Chapter 42

1.4K 61 0
                                        

WINX POV

"Winx, ang sabi mo pupunta lang tayo sa mall para bumili ng laptop. Pero tignan mo, ang dami mo nang pinamili na damit. Eh kahapon lang may binili kang bagong shoes ah," sermon ni Hans habang buhat niya ang apat na paper bags.

"Hay nako Hans, wag ka na ngang magreklamo d'yan. Any way, tinext ko pala si Ants kung pwede siya mamaya pumunta sa bahay. Papaturo ako ng Spanish," sabi ko habang pinapacute.

Napailing na lang siya. "Okay fine. Aalis din ako mamaya, susunduin ko si Daddy sa airport."

"Aw, uuwi pala si Tito? Ba't 'di mo sinabi agad?"

"I forgot. Tsaka kanina lang siyang umaga nag-text sa akin," sagot niya habang binubuhat pa rin ang lahat ng gamit ko.

"Alright. Let's go to Terranova. My favorite shop!" sigaw ko, sabay hawak sa braso niya.

Napansin ko ang expression niya. Hindi na naman mapinta. Pero bahala siya. Fiance niya ako, dapat masanay na siya sa shopping ko. Perks 'yan ng pag-aasawa.

AFTER AN HOUR

Finally, tapos na ang pamimili. Nag-dinner na rin kami sa favorite resto ko sa loob ng mall. Sa wakas, nabunutan ng tinik si Hans nang makaupo kami.

"Inn, may update na pala sa Oxford. Next week na start ng classes natin. Baka by Saturday i-deliver na nila 'yung uniforms," sabi niya habang tinitiklop ang resibo.

"Great! Excited na talaga ako," sagot ko. Sabay kurot sa braso niya. "Kailangan mo ako turuan sa campus ha."

Ngumiti siya. "Kahit saan mo gusto, turuan kita."

Habang kumakain kami, napunta ang usapan sa wedding. Sabi niya, ako na raw bahala sa lahat. Pero of course, hindi ako pumayag.

"Eh ayaw ko! Dapat fair ang decisions natin. Tsaka wedding mo din 'yon. Dapat may say ka din," sabi ko sa kanya.

Nagulat ako sa sagot niya. "To be your husband and marry you is only my dream. Even though it's a simple wedding or not."

Sh*t.

Parang ang pula na ng mukha ko. Hindi ko alam kung sa kilig, sa kaba, o sa guilt.

Kasi kahit gaano ko pilitin ang sarili ko... may bumabalik pa rin sa utak ko. May pumipigil sa puso ko.

Alam ko hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya—bilang best friend. And I hate myself for that. Pero kailangan ko itong gawin. Para sa amin. Para sa future. Kailangan ko siyang mahalin, hindi lang bilang kaibigan.

Kailangan ko ring piliin ang sarili ko. Tapos na ako sa sakit. Siguro... oras na para piliin ang kaligayahan.

Kung masaya nga ba?

"Iloveyou, Hans," bulong ko, na parang hindi ko rin maintindihan kung bakit ko sinabi.

Nagulat ako sa sagot niya.

"I love you too, Winx."

Nag-freeze ang katawan ko.

Winx. Tinawag niya akong Winx.

He never calls me that. Palagi akong Inn sa kanya. First time niya akong tinawag sa palayaw ko.

Para bang may iba sa tingin niya ngayon.

Then, he kissed me.

And I kissed him back.

BUT THEN...

Bigla niyang inalis ang pagkakahalik. Humarap siya sa akin, seryoso ang mukha.

Napayuko ako. Pero inangat niya ang baba ko para tumingin sa kanya.

"Inn, I'm sorry. I can't do this. As long as we're not married... I love you, and I respect your soul."

Napasinghap ako.

"I'm not like Blake na after makuha ang gusto ay iiwan ka na. Iba ako sa kanya, Inn. I love you the way you are."

Hindi ko alam ang isasagot.

Parang may humigop ng hangin sa paligid.

"Té Amó, Mí Amór," bulong ko habang pinupunasan ko ang luha ko. Niyakap niya ako. Mahigpit. Parang 'yon lang ang tanging sagot na kailangan namin sa gabing 'yon.

LATER THAT NIGHT

Umuwi na si Hans para sunduin si Tito. Naiwan ako mag-isa sa condo. Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga pinamili ko nang may kumatok.

Pagbukas ko ng pinto—si Ants.

"Hola," bati niya.

"Hi! Come in, Ants. Sorry ang gulo ng unit."

"Don't worry. I've seen worse. Ready ka na for your first Spanish lesson?" tanong niya, sabay upo sa couch.

Tumango ako. "Pero baka kasi madaldal ako, maubos 'yung oras natin."

"Gusto mo ba ng fast learning, or conversational style?"

"Conversational. Para mas useful."

Tumawa siya. "Okay. Pero bago tayo magstart... may tatanungin sana ako."

"Sure. Ano 'yon?"

Nagseryoso ang mukha niya.

"May kilala ka bang Agostin?"

Natigilan ako.

"Agostin? Parang... name ng lola ko dati. Pero 'di ko na maalala kung saan ko narinig."

Tumango siya, parang may nalaman. "Interesting. Alam mo ba kung sino si Wendolyn Agostin?"

"Wait... Bakit mo alam 'yang name na 'yan?"

Ngumiti si Ants.

"She's your grandmother, Winx. And she used to be part of something big. Something called the Lazarus Circle."

Nanlamig ang buong katawan ko.

"Wait. Ants, anong sinasabi mo?"

Tinapik niya ang kamay ko. "Hindi pa ito 'yung buong kwento. Pero may mga bagay kang dapat malaman... bago pa mahuli ang lahat."

Nag-ring ang phone niya. Napatingin siya sa screen.

She quickly stood.

"I have to go. But remember this—the blood in your veins holds a secret. A power. And they're coming for it."

Paglabas niya ng pinto, naiwan akong tulala.

My lola?

Lazarus Circle?

What was she talking about?

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now