Chapter 26

1.6K 74 1
                                        

Winx's POV

"David, did you see Blake?" tanong ko habang paikot-ikot ang mata ko, naghahanap sa lalaking halos 15 minutes na nawala.

"Diba nag-CR? Di pa ba bumabalik?" casual na tanong ni David habang busy sa pagtetext.

"Eh hahanapin ko pa ba siya kung andiyan na siya?" sagot ko nang may kaunting inis.

Ewan ko ba. May topak silang lahat ngayon. Parang lahat sila cold. Walang imik. Lalo na si Blake. Pagdating niya kagabi—well, madaling araw na pala 'yun—lasing silang lahat. Wala man lang bati. Sa dorm tulog silang lahat, so sa sofa ako napilitang matulog. Ako pa ba dapat mag-adjust? Sakop na nila ang buong kwarto! At hello? Hindi ko sila pupunasan. Akala pa nila may balak akong masama.

"David, hahanapin ko lang si Blake ah," paalam ko.

Tumango lang siya. Typical. Di man lang ako tinanong kung bakit, kung okay lang ba ako, kung may kailangan ba ako. Lahat sila ngayon parang strangers. Nakakabaliw.

Kailangan ko siyang kausapin. May sasabihin ako. Di ko pa sure kung sasabihin ko nga, pero bahala na. Gusto ko lang malaman kung may pag-asa pa kami, or kung ako lang ba talaga ang nakakaramdam ng ganito.

Pagbaba ko sa may hallway ng dorm, tahimik ang paligid. Ilang hakbang pa lang, may narinig na akong ungol.

"Ughh... Blake..."

Tumigil ako. Napakunot ang noo ko.

Wait lang.

Narinig ko ba nang tama 'yon?

Imposible. Hindi. Si Blake? With someone?

Sumilip ako nang dahan-dahan. Ang hirap dahil wala akong clear na view. Napansin ko ang isang malaking trash bin malapit sa ilalim ng hagdan. Nagkubli ako doon, kahit ang dumi, kahit ang baho. Kailangan kong makita kung totoo nga ba ang hinala ko.

Sumilip ako ulit.

At sa pagdungaw ko...

Parang biglang gumuho ang mundo ko.

Tumulo ang luha ko kahit pigil na pigil ko 'tong mangyari.

Nakita ko silang dalawa. Si Blake, ang taong iniiyakan ko gabi-gabi, at ang babaeng wala akong ibang naramdaman kundi pangamba at selos mula pa noon...

"Felicity..."

"I love you, Blake Sperbund. Please don't leave me again," bulong niya habang yakap-yakap si Blake. Halos hubo't hubad silang dalawa.

"I love you too, Felicity... I won't leave you, baby," sagot naman ni Blake habang hinahaplos ang buhok nito. Naka-angkla pa ang mga hita ni Felicity sa bewang niya.

"UGHH!" napalakas ang ungol ni Felicity.

At ako?

Parang binagsakan ako ng langit at lupa.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong manuntok. Gusto kong sugurin sila at sabunutan si Felicity. Pero wala. Nanigas lang ako. Nanghihina ako. Lahat ng lakas ko, parang tinanggal ng eksenang 'yon.

Akala ko ako lang.
Akala ko mahal mo ako, Blake.
Paano mo nagawang pagtaksilan ako sa paraang ganito?

Napatakbo na lang ako. Hindi ko alam kung saan. Basta gusto kong makalayo. Gusto kong makawala. I want to escape this fucking school. This fucking reality.

I hate you, Blake. I hate every part of you.

Nagmamadali akong bumalik sa room ko, kinuha ang bag ko at phone. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinetype ang number ni Daddy.

"Hello, Daddy?"
"Where are you, baby girl?"
"In our house..."
"I want to meet you. Can I go to your place?"
"Of course. What's wrong? Is something bothering you?"
"I will tell you when I get there."

At agad ko siyang binabaan.

Narration – Few Minutes Later

Nasa loob na ako ng taxi, hawak ang phone, pinipilit kumalma. Hindi pa rin humihinto ang luha ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ungol ni Felicity, ang tinig ni Blake habang sinasabi ang "I love you."

I thought we were real.

I thought I mattered.

Pero ako pala yung side story. Ako pala 'yung panakip-butas habang hinihintay niyang bumalik ang babaeng mas mahal niya.

Pero hindi ako papayag. Hindi ako aalis na ako lang ang luhaan.

If they think I'm weak, then they don't know who I really am.

At Daddy's Place

Pagdating ko sa bahay nila Daddy, agad niya akong sinalubong. Agad niya akong niyakap. Ramdam niya na may mabigat akong dinadala. Hindi pa man ako nagsasalita, niyakap na niya ako nang mahigpit.

"Anak... tell me what happened."

Doon na ako tuluyang napaiyak.

"Daddy... Blake cheated on me. Sa ilalim ng hagdan... with Felicity... I saw them... they were... they were doing it."

Nagbago ang mukha ni Daddy. Kaninang worried father, ngayon ay parang Mafia King na galit na galit. Napamura siya sa galit.

"That son of a—!"

"Daddy... I want revenge."

Nagulat siya sa sinabi ko. Pero ramdam niya ang bigat ng loob ko.

"Tell me what you want to do."

Huminga ako nang malalim.

"I want to destroy Blake. I want him to feel the pain I'm feeling now. And I want Felicity to know that she will never win."

Tahimik lang si Daddy. Matagal. Parang pinag-iisipan niya kung tama bang pasukin ko 'to. Pero siguro nakita niya kung gaano ako nasaktan. Naramdaman niya ang apoy sa loob ko.

"Fine. I'll help you. But I want you to promise me one thing."

"Ano po 'yon, Dad?"

"Don't lose yourself in the process. You can hurt them, baby. You can ruin them if you want. But don't let your heart turn to stone."

Tumango ako.

At doon ko naramdaman ang desisyong hindi ko na mababawi.

The sweet Winx is gone.

The broken one is about to rise.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now