Winx
Wait lang... rewind natin saglit.
They know? Na sa school nila ako mag-aaral? Bakit parang ako yung huling nakaalam sa balita?
Napatingin ako kay Blake, pero bigla siyang ngumiti sa akin na parang walang mali sa ginawa niya.
"Blake," bulong ko habang sinisiko siya nang mahina, "anong ibig sabihin nito?"
"I was just... preparing them para hindi ka nila bastusin. You know, protect ka agad," sagot niya habang pabulong din.
"Protect agad o possess agad?" inis na sabi ko sa kanya.
"Both?" sagot niya sabay ngisi.
Hay nako, 'tong lalaking 'to talaga. Ang gulo niya, pero bakit parang gusto ko pa rin?
"Winx, wag ka mag-alala. We were just shocked kasi hindi pa namin siya nakikitang ganyan sa kahit sinong babae," sabat ni Kid habang may hawak na cold compress.
"Yeah, and he never let anyone touch his wounds, kahit kami," dagdag pa ni Ronnie.
"Pero ikaw? Hay nako, baka nga nagpapasugat yan para lang maalagaan mo," biro pa ni Ronnie sabay tawa ng malakas.
Napatingin ulit ako kay Blake. Tapos siya naman, ngumiti lang, at nagsalita ng seryoso.
"I'm not joking about her. She's real to me. Hindi lang to fling or landian sa chat. She's been my peace. My person. So from now on, I'll let her in—not just in my world, pero sa lahat ng parte ng buhay ko."
Natigilan ang lahat. As in tahimik, walang umimik. At ako? Feeling ko lalagnatin ako sa sobrang kilig at kaba.
"Okay lang ba yun sa'yo?" bulong ni Blake habang nakatitig sa akin.
Tumango ako, slowly. Kasi kahit ang ingay ng paligid, parang kami lang yung tao sa kwarto na 'yon.
Maya-maya ay lumapit si Yuri, yung lalaki na mukhang laging seryoso at may malalim na iniisip.
"So... you're the girl. You better be strong. Kung sasama ka sa mundo ni Blake, hindi ito palaging kilig. There are fights, enemies, and secrets na pwedeng ikasira ng puso mo."
Napalunok ako.
"Bakit, may threat ba ako sayo?" sagot ko ng diretsahan.
Ngumiti si Yuri—parang impressed.
"None from me. Pero marami sa paligid. Just... be careful, Winx. You don't know what you just walked into."
"Then I'll fight for him, too," sagot ko. "If he's worth it, I'm staying."
Biglang tumayo si Blake. "Tama na. She doesn't need to hear this now. Let her rest."
He guided me papunta sa isang room sa loob ng hideout. Malinis, may kama, at may mga posters sa dingding. May scent pa ng peppermint at wood—parang siya.
"Dito ka muna. I'll sleep sa couch sa labas," sabi niya.
"Dito ka nalang. Para magamot ko 'yang sugat mo," sagot ko agad.
Nagkatinginan kami.
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumango ako.
"Pero bawal ang malisyosong utak, Blake," banta ko sabay taas ng kilay.
"Me? Malisyoso? Never," sagot niya sabay ngiti na may halong kapilyuhan.
Umupo siya sa kama habang nilalabas ko ang first aid kit. Tahimik lang kami. Tinitignan ko ang sugat niya sa gilid ng labi, at habang nililinis ko ito, ramdam ko ang titig niya.
"Alam mo, sa lahat ng pinagdaanan ko, sa lahat ng away, ikaw lang ang hindi ko kayang labanan," bulong niya.
Napatingin ako sa kanya. Muntik ko nang mahulog yung cotton sa nerbyos.
"Blake..."
"Hindi ko alam kung saan 'to papunta. Pero sa dami ng secrets ko, ikaw lang yung gusto kong hindi mawala."
I felt my heart beat louder than ever.
"Then don't give me a reason to leave," sagot ko.
"Never," bulong niya habang hinawakan ang kamay ko.
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
