Winx's POV
"No... nagkakamali ka," sigaw ni Daddy Zeus habang nanginginig. "Si Blake ang anak ko... at ang anak..."
Hindi ko na narinig ang sumunod. Tumatakbo kami ni Blake paakyat, papunta kung saan nandoon sina Daddy at Arthur. Todo alalay siya sa akin dahil sa ipinagbubuntis ko.
"Winx, be careful naman," sabi niya habang pinipigilan ako. "Wag kang takbo ng takbo, baka mapaano yang tiyan mo. I can't lose another part of my life."
Pero hindi ko siya pinakinggan. Kailangan kong makarating. Kailangan kong marinig ang katotohanan.
Paglapit namin sa hallway, narinig namin ang maiingay na palitan ng salita.
"Dahil taksil ka! Pinagtaksilan niyo kami!" sigaw ni Arthur.
"Alam mo bang si Michelle ang may gustong mamatay kami? Para pare-parehas tayong maging masaya!" dugtong pa niya.
"Paano magiging masaya 'yon, Arthur, kung papatayin mo lahat?" sagot ni Daddy Zeus, buo at matapang ang tinig.
"Si Gwen kapalit ng buhay ni Winx at ng magiging anak nila ni Blake. Fair trade, hindi ba?" sabay tawa ni Arthur.
"No! Please!" umiiyak na sabi ni Daddy.
"Wow... marunong na pala mag-'please' ngayon ang isang Zeus," ani Arthur, namamangha pa.
"You can't," halos pabulong pero matatag na sabi ni Daddy.
"Yes, I can," tugon ni Arthur, malademonyo ang ngiti.
Biglang bumagsak ang bomba ng katotohanan.
"No... Winx is your true daughter. Blake is my real child," sabi ni Daddy Zeus.
Parang tumigil ang mundo.
"Pinaplano na namin ito ni Gwen noon pa. Alam naming mangyayari ang lahat ng ito, pero hindi ko akalaing ganito kaaga. Arthur, best buddy ko... maniwala ka. Si Winx ang anak mo. At si Blake, anak ko."
Parang wala akong marinig. Parang lahat ng sinabi nila, bumunggo sa dibdib ko at sabay-sabay bumagsak. Pero hindi pa doon nagtapos.
"Ako? Sino ako, Daddy?! Haaa?!" sigaw ni Ants. Umiiyak, galit, wasak.
"Oh, andito ka pa pala, traydor ka," sabay tutok sa kanya ng baril ni Arthur.
"At tutal mamamatay ka na rin lang, eto na. Totoo, inampon lang kita. Ginamit kita para gumanti kay Zeus. Pero nung una kong makita si Winx, may naramdaman akong hindi ko maipaliwanag. Akala ko galit lang. Pero ngayon, alam ko na..."
Huminga siya nang malalim. "Si Winx, siya ang anak ko."
"Bakit, Daddy?" tanong ko, nanginginig. "Bakit kayo naglihim sa akin?"
Pumunta sa gitna si Daddy Zeus, hawak ang baril pero tinapon ito sa sahig.
"Patawarin mo ako, anak. Ang totoo, si Gwen ang nagplano ng lahat. Matagal na naming alam. Nasagasaan si Arthur matapos niyang patayin si Gwen... sa lugar na 'to mismo. Sa kinatatayuan mong iyan, Winx. Ang HM Academy... itinayo sa lugar ng isang masalimuot na kasaysayan. Nung coma si Arthur, sinamantala ko ang pagkakataon. Inangkin kitang anak. At si Blake, pinakiusap kong alagaan ng kapatid ko sa labas."
Biglang nagsalita si Blake.
"That's okay... Uncle... I mean, D-Dad," mautal niyang sabi. "At least, alam kong hindi kami magkapatid ni Winx. Ok na 'ko doon. Naiintindihan ko ang lahat."
"Yan pala ang rason kung bakit hindi ko naramdaman na itinuring mo akong anak," sabi ni Ants habang umiiyak.
Tumingin siya kay Blake. Mabilis ang galaw. Hinablot ang baril mula sa tagiliran ni Blake.
BANG!
Tumama kay Arthur.
"OH MY GOD! DADDY!" sigaw ko.
Patakbo akong pumunta sa kanya habang ang dugo'y dumadaloy sa kanyang gilid. Lumuhod ako, niyakap siya.
"Patawarin mo ko, Winx..." bulong niya, halos hindi na marinig. "Magkakasama na kami ng mommy mo. Pasensya ka na, ha... muntik pa kitang mapatay. Pati ang magiging apo ko..."
"Daddy, please hold on. Gusto pa kita makasama."
Ngumiti siya. "Mahal na mahal kita, anak. At masaya akong tinawag mo akong 'Daddy'. Isunod mo ang pangalan ng mommy mo kapag babae... at kung lalake... isunod mo sa matalik kong kaibigan."
Huminto ang paghinga niya.
"DADDY! I love you..."
At tuluyan nang bumagsak ang kanyang kamay. Pumatak ang luha niya. Huling beses.
Narinig namin ang malakas na wang-wang ng mga pulis at rescue units.
"Blake!" sigaw ng mga gang na papasok.
Biglang tumakbo si Ants pero hinablot siya ni Blake.
"Magbabayad ka sa kulungan, Ants," malamig na sabi niya.
"Ginamit lang niya ako! Ginamit niya tayong lahat!" sigaw ni Ants habang nagpupumiglas.
Lumapit si Daddy Zeus, nanginginig ang kamay. Inayos niya ang katawan ni Arthur sa gilid.
Lumapit ako. Ang puso ko, wasak.
"Ants," bulong ko habang huminga nang malalim. "One last time, bago ka mabulok sa kulungan."
PAK!
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko.
"What the f—!"
"Sir, dakpin niyo na po 'tong babaeng 'to," utos ni Blake.
Pinosasan si Ants. Pilit pa rin siyang lumalaban pero wala nang saysay.
Bigla akong niyakap ni Blake. Yakap ng pang-unawa, ng sakit, ng pangako.
"Winx... this is over now. I will fight for you. No more tragedy. No more heartbreaks. I'm asking for a chance to be with you again."
Tumulo ang luha ko. Mahigpit ang yakap ko pabalik.
"Yes, Blake... I love you."
Pero bago pa niya ako masagot, biglang bumigat ang katawan ko. Umikot ang paningin ko.
"WINXXX!!!" sigaw nila.
Blake's POV
Nagising siya tatlong araw pagkatapos. Nasa ospital. Ligtas ang baby, pero nalagay siya sa panganib dahil sa stress.
Nang makita kong dumilat siya, tumulo ang luha ko. Lahat ng paghihirap, lahat ng tanong, natuldukan na.
Pinangalanan namin ang anak naming babae ng Gwenna. Kung lalaki, naging Zeuson sana. Pero tamang-tama si Arthur, babae nga.
Si Ants? Nasa kulungan na. Si Michelle? Ikinanta lahat ni Ants. Lahat ng kasabwat ng ARMAERA, natukoy at nakasuhan.
Ang HM Academy? Isinara at ginawang memorial ng mga biktima ng politika at kasakiman.
Winx's POV
Sa huling araw ng paglilitis, tumayo ako sa harap ng maraming tao. Walang kapangyarihan. Walang armas. Pero may puso akong buo.
"I am Winx. Anak ng isang traidor... at anak ng isang bayani. Pero higit sa lahat... ako ay isang ina, isang babae, at isang boses ng katotohanan."
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko... ako ang humawak sa sarili kong kapalaran.
Sampung taon na ang lumipas. Si Gwenna ay maglalabing-isa na. At sa bawat tanong niya tungkol sa lolo niyang sina Arthur at Zeus, may handa akong sagot.
Tiningnan ako ni Blake habang hawak ko ang kamay ng anak namin.
"Worth it lahat," sabi niya. "Lahat ng sakit... para makarating dito."
Tumango ako. "Yes. At kahit na ang kwento natin ay puno ng kasinungalingan, pagtakbo, at madugong katotohanan..."
"... Natapos din sa pag-ibig at kapayapaan."
YOU ARE READING
H.M. Academy
Ficção GeralHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
