more thing..." nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko nang mas mahigpit.
"Promise me you'll forget Blake. That son of a bitch doesn't deserve you. You're my daughter, and we already planned something better for you. Marry Mr. Ty's son."
Nanlaki ang mga mata ko.
So... tuloy pa rin talaga ang arranged marriage?
Akala ko may chance pa akong makapili. Akala ko pwede ko pa sanang sundan ang puso ko.
Pero ngayon?
Now that I've seen what Blake really is?
Maybe it's time to say goodbye.
Hindi pa rin ako sigurado kung tama bang tanggapin si Hans, ang anak ni Mr. Ty. Pero ngayong nawasak na ang puso ko, baka ito na lang ang paraan para makabawi. Para mapatunayan kay Blake na hindi ako laruan.
"Fine, Daddy... I'll marry Hans," sagot ko sa kanya, kahit may parte sa puso kong gusto pang umalma.
"Good. Just stick to our plan, baby girl. Everything will be under control. Just be smart, okay? Huwag kang magpapadala sa mga sweet words ng lalaking 'yan. Don't fall again for Blake."
Tumango ako. "Yes, I will, Dad."
"Paul Ty will be happy, and even Hans. Don't disappoint me again, babygirl."
Yumakap siya sa akin. Sa yakap niyang 'yon, parang gusto niyang sabihin na may kapalit ang lahat. Na may mas malaking mundo sa likod ng mga planong pinapagawa niya sa akin.
Pero para sa akin, may isang mas mahalagang misyon ngayon.
REVENGE.
Habang nakahiga ako sa kama sa guest room ng mansion, nakatingin ako sa kisame. Hindi ako makatulog. Paulit-ulit sa isipan ko ang eksena nina Blake at Felicity. Hindi ko matanggal sa utak ko ang ungol nila, ang halakhak, ang init ng katawan nila habang nasa eksena ng kasinungalingan.
Minsan, naiiyak na lang ako bigla.
Pero kasunod nito, may apoy sa dibdib ko.
This is not over.
Kinuha ko ang phone ko at tinype ang message:
"Let's meet. I have a proposal for you."
Sent to: Hans Ty
Tumayo ako at naglakad papunta sa veranda. Mula sa taas, kita ko ang garden lights, ang guard dogs, ang mataas na pader na humaharang sa labas ng mundo.
I'm trapped in my father's game.
But I'll make my own rules now.
Blake Sperbund.
Felicity Hermes.
You broke me.
Now watch how I break you both.
YOU ARE READING
H.M. Academy
Fiksi UmumHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
