Chapter 43

1.4K 57 0
                                        

BLAKE'S POV

"Uncle... malapit na malapit na natin malaman kung nasaan nagtatago si Arthur. Ang pinagtataka ko lang... bakit parang ang bilis naman? Parang may mali," sabi ko habang pinagmamasdan ang satellite feed sa tablet.

Tumango si Uncle. "Alam mo, parehas tayo ng iniisip. Kaya hindi tayo dapat magpalinlang sa mga clues na 'yan. Isa pa, may pinadala na akong secret bodyguards kay Wendy at Hans. Para lagi tayong updated. At papunta na rin doon si Paul."

Napatigil ako sa sinabi niya.

Paul. Ibig sabihin... may mas malalim pa palang plano. Pinoprotektahan talaga nila si Winx.

Si Winx...

Walang araw na lumipas na hindi ko naiisip kung bakit hinayaan kong mawala siya.

Alam ko, mahal na mahal ko siya. Kahit pa magpinsan kami. Pero alam ko rin na mali. Mali na mahalin ko ang kadugo ko. Kaya pinili kong lumayo. Pinili kong hindi sundan siya sa States kahit gustong-gusto ko.

Ang sakit isipin na ikinasal na siya. I still remember the day she wore that white dress. I was there, but I was just a shadow.

Pagkatapos ng graduation, wala na akong naging dahilan para manatili sa tabi niya.

Pero sa pagkakataong 'to... tutulungan ko silang iligtas si Winx. Kasi ito lang ang tanging paraan para makabawi ako sa kanya.

"Blake? Did you hear me?" tanong ni Uncle.

Natauhan ako. "Uh-m Yes, Uncle."

Tumitig siya sa akin. Yung titig na hindi mo alam kung galit o awa. "Blake, I know you love my daughter. Pero mali ang mahalin mo ang kadugo mo. Mali na mahalin mo ang pinsan mo. I know it's hard. Pero sana, hayaan mo na siyang magkaroon ng sariling buhay."

Napatingin ako sa sahig. "I know, Uncle. Sorry sa mga katangahan na ginawa ko noon. Sana... kung hindi lang sana nagbago ang plano, edi sana magkasama pa din kami ngayon."

"Pero mas mabuti na rin na nangyari 'yon, Blake. Para maiwasan pa ang mas malala sa inyo habang maaga pa."

Hindi na ako sumagot. Kasi alam kong tama siya.

Kung ipinilit ko noon, baka pareho lang kaming masaktan.

Baka hindi na kami makatingin sa isa't isa ngayon.

LATER THAT NIGHT

Kasama ko si Hans sa loob ng tactical van. Tahimik siya habang tinititigan ang lumang mapa ng ARMAERA's hidden facilities.

"After natin gawin lahat ng 'to, Blake," bigla niyang sabi, "I promise sa 'yo, hindi na kita pakikialaman kay Wendy. As long as gusto pa rin niyang manatili ka. Lahat nagbabago, Blake. Hindi lang panahon... pati tao."

Napatingin ako sa kanya. Bakit parang may lungkot sa mata niya? Parang may tinatago.

"Uncle, kailan uuwi dito si Winx?" tanong ko.

"After nine months, Blake," sagot niya, sabay tapik sa balikat ko.

ESTELLE'S POV

"Dad, sabihin na ba natin ang totoo kay Blake?" tanong ko habang nasa kotse kami.

"Not yet, sweetie. Hindi pa panahon para malaman niya. Hayaan mong ama niya ang magsabi. At wag natin pangunahan. Hayaan mong siya mismo ang makatuklas," sagot ni Daddy, diretso ang tingin sa kalsada.

"Pero Dad... he really loves Wendy. I saw him yesterday. He was looking at their pictures. He was crying."

"Alam ko, nahihirapan siya. Pero gusto mo bang maligtas ang kapatid mo o hindi? Kapag sinabi mo agad na hindi siya totoong anak ng kanyang kinilalang pamilya, tingin mo anong magiging reaksyon niya? Mag-isip ka nga muna, Estelle, bago ka magsalita ng kung anu-ano."

Napakagat ako sa labi.

Sinasabi ko lang naman ang side ko.

Alam ko, mahal niya si Wendy. Pero pano naman ako?

Anak din naman ako. Ako ang tunay na anak. Samantalang si Wendy... anak lang siya sa labas.

Ilang araw na akong hindi makatulog nang maayos dahil sa plano na 'to. Nawawalan na ako ng oras para sa anak at asawa ko.

Hindi pwede 'to.

Hindi pwedeng manahimik lang ako habang pinapaburan nila si Wendy.

IN THE STATES — WINX POV

Tatlong linggo na mula nang lumipat kami ni Hans sa bagong safehouse. Malayo ito sa siyudad, malapit sa taniman ng ubas sa Northern California. Isang araw habang nag-aayos ako ng mga gamit, may nahulog na maliit na kahon mula sa loob ng lumang trunk ni Lola Wendolyn.

Pagbukas ko... may nakatiklop na sulat. Ang papel, kulay cream na may gintong sulat-kamay.

Para kay Winx, kung sakaling natuklasan mo ito... panahon na para malaman mo ang totoo.

Napaupo ako sa kama.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang binubuksan ang sulat. Bawat letra, parang kumakalmot sa puso ko.

"Anak... kung sino man ang nagsabi sa 'yo na ang pamilya mo'y buo, may itinatago sila. Hindi mo ako kilala, pero ako ang nagligtas sa 'yo noong ikaw ay sanggol pa lang. Anak ka ng isang lalaki mula sa ARMAERA, at isang babae na pinatay dahil sa sikreto. Pinagpalit ka ng pamilya mo upang itago ang tunay mong pinagmulan. Ang dugo mo ay may koneksyon sa Lazarus Protocol. Bantayan mo ang sarili mo, anak. At kapag nakita mo si Agostin Reviere, huwag kang magtiwala."
Agostin Reviere.

That name again.

Biglang bumukas ang pinto. Si Hans.

"Winx, okay ka lang?" tanong niya, nakita niya ang hawak kong sulat.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung kanino pa ako pwedeng magtiwala.

"May kailangan kang malaman, Hans," bulong ko.

SOMEWHERE IN EUROPE

Agostin Reviere stood beside a fireplace, watching a map of the Philippines burn slowly in the flames.

"The Lazarus bloodline has been awakened," he whispered. "Let the cleansing begin."

Behind him, a woman stepped out of the shadows.

It was Antimony.

"She's not ready," sabi ni Ants.

"She doesn't have to be. She just has to bleed."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now