Chapter 6

2.8K 120 2
                                        

"Let's go," sabi ni Blake habang hawak niya ang kamay ko at binuksan niya ang pinto ng kotse para sa'kin.

Umupo kami sa likod habang sina Kid at Ronnie sa harap. Tahimik lang ako pero ramdam ko pa rin ang init sa pisngi ko dahil sa first kiss na 'yon. As in, literal first. Di man lang ako nakapaghanda! Pero okay lang... kasi siya 'yon.

Napansin niya siguro ang pagiging tahimik ko dahil bigla siyang nagtanong.

"Are you okay?"

"Uh... yeah. Just... thinking," sabay iwas ng tingin ko.

Ngumiti lang siya. "You think too much."

Tumingin siya ulit sa akin, tapos dahan-dahang hinawakan ang kamay ko.

"You're safe with me, always. Walang pwedeng manakit sa'yo habang ako ang kasama mo."

Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko na sinabi pa, pero sobra sobra ang kilig ko. Ganito ba talaga kapag gusto ka din ng taong matagal mo nang kinakausap lang online?

After ilang minutes ng biyahe, huminto kami sa isang abandonadong lugar na may bakod, CCTV, at steel gate. Umilaw ang mata ko—parang eksena sa pelikula.

"Welcome to the hideout," sabi ni Ronnie habang bumababa ng kotse.

Pagbaba ko, may ilang lalaki sa labas, mukhang mga kasamahan nila. Lahat sila napalingon sakin.

"Yo, this the girl?" tanong ng isang lalaking may tattoo sa leeg.

"Yup. So show some respect," seryosong sagot ni Blake habang hinahawakan ako sa baywang.

"Ganda pala talaga sa personal. Panalo ka na naman Blake," bulong ni Ronnie.

Pumasok kami sa loob. Hindi ko in-expect ang itsura ng hideout nila. Parang mixture ng old-school warehouse at modern gaming lounge. May mga sofa, ilaw, at kahit mini bar.

"Dito muna tayo saglit," sabi ni Blake habang hinila ako papunta sa couch.

Umupo kami. Napatingin ako sa mukha niya. May mga gasgas, may dugo pa sa gilid ng labi niya, pero kahit ganon—grabe pa rin ang dating niya. Nakakainis. Bakit parang mas lalong gwapo kapag may sugat?

"Wait here," sabi niya.

"San ka pupunta?" tanong ko agad.

"Papalinis lang ako. Wag kang mag-alala, hindi kita iiwan dito. Safe ka."

Tumango ako. Maya-maya, nilapitan ako ni Kid.

"So... ikaw pala si Winx. You're kinda famous sa chat group before ah," nakangiti niyang sabi.

"Ha? Anong famous?" tanong ko, medyo kinakabahan.

"Yung tipong... ikaw lang ang pinapakilala ni Blake sa amin. Hindi pa namin siya nakitang ganyan sa kahit sinong babae," sabay ngisi pa ni Kid.

Bigla namang sumabat si Ronnie, "Hindi nga kami makapaniwala na nag-meet kayo in real life. Tapos heto na kayo. Parang love story sa Wattpad eh."

Napangiti ako pero halatang nag-blush. "Stop teasing me, please," sabi ko habang tinatakpan ang mukha ko.

"Pero seryoso, Winx," sabi ni Ronnie, "Blake changed because of you. Before, wild 'yon. Lagi sa gulo, walang pake. Pero ngayon? He protects someone. That's big for him."

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang may kurot sa puso ko. Kaya pala kanina, iba ang tingin niya sakin. Hindi pala ako trip lang. Hindi ako phase lang.

Pagbalik ni Blake, may bandage na siya sa ulo. Nakapanglinis na rin siya at may dalang yelo.

"Here," sabi niya habang inaabot sa akin ang ice pack.

"Ako dapat ang nagbibigay niyan sa'yo ah," sabi ko.

"Eh gusto ko ikaw ang alagaan eh," sagot niya at umupo sa tabi ko. Inilagay niya ang braso niya sa likod ko at nilagay ang yelo sa sugat niya.

"Next time, don't watch me fight. Ayokong makita mong ganun ako. Hindi ako proud sa part na 'yon," seryoso niyang sabi.

Tumingin ako sa kanya. "But that's part of who you are. And you fought for your friends... and maybe for me too?"

Ngumiti siya. "Not maybe. I did it for you."

Hindi ko napigilan. Napayuko ako at ngumiti. Grabe. Sobrang bigat ng pakiramdam na minamahal ka ng totoo. Nakakatakot pero nakakagaan din.

"Winx," bulong niya.

"Hmm?"

"Thank you... for trusting me. For being here. For choosing me kahit hindi mo pa alam lahat tungkol sakin."

Tumingin ako sa kanya. "Then tell me. I want to know everything. All of you."

Tumango siya. "I will. But not tonight. Tonight, I just want to make sure you're safe... and beside me."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now