WINX's POV
"Hanggang ngayon pala... nilihim pa rin sayo ng dati kong matalik na kaibigan ang totoo," bulong ni Arthur habang lumalapit siya sa akin. Ang tingin niya parang nag-aapoy sa galit at pagkasuklam. "Ang tanga mo naman at hindi mo alam kung sino ka talaga."
Nanigas ang buo kong katawan. "Ano po bang pinagsasabi niyo? At nasaan ang kaibigan ko? Nasaan si Ants?" Halos lumagapak ang boses ko sa kaba.
"Don't worry, my dear. She's fine. In fact..." sabay ngisi niya, "...siya ang nagdala sayo dito."
Hindi. Hindi totoo 'to.
"Nagkakamali ka ata," nanginginig kong sabi.
"You wanna know the truth? Ants, lumabas ka na," utos ni Arthur.
At sa isang iglap, may pumasok mula sa dilim. Pamilyar ang lakad. Kilala ko ang anino na 'yon.
"Ants...?" bulong ko.
At nang tumambad sa akin ang buong mukha niya, parang binagsakan ako ng mundo.
"Ikaw?!" bulyaw ko, halos mawalan ng hininga. "Paano mo nagawa sakin 'to? Tinuring kitang kaibigan! Bakit?! Anong dahilan mo?!"
Tumayo siya sa harap ko, walang bakas ng pag-aalinlangan.
"Hey, sweetie. Wag ka ma-stress, buntis ka. Yes, ako ang nagdala sayo rito," sabi niya, malamig at mapanlinlang ang tinig.
"Bakit?! Anong ginawa ko sayo?"
"Sayo? Wala. Pero sa daddy ko? Meron."
Nanlamig ang mga palad ko. "Siya? Siya ba... ang tatay mo?"
Tumango siya. "Sabagay, hindi na ako magtataka. Magkasing sama nga kayo ng ugali. Nagtiwala ako sayo... akala ko totoo kang kaibigan, pero hindi pala."
Napangisi siya. "I don't care kung anong sabihin mo. Anak ka lang naman sa pagkakasala."
Lumingon siya sa ama niya. "Daddy, aalis muna ako. Kailangan kong maghanda. Kailangang mukha akong biktima kapag nakita na nila ako," sabay kindat niya sakin bago lumakad palayo.
"WALANGHIYA KA!!!" sigaw ko habang ang buong katawan ko ay nanginginig sa galit at sakit. Pero tinawanan lang niya ako at nawala sa dilim.
"Anong gusto niyong gawin sakin?" tanong ko kay Arthur. "Bakit niyo to ginagawa?"
Tumitig siya sa akin, malamig, parang wala siyang kaluluwa.
"Dahil hindi mo alam ang totoo. Ako na mismo ang magsasabi sayo ng katotohanang nilihim sa pagkatao mo... pero may tanong muna ako. Alam mo ba ang H.M. Academy?"
Napakunot ang noo ko. "Bakit pati yun alam mo? Dati kong pinagaralan yun..."
Lumapit siya at umupo sa tapat ko. Nakakunot ang kanyang noo, parang nananadyang binubuksan ang sugat sa puso ko.
"Ang H.M. Academy stands for Highest Mafia Academy. Hindi ka tatanggapin doon kung wala kang mataas na koneksyon. Pero sa kaso mo... pamilya mo ang Mafia."
Parang gusto kong sumuka.
"At ang hindi mo alam..." sabay tawa niya na parang demonyo, "Ang tatay mo — si Zeus — siya ang may-ari ng H.M. Academy."
Nanlaki ang mata ko. "Hindi... Hindi totoo yan."
"At ang tunay mong ina?" tanong niya habang nakangisi. "Ang totoo mong nanay ay si Gwenette Anndrew Sy Chavez. Ang asawa ko."
Parang biglang nagdilim ang paligid.
"May relasyon sila ng tatay mong si Zeus — ang matalik kong kaibigan. Ang kinilala mong ina na si Michelle? Nagpakamatay sa sama ng loob. Hindi niya kinaya ang ginawa ng asawa ko at ng tatay mo."
"Hindi... hindi totoo 'to..." bulong ko. Napapaiyak na ako.
"Late na nang malaman namin ang lahat. Noon buo ka na. At bilang paghihiganti? Gusto kong burahin ang lahat ng iniwan ni Gwen at Zeus. Kasama ka doon. Pati ang anak mo."
"Maawa ka naman sakin... kung totoo man 'tong sinasabi mo, bakit ako? Nakalipas na yun. Bakit hindi ka makaalis sa galit?"
Tumayo siya. "Kasi ikaw ang bunga ng pagkasira ng pamilya ko. At bago mamatay si Gwen? Sinabi niya sa akin: Ikaw ang kapalit sa mga kasalanan niya."
MEANWHILE – SA HIDEOUT
ZEUS's POV
"Boss Z!" tumakbo si David. "May bagong info galing sa isa sa undercover natin."
"Ano yun?"
"May nakita sila sa abandoned building sa outskirts ng Rizal. May lumabas na black van at may markang ginagamit ng H.M. Academy."
Bigla akong napatingin kay Paul.
"Confirmed. May dating training facility kami roon. Matagal nang isinara. Pero kung si Arthur ang may pakana nito... baka ginamit niya ulit."
"Maghanda na ang lahat. Rerescue team. Tonight."
Pero bago kami makalabas, isang mysterious na babaeng naka-black suit ang pumasok sa hideout.
"Wait. Don't go yet," sabi niya.
"Sino ka?" tanong ko, hawak ko na ang baril ko.
"I'm Agent Nyx. I work for the International Undercover Mafia Tribunal. And I have reason to believe... one of you here is working for Arthur."
Lumingon kami sa isa't isa.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Paul.
"Arthur may have infiltrated your core team. And worse... he may be using Wendy's child for something far more dangerous than revenge."
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
