Chapter 34

1.5K 74 1
                                        

WINX'S POV

Sinundo na ako ni Ate.

Pagdating namin sa venue, agad akong dinala sa dressing room para ayusan. Di ko alam kung bakit ako kinakabahan, pero ang weird sa feeling. Hindi ako sanay sa makeup, sa hairdo, sa magandang damit. Pero in fairness... ang ganda ko ngayon. Charot, pero totoo.

While they were curling my hair and finishing my soft glam look, my heart was racing. Hindi lang ito simpleng debut o event. Ito ang araw ng pasabog.

Kanina habang papaalis kami ni Ate, nakita ko din si Blake at Felicity. Sa ayos nilang yun? Mukhang papunta rin sila dito.

Inhale. Exhale. Go Winx. Kaya mo 'to.

"Wendy, be ready. Ipapakilala ka na within 10 minutes. Papunta na din dito si Hans." sabi ni Ate Estelle habang bigla niyang binuksan ang pinto ng dressing room.

"Yes, Ate." sagot ko, medyo nanginginig ang boses ko pero sinusubukan kong magpakatatag.

Lumapit siya at inayos ang kwelyo ng dress ko.

"I know kinakabahan ka, but tatagan mo ang loob mo, ok? Within this week, baka aalis ka na ng school na 'yan. You and Hans will fly to the States—for good."

For good?

"I know, Ate. This will be the last... sana tama ang iniisip ko."

Kumatok si Hans sa pinto.

"Ate Estelle, ready na daw po."

Tumango lang si Ate at lumabas, iniwan kaming dalawa ni Hans sa loob.

"Ang ganda ng panget ko ngayon, ah." biro ni Hans sabay upo sa tabi ko.

"Epal ka." Hinampas ko siya sa braso. Pero hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Kahit sa gitna ng kaguluhan ng puso ko, he still makes me feel... safe.

"Lagi ka namang maganda. Ano ka ba. Tara na." inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Hinawakan ko ito, at tumayo.

"Let's go. I'm ready."

Paglabas namin sa venue, tumugtog ang music at nagsalita na si Daddy sa harap.

"Ladies and gentlemen, I want to introduce my daughter: Wendy Inn Natalie Xyver Agostin."

Biglang lumiwanag ang spotlight. Magkahawak kamay kaming lumabas ni Hans.

Ramdam ko ang mata ng lahat na nakatutok sa akin. Hinanap ko si Blake... at ayun siya. Kasama si Felicity, ang mga mokong niyang barkada, at halos lahat ng kaibigan naming common.

Tama nga ako. Lahat sila nandito.

This isn't just a party.

This is the beginning of my revenge.

"Everyone, this is not just an anniversary party for our company. I will also announce a surprise engagement! My daughter and her fiancé Hans Mus Pierre Ty, son of Mr. Ty."

Nagpalakpakan ang mga tao. Flash ng mga camera. Biglang naging mas malambot ang pagkakahawak ni Hans sa kamay ko. Parang sinasabi niyang "I got you."

Ngumiti ako sa kanya. Thanks, bestie slash fiancé slash savior.

Pero sa loob-loob ko?

Don't mess with an Archgod, Blake.

Binigyan kami ni Daddy ng mic.

"Hello everyone! I'm Hans. This is Wendy—pero please, call her Winx. Kasi she doesn't want to be called by her real name. Arte, diba?"

Tawanan ang buong crowd. Pati yung mga titas and titos. Kaya hinampas ko siya ulit sa braso at nagtilian sila lalo.

Ang tatanda na, pero ang hilig pa rin sa kilig.

"Just kidding, sweetie." sabay hawak niya sa bewang ko. "Actually, wala kaming prepared na speech. Kasi si Dad, ang galing ng pasabog, 'di ba? Pero we want to say thank you sa inyong lahat for being here. Invited po kayo sa wedding namin sa States. Because we'll be living there—for good."

Muling nagpalakpakan ang crowd. Ang iba, natuwa. Ang iba, halata mong shookt.

"Big time naman kayo lahat, kaya kayo na rin ang kukunin naming ninong at ninang. Hahaha. Yun lang po!" sabi ni Hans habang inakbayan ako.

Ngumiti ako, pero habang nakangiti, muling gumalaw ang mata ko—at nakita ko ang ekspresyon ni Blake.

Hindi mo maipinta.

Gulat? Oo. Pero may halong pagsisisi. Galit. Pagkalito.

At si Felicity?

Halata sa katawan niya na tensing up siya. Napatingin siya sa paligid, as if sensing... something isn't right.

LATER THAT NIGHT:

Habang nagki-kwentuhan ang mga bisita at busy sa socializing, lumapit si Estelle sa akin.

"Winx, oras na."

Tumango ako.

Sa kabilang bahagi ng hall, biglang pinatay ang ilaw. Spotlight ulit.

"Now, before we close the night, my daughter would like to say something very important." sabi ni Daddy sa mic.

Tumayo ako. Naramdaman kong lumamig ang palad ko. Pero andun si Hans, hawak pa rin ang kamay ko.

"Hi everyone. I just want to say thank you. But more than that, I want to show you something—because tonight isn't just about celebration... it's about truth."

Click.

Biglang umilaw ang malaking screen sa likod.

At lumabas ang CCTV video.

Si Blake. Sa hallway ng dorm.

Kasama si Felicity. Naghahalikan. At hindi lang halik.

Nagkagulo ang crowd. Si Felicity, napabangon. Si Blake, napatayo rin.

"This... is the man who said he loved me. Who asked me to stay loyal. While doing this behind my back."

Mabilis lumapit si Blake sa harap.

"Winx, pwede ba tayong mag-usap—"

"There's nothing left to say, Blake."

Lumapit si Hans. Tumayo sa tabi ko.

"Because now, I'm not just your ex. I'm someone stronger."

Tahimik ang lahat.

Si Daddy, ngumiti. Si Estelle, nag thumbs up. Si Felicity? Tumakbo palabas.

At si Blake?

Tumayo sa gitna ng stage, at sinabi:

"You'll regret this, Winx. You think you won? This isn't over."

Ngumiti lang ako. Tumalikod.

"Yes, Blake. It's not over. And you just gave me a reason to start the next war."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now