David
Niyakap ko siya ng mahigpit. Pakiramdam ko para akong sinaksak nung narinig ko yung pakiusap niya.
"Can we stay like this... I need a friend."
Friend.
Ang sakit pala sa tenga pag alam mong gusto mong higit pa dun pero wala kang karapatang ipilit.
Pero hindi ngayon ang oras para unahin ang nararamdaman ko. Kasi ngayon, kailangan niya ako — hindi bilang lalaki, kundi bilang sandalan.
Naramdaman ko yung bigat ng paghinga niya habang unti-unting humihikbi. Kahit pa madilim na sa paligid, kita ko ang pamumula ng mata niya at ang pagdurugo ng kamao niya.
"Winx, kailangan nating gamutin 'to," mahinahon kong sabi habang dinadala ko siya sa malapit na bench.
Tahimik lang siya. Hindi na nagsalita pero nakahawak pa rin siya sa braso ko, parang natatakot na baka mawala ako sa tabi niya.
Inilabas ko ang maliit na emergency kit na laging dala ko sa bag. Sinimulan kong linisin yung sugat niya habang nakaawang ang labi niya at tuloy pa rin ang mga luha.
"Alam mo, ang tigas ng ulo mo," pilit kong biro habang dinadab ko ng alcohol yung sugat niya.
"Araayy..." mahinang sabi niya.
"See? Mas masakit ang sinaktan ng sarili kaysa sa sinaktan ng iba," bulong ko habang dahan-dahang nilalagyan ng bandage ang kamay niya.
Napatingin siya sakin.
"David... sorry kung naistorbo kita."
"Winx, hindi mo ako istorbo. Never. You're not a burden."
Napabuntong-hininga siya at saka bumulong, "Kung alam mo lang kung gaano kahirap yung nararamdaman ko ngayon. Mahal ko siya... pero pakiramdam ko, ako lang ang lumalaban."
"Masakit 'yan, I know," sagot ko habang tinititigan ang sugat sa kamay niya. "Pero minsan... kailangan nating masaktan para malaman natin kung gaano natin kamahal ang sarili natin."
"Pero David... mahal ko siya. Kahit pa alam kong sinaktan niya ko sa paraan ng katahimikan niya. Kahit walang kasiguraduhan. Mahal ko pa rin siya."
Tumango ako. Masakit, oo. Pero ang totoo, hindi ko siya kayang sisihin. Kasi kung nasa lugar niya ako, pipiliin ko ring magmahal kahit walang label.
"Alam mo Winx," ngumiti ako ng kaunti, "minsan kahit hindi tayo ang pinipili, pinipili pa rin natin silang mahalin."
Napatingin siya sakin.
"Pero kung ako yan... ako ang pipili sayo. Hindi ako magdadalawang-isip na ipaglaban ka."
Nanlaki ang mata niya. Tila gulat sa mga sinabi ko.
"David..."
"I'm not saying this para magulo ka lalo," tuloy ko habang pinunasan ko ang mga luha niya. "I'm saying this because... kung darating yung araw na mapagod ka nang mahalin si Blake at wala pa ring kasiguraduhan..."
Huminga ako ng malalim.
"...andito lang ako. Kahit kailan, kahit saan. Handa akong mahalin ka sa paraang deserve mo."
Blake
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Yung sinabi ni Winx, paulit-ulit na tumutunog sa tenga ko.
"I don't like you... because I LOVE YOU."
Pero kahit sinabi niya yun, tumakbo pa rin siya palayo. Dahil sa sakit. Dahil sa galit. At siguro, dahil sa akin.
Tangina Blake. Anong ginawa mo?
Hindi ko na napigilan. Kinuha ko agad ang susi ng motor ko at lumabas ng dorm.
Kailangan ko siyang hanapin.
Winx
Tahimik lang kami ni David sa may bench. Wala nang salita. Tahimik lang ang paligid, pero ramdam na ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.
Napansin ko, medyo nanginginig yung kamay ko. Siguro dahil sa emosyon. Siguro dahil sa sinabi niya. O baka... dahil alam kong may mali pero ayoko pang ayusin.
"David, thank you," bulong ko.
"Para sayo, kahit kailan," sagot niya.
Nilingon ko siya. And for a second, may parte sa akin na gustong pumasok sa comfort ng mga mata niya. Pero hindi ako pwedeng magpanggap. Kasi kahit anong gawin ko...
...ang puso ko, kay Blake pa rin.
Biglang may sumigaw.
"WINX!"
Lumingon kami. Si Blake.
Humahangos. Halatang takot na takot. At ang unang napansin niya? Yung kamay ko.
"Anong ginawa mo?" Agad siyang lumapit at hinablot ang kamay ko.
"Blake—"
"Ano 'to ha?! Bakit mo 'to ginawa sa sarili mo?"
Hinampas niya ang palad niya sa dibdib niya.
"Kung nasasaktan ka, sabihan mo ko. Kung galit ka, sabihan mo ko. Pero huwag mong saktan sarili mo. Winx, please..."
Napaluhod siya sa harap ko habang hawak pa rin ang kamay kong may benda.
"I'm sorry. I should've made everything clear. Tayo. You and me. Walang iba. You're not a mission. You're not an assignment. You're mine."
Tumingin ako kay David. Nagkatinginan kami ng ilang segundo.
At sa mga mata niya, nakita ko ang pagtanggap. Ang sakit. Pero wala kahit kaunting galit.
"Go," bulong niya. "He's yours."
At doon ko na naramdaman — yung pagputok ng mga damdaming pinipigilan ko kanina pa.
Niakap ko si Blake ng buong lakas. At doon kami pareho naiyak.
YOU ARE READING
H.M. Academy
Fiction généraleHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
