"Why?" tanong ni Blake habang nakatingin sa akin, halatang nagtataka kung bakit ko siya pinigilan kanina.
"Kwento mo ko about dito. At siyempre... dahil nagkita na tayo, I want to know more about you," sagot ko habang tinatapunan siya ng tingin na parang sinasabi kong I'm not letting you off that easy.
"Ahm, sige," sabi niya, medyo nag-aalangan pero sumunod din. Umupo siya sa gilid ng kama. Ako naman, dahil nakahiga na ko, walang sabi-sabing humiga sa lap niya.
Napansin kong nanlaki ang mata niya. Hindi niya inaasahan 'yon, halata sa pagkabigla niya.
"Anong gusto mong ikuwento ko sayo?" tanong niya habang pilit na iniiwas ang tingin.
"Anything. Kahit ano tungkol sa school na 'to," sagot ko habang pinipigilan ang kilig sa loob. Hindi ko maipaliwanag, pero ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya ngayon, sa wakas, in real life.
Nagsimula na siyang magkuwento habang nakatingin lang sa pader. Baka naiilang siya dahil naka-higa ako sa lap niya. Pero ako? Wala na kong pakialam.
Actually, hindi ko na rin masyadong naiintindihan ang mga sinasabi niya. Ang totoo, nakatingin lang ako sa mukha niya. Kay Blake Sperbund. The guy I've liked for almost a year. And now, mas pogi pala siya sa personal. Literal na pogi problems.
"Since when ka nag-aaral dito?" tanong ko bigla, interrupting his story.
"Since I was 16 years old," sagot niya.
"Six years ka na pala dito? Diba 22 ka na ngayon?" tanong ko ulit, medyo impressed.
"Yup," sagot niya habang ngumiti.
"Pwede ka bang makalabas anytime?" tanong ko, curious kung pareho ba kami ng rules or may exemption siya.
"Yes. I'm the boss here," sagot niya na may halong yabang.
Wait what? Teka lang, rewind.
"Boss?" litong tanong ko.
"Yes. I'm the boss here. Alam mo naman na gangster ako diba? I confessed that to you before, nung nag-uusap pa tayo online," paliwanag niya habang tumingin na sa akin.
Right. Oo nga pala. I like bad boys with a heart and Blake Sperbund is the perfect example. Minsan kapag nagvi-video call kami, kinukuwento niya 'yung mga nangyayari sa grupo niya, pero lagi niyang inuulit na kahit ganun siya, may puso pa rin siya.
Hindi ko na siya sinagot. Pinakinggan ko na lang ulit ang boses niya habang nagku-kwento pa siya ng ilang bagay tungkol sa mga students, sa secret codes sa loob ng Academy, at pati na rin sa mga "missions" nila outside. Parang mini-military training with mafia influence.
Di ko namalayan, pumikit na pala ang mga mata ko.
Ang huli kong narinig ay yung boses niya, pero hindi ko na gaanong naintindihan.
Maya-maya lang, parang may narinig akong mahina, halos pabulong.
"You will be mine. And no one can touch you here except me... because you are now the queen, and I am your king," bulong niya, tapos hinalikan niya ako sa noo.
Hindi ko alam kung gising ako o nananaginip. Pero isang bagay lang ang sigurado ko...
Gusto ko 'yon.
Nagising ako dahil sa simpleng gutom. Literal. Kumakalam ang tiyan ko at bigla kong naalala—wala na nga pala ako sa bahay namin. I'm now inside a boarding school for mafia elites.
Tumayo ako mula sa kama at inikot ang tingin. Wala si Blake sa paligid.
Paglingon ko sa banyo, sakto namang bumukas ang pinto at lumabas siya...
naka-towel lang.
Oh my ghad, Universe, why are you doing this to me?!
"Sorry, I forgot to get my clothes," casual niyang sabi, pero kita sa kanya na medyo nahuli niya sarili niyang awkward moment.
Agad akong natauhan at tumalikod. "Blake naman! Magtakip ka nga!" sigaw ko pero pilit kong tinatawanan yung hiya.
Tumawa lang siya. "Relax. Sanay ka na sa katawan ko noh? Lagi mo ko pinagmamasdan sa VC diba?" pang-aasar niya.
"Ugh! Hindi no!" tanggi ko habang tinatakpan ang mata ko gamit ang kamay.
"Anyway, may pagkain na dyan. Kumain ka na muna. I think gutom ka na. Ang haba ng tulog mo," sabi niya habang naglalakad pabalik sa banyo para magbihis.
Ganun ba talaga kahaba yung tulog ko?
Tumango na lang ako at dumiretso sa maliit na kitchen corner ng dorm. May microwave, rice cooker, at ilang ready-to-eat meals. Mukhang hindi pa siya kumain, kaya inayos ko na rin ang pinggan niya. Nilabas ko na ang mga pagkain, sinet ang utensils, at hinintay ko siyang matapos magbihis.
Habang inaayos ko ang mesa, hindi ko maiwasang mapangiti.
Kahit gaano ka-wild ang pagsisimula ko sa school na 'to, kahit mukhang mapanganib...
at least, I'm not alone.
At least, kasama ko si Blake.
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
