WINX's POV
Nagising ako sa biglaang pagbuhos ng malamig na tubig. Nanlamig ang buo kong katawan. Nanginginig ako sa lamig, sa takot, sa gutom... at sa sakit ng katotohanang iniwan ako ng lahat.
Ilang araw na ba akong ganito? Nakagapos. Walang makain. Walang makausap. Wala man lang nakakaalam kung nasaan ako. Wala si Daddy. Wala si Ate Estelle. Wala si Hans. Wala si... Blake.
Bigla akong kinilabutan. Bakit siya ang naisip ko?
"Kumain ka na," malamig na boses ni Ants. May dalang tray ng pagkain, sabay subo ng kutsara sa akin. Hindi ko magawang tumanggi. Wala akong lakas.
"Ants... bakit?" tinig ko'y pabulong, mahina. "Bakit mo nagawa 'to? Tayo pa 'yung magkaibigan. Ikaw pa ang kinapitan ko."
Nanatili siyang tahimik. Pero nakita ko. Umiwas siya ng tingin.
"Winx... wala kang kasalanan sakin. Pero sa tatay ko, meron. Oo, magpinsan tayo. Mabait ka. Pero kailangan... may magdusa." Mahina pero matalim ang boses niya. Hindi ko alam kung siya pa ba 'to... o ibang tao na.
Hindi ko na siya sinagot. Pero sa puso ko, naramdaman ko. Naaawa siya. Ants was still inside there. Hindi siya lubos na masama. Demonyo lang talaga ang sumira sa kanya — ang sariling ama.
"Sumigaw ka nalang kapag gusto mong kumain. Hindi na ako ang magpapakain sa'yo, tauhan na ni Papa." Sabay labas niya ng kwarto.
Nanatili akong mag-isa.
"Daddy... Hans... Ate Estelle... Blake..."
Napapikit ako sa sakit ng tiyan ko.
"Baby, mommy will hold on. For you. Kapag nalaman ni Blake ang totoo... sana hindi pa huli ang lahat."
THIRD PERSON POV
Hindi na alam ng lahat ang gagawin. Walang tulog. Walang tigil ang analysis. Konti na lang ang panahon. Si Arthur, lalo nang nababaliw habang papalapit ang takdang araw.
"YES YES YESSSSS!" sigaw ni Blake. Napatayo siya bigla mula sa upuan sa hideout.
"Bakit Blake?!"
"What happened?!"
"Na-trace ko si Arthur! Pero... hindi ako sigurado kung nandoon din si Winx," halos hindi makahinga si Blake habang ipinapaliwanag.
"Paano mo na-track?" tanong ni David.
"Last time na tumawag si Arthur kay Uncle Zeus, ginamit ko 'yung signal trace at ginawa kong entry point para i-hack 'yung GPS route niya. Nakita ko sa records. Pero again, hindi pa ako sure kung nandun si Winx."
"Saan nga?" tanong ni Zeus, seryoso ang mukha.
"Manila, Philippines."
Nagkatinginan silang lahat — Estelle, Hans, Kid, David, CN, Alden. Tahimik ang lahat.
"Sobrang populated ng lugar. Hindi imposible na ginamit 'yung area na 'to para magtago," dagdag ni Blake.
Pero tumayo si Hans. "I think you're wrong. Base sa background ni Arthur, may business company siya sa Manila. Pero 'di niya doon tinatago ang mga sensitive operations niya."
Tumango si Estelle. "Yes. Hindi niya i-expose ang base niya sa gitna ng sibilisasyon kung hindi secure."
Napakunot noo si Blake. "Wait... look at this."
Nag-zoom in siya sa isang specific camera feed — sa isang lumang compound sa outskirts ng Manila.
"ACADEMY." sabay-sabay nilang sabi.
Tahimik.
Nag-flash sa screen ang infrared thermal imaging ng lugar. Isa... dalawa... lima... sampu... dose...
"Ang daming tao. Pero hindi gumagalaw. Parang—" bulong ni CN.
"Parang nakahimlay," dagdag ni Alden.
"Pero bakit parang... masyadong tahimik?" tanong ni Kid.
Muli nilang tiningnan ang layout ng Academy. Kakaiba. May underground system. Luma sa labas, pero high-security sa loob. Tila ginawa para sa isang bagay:
"Detention. Torture. Or burial."
ZEUS's POV
Hindi ako makahinga. Ang daming gumugulo sa isip ko.
Ang anak ko... si Winx... baka nandoon.
At ang Academy na 'yon — ang tinaguriang "H.M. Academy" — Highest Mafia Academy — yun ang sariling impyerno na tinayo ko noon kasama si Arthur.
At ngayon... doon niya kinulong ang anak kong bunga ng kasalanan ko.
"Anak, patawarin mo ko."
WINX's POV
Sumigaw ako.
"HELLO?! TUBIG! TUBIG LANG PO!"
May pumasok. Isang lalaking maskarado. May dalang baso ng tubig at gamot.
"Anong totoo?" tanong ko. "Bakit ako nandito talaga? Ano bang totoo?"
Hindi siya sumagot. Pero may iniwan siyang maliit na sulat sa ilalim ng tray.
Pagkaalis niya, palihim ko itong binasa.
"They plan to move you in 3 days. Final phase na raw. You need to survive until then. Blake is looking for you."
Napatulo ang luha ko. Blake... naghahanap ka pala.
Sana umabot ka. Sana maabutan mo pa ako.
Sana... hindi pa huli ang lahat.
YOU ARE READING
H.M. Academy
Fiksi UmumHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
