Pagkatapos ng Archery game, habang nililigpit ko na ang gamit ko, bigla akong nilapitan ng mga Mokong. At syempre, kasama ang pinaka-Mokong sa kanilang lahat. Si Blake.
"Nice one, Winx! Ang galing mo pala!" sabi ni Ronnie na may matching high-five pang inaabot pero hindi ko pinansin.
"Thank you," sagot ko na lang habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang palad. Hinahanap ko na sana yung towel ko sa bag pero—
Hinablot na agad ni Blake.
"Why did you get my towel?" tanong ko habang nakataas ang kilay. Mukha pa akong masungit pero deep inside, parang kinabahan ako. Ang lapit niya kasi at ang init ng titig niya.
"What's wrong? Ako na ang magpupunas ng pawis mo," sagot niya. Napanganga ako. Excuse me? What did this walking ego just say?
Under ng t-shirt ko at bra na agad ang tinutumbok ng towel!
"I don't want you, pervert," sabi ko sabay agaw ng towel, pero hindi niya binitawan.
"No. I will do it. Kaya tumalikod ka na lang. At kung iniisip mong tinitingnan kita ng malisyoso, hindi ko gagawin," matigas niyang sagot.
Tahimik ako for a few seconds. Parang hindi ko ma-process kung may sayad ba 'tong taong 'to o may bagong mission sa buhay. Parang kanina lang wala siyang pake sa mundo, ngayon naman parang boyfriend kong sobrang aligaga.
"Pupunasan mo ang pawis ko habang nasa harap ng mga kaibigan mo?" tanong ko sabay turo sa mga kaibigan niyang walang ka-malay-malay na nanonood ng buong eksena.
Tinignan niya ng masama yung mga Mokong. Parang may silent communication. At agad-agad—
"OK OK," sabi ni Ronnie habang nagtaas ng kamay na parang surrender.
"We'll wait for you guys sa cafeteria," dagdag ni Kid habang kumindat pa.
Ang kakapal talaga ng mukha.
Pagkatalikod ng mga mokong, pinatalikod na rin ako ni Blake. Tahimik kami pareho. Ramdam ko ang init ng palad niya habang marahang pinupunasan ang likod ko. Parang ang tagal ng bawat dampi. Pero hindi ko din maipagkakaila, gentle siya.
"Ok lang ba yung chest mo? Yung tinamaan ng bola?" tanong niya.
"Yeah," sagot ko habang umiiwas ng tingin.
"Are you sure?" tanong niya ulit.
"Yes," ulit ko.
"Are you mad at me?" tanong niya ulit, this time medyo may lambing na sa boses.
Humarap na ako sa kanya. Tama na. Nahihiya na rin ako. Halata sa paligid na kami na lang ang tao sa gym at kung may makakita pa... lagot ako.
"Yes. Kasi hindi ka namamansin nung dumating tayo sa room," sabi ko habang nakayuko.
"Sorry, ok?" sagot niya, at huminga siya nang malalim. "I just feel uncomfortable kasi... bumalik na dito ang Golden Warriors."
Napatingin ako sa kanya. I remember them.
"They're the gang we fought dati. Yung leader nila... nawalan ng kapatid dahil sa away namin," seryoso niyang sabi.
Aba oo nga. Kinuwento niya 'to sakin dati. Nabugbog yung kapatid nung leader ng Golden Warriors to the point na pumanaw. At ngayon, bumalik sila for revenge.
"They will take revenge, baby. I don't want you to be involved," bulong niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.
"Please come with me. I'll teach you how to protect yourself."
Biglang tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa concern niya o dahil sa kung paanong binanggit niya yung salitang baby.
"Alam kong hindi ka nila gagalawin kapag nalaman nilang isa ka sa mga ArchGod," dagdag niya.
Napakunot noo ako.
Eh ano naman connect ng pagiging ArchGod ko dito?
Agostin family ako. Oo. ArchGod kami. Pero ano naman? Lahat ng kamag-anak ko ArchGod. Pero ako? Hindi naman ako officially inducted.
"Ok fine, I'll be safe," sagot ko, at ngumiti siya. Bigla niya akong niyakap.
Buti na lang talaga wala nang tao sa gym kasi kung hindi, trending na naman 'to sa school feed.
"Tomorrow, come with me. Mag-uumpisa tayo ng training mo. For now, kumain na muna tayo. Alam kong pagod ka, para parehas tayong makapagpahinga," sabi niya habang binubuhat ang gamit ko.
@Cafeteria
Pagkapasok pa lang namin, parang may remote control na pinindot ang universe.
TUMAHIMIK ANG LAHAT.
Pero di nagtagal, nagsalita na ang mga maiingay.
"Oh my God, sila na ba?"
"I heard sila na! Confirmed!"
"Ang swerte ni Winx, siya lang ang kauna-unahang babaeng umupo sa BloodYMaf Gang table!"
"As in? Kahit yung mga babae nila before, di pinaupo?"
"Nakakainis. She's so lucky! What's her secret?"
Yan lang naman ang maririnig mo pag dumadaan kami ni Blake.
Ako? Gusto ko na lang lamunin ng lupa. Ang awkward.
Hindi ako sanay sa ganitong attention. Hindi ako artista.
"Relax ka lang," bulong ni Blake habang hawak pa rin ang gamit ko.
"Hindi ka ba affected sa mga chismis?" tanong ko.
"Nope. Sanay na kami diyan. Besides, totoo naman eh," sagot niya habang tinitigan ako. "Gusto kita. I'm not hiding that."
Ano raw? Gusto niya ko?
Bigla akong napaatras. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Parang biglang nagkaroon ng meaning yung mga sulyap niya noon, yung mga pa-deadma pero protective, at yung pagiging tahimik pero present palagi.
Pero bago pa ako makasagot, umupo na kami sa table ng BloodYMaf.
Lahat ng girls sa paligid, parang gustong manlumo. May ilan na umalis pa sa cafeteria dahil naiinis.
Nag-order kami ng food. Tahimik lang si Blake habang kumakain. Pero paminsan-minsan, tinititigan niya ako. Ako? Hindi mapakali. Nababaliw ako sa paligid, sa chismis, sa mata ng lahat.
Pero sa gitna ng lahat ng yun, may isang tanong lang ang hindi ko mapigilan:
Bakit ako?
And somehow... deep inside, I know this is only the beginning.
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
