Chapter 13

2.3K 93 1
                                        

"Anong gusto mong orderin, Winx?" tanong ni CK habang nakaabang sa pila ng cafeteria.

Napatingin ako sa menu board. Medyo nagugutom na rin ako pero ang daming pagpipilian kaya kailangan ko pang mag-isip.

"Samahan na kita, bro. Tayong dalawa na lang ang bumili," sabat ni David habang kinakamot ang batok. Tumango naman si CK.

Ako? Still staring at the board. Ano ba kasi ang gusto kong kainin?

"Ahm, baby, what do you want to eat para makakain na tayo?" sabay hawak ni Blake sa kamay ko, para bang gustong madaliin ang desisyon ko.

"Spill it, Winx. I'm so hungry! Tsaka treat naman 'to ni Blake, right?" singit ni Ronnie na ngayon ay nakangisi na parang asong gutom.

Tumingin si Ronnie kay Blake, at si Blake naman ay tumango na lang nang may ngiti. Ako? Napatitig sa kanila nang masama.

"Wait! Nag-iisip pa ako!" sagot ko sabay irap. Grabe naman 'tong mga 'to, PG much?

Pansin ko, sabay-sabay silang napatingin sa akin, parang inaabangan ang final decision ng isang Queen. Even si Blake, seryoso ang tingin. Gutom na talaga 'to.

"Ok. I want to eat 2 lasagna, 1 box of solo pizza, carbonara with extra mushroom, cake for dessert, pineapple juice, and also water." Sabay-sabay silang napatingin sa akin.

Tahimik. As in dead silence.

"Really? Ikaw lang ang kakain nung mga 'yun?" tanong ni CK na parang hindi makapaniwala.

"Yes," sagot ko sabay pout na parang bata.

"Enough, CK and David. Order now. Just don't mind Winx," natatawang sabi ni Blake. "I think may kalaban na si Ronnie... Food Monster."

Biglang nagtawanan ang mga Little Mokongs. Pati si Ronnie, napailing na lang habang nagtatawanan silang lahat.

Napatingin ako kay Blake nang masama at hinampas ko siya sa braso.

"Ang bastos mo. Hindi nakakatuwa."

"Mas cute ka kapag galit," bulong niya.

Pagkatapos ng kakainang 'to, napuno ang table ng ingay, tawanan, at kung anu-anong kwento. Pero sa likod ng tawanan ay ang usapan namin tungkol sa training ko bukas. Magsisimula na raw ako sa Mixed Martial Arts training.

Akala ko boxing lang. Magpo-protesta na sana ako pero—syempre hindi na natuloy.

"Bukas, baby. Start na tayo. Konting basics muna, then sasamahan kita ng ilang sparring with the team. Promise di ka naman nila sasaktan," sabi ni Blake kanina habang ngumunguya ng fries.

"Ha? Bakit ako? Marami naman kayong kayang turuan diyan." Protesta ko pero, as usual, pinutol na naman niya ako.

"Hindi ka nila gagalawin. You're my girl. They know that," sagot niya nang seryoso, tapos biglang ngumiti.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na may alam na ako sa pakikipaglaban. Anak ako ng Mafia, remember? Tinuruan na ako dati pa ng self-defense, ng tamang diskarte sa mga real fights. Hindi ko lang talaga sinasabi sa kanya. Hindi naman porket "boyfriend ko siya sa Internet" eh isisiwalat ko na ang buong buhay ko sa kanya. Hindi pa kami ganun ka-close. Siya nga madalas ang nagkukwento ng mga gangster stuff niya, ako naman puro mga kaartehan, mga bagay na relatable sa girls.

At in case nagtataka kayo kung bakit PE lang ang class today?

Friday ngayon. Monday to Thursday academic days. Pag Friday, buong araw ay PE class. Kaya ayun, kaya whole day puro sports at laro ang ganap.

Pagkauwi namin sa dorm ni Blake, parehas kaming tahimik.

Ako? Nag-aayos ng gamit. Siya? Nasa couch, nakatingin sa phone pero paminsan-minsan sumusulyap sakin.

Hindi ko siya pinapansin.

Kanina pa kasi. Lahat ng gusto kong sabihin, pinipigilan niya. Paulit-ulit. Nakakainis.

Pagkatapos kong magpalit at maghugas ng mukha, diretsong higa ako sa kama. Siya? Sinundan ako.

Tahimik pa rin. Pero maya-maya lang...

Niyakap niya ako.

Bigla.

"I know you're still upset at me. I'm so sorry, baby. Kung ayaw mong turuan kita ng Martial Arts, pwede ka naman tumanggi. I'm always here to protect you," bulong niya habang nakayakap pa rin.

Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Nakikiliti ako pero pinipigilan kong matawa.

"Eh nakakainis ka kasi. I'm just telling my side pero lagi mo akong pinuputol magsalita," sagot ko sabay pout.

Humarap ako sa kanya. Hindi ko siya niyakap pabalik pero hindi ko rin siya tinulak.

"Sorry. I'm just overreacting. Kaya please, forgive me. Promise, tomorrow ikaw ang masusunod after ng training mo," sabi niya habang hawak ang kamay ko.

"Fine. I forgive you," sagot ko na may halong inis pero may ngiti na din.

At bago pa ako makapagsalita ulit...

Bigla niya akong hinalikan.

Hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Lumapit siya, marahan, parang tinatantsa kung papayag ako.

At hindi ko siya itinulak.

Ang lambot ng labi niya. Mainit. Marahan lang. Walang pilit. Para bang gusto lang niyang iparamdam na sincere siya. Na totoo ang sorry niya. At higit sa lahat... na mahal niya ako.

Lumayo siya nang kaunti at tumitig sa mata ko. Halos magdikit ang mga ilong namin.

"Winx... I really like you. Not because you're strong. Not because you're an Agostin. But because you're you."

Napapikit ako.

"Bukas, mag-uumpisa na tayo. But tonight, just be with me. As Winx. As my girl," dagdag niya.

Napahinga ako nang malalim at niyakap ko na siya pabalik.

"Fine. Pero bukas, ako masusunod."

"At your command, princess," bulong niya bago niya ulit ako hinalikan, this time sa noo.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now