Chapter 35

1.5K 70 0
                                        

WINX'S POV

"Wala na po akong masabi," biglang seryosong sabi ni Hans habang nakatingin sakin, hawak ang mic. "Basta I really love this girl beside me. She's my everything."

Gosh. Gosh. Gosh.

Namumula na ata ako, promise. Literal na parang bumalik ang init sa katawan ko, nawala yung lamig ng aircon. Pati yata mga tenga ko namula na rin. Waaa!

At dahil ayokong matunaw sa kinatatayuan ko, inagaw ko agad yung mic sa kanya.

"Hello everyone." ngiti ako habang ang puso ko ay parang nagkaka-roller coaster ride. "This man beside me is my best friend. Hindi namin alam na magiging fiancé na pala kami—plot twist! But I thank my dad and Tito Paul for this engagement party."

Tumawa ang audience. But I looked at Hans, and this time... I meant every word.

"Hans, sweetie. I love you. Thank you for always being there for me. Hindi ko man masabi sayo kung gaano kita kamahal, pero ipaparamdam ko yun. I promise, I'll be a good wife. I love you, sweetie."

And just like in the movies...

Bigla niya akong hinatak, sabay halik.

Literal. Sa labi.

Mga sampung segundo kaming parang nasa sariling mundo. Hindi ako makagalaw, pero ang dami kong naririnig na "Kilig!" "Ayieee!" "Sana all!" sa paligid.

Pag-angat niya ng mukha niya, I was still stunned. Pero ngumiti siya, saka hinawakan ang kamay ko ulit.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang direksyon nila Blake. Si Blake na sunod-sunod ang tungga sa alak, habang inaawat ng mga barkada niya.

Habang pababa kami ni Hans sa stage, nakita kong tumayo silang lahat. Nagmamadaling lumabas. Para silang hindi mapakali. What's the rush?

Pero bago pa ako makapag-isip ng malalim, biglang lumapit si Ate Estelle sa akin.

"Wendy, follow Blake outside. Ako na muna bahala dito."

Nagulat ako. Pero tumango lang ako.

Why am I nervous? Ako nga 'tong may pakana nito, diba?

Pagkalabas ko ng hall, natigilan ako sa nakita ko.

Si Blake—nagwawala. Kinakalma siya ng mga kaibigan niya pero hindi siya magpaawat.

"Blake!" tawag ko.

Lahat sila, napalingon.

"Winx, I love you! Totoo ba 'yung kanina? Ha? Please answer me!" Takbo siya palapit sakin. Pati si Felicity? Lumalapit din? Ugh! This girl!

"Stop it, Blake! Cut the crap!"

"What are you talking about?"

"Blake, I don't love you anymore."

"W-What? Why?!" sigaw niya.

"WINX, DON'T LEAVE ME! I'M BEGGING YOU! I LOVE YOU! PLEASE! WAG MO KONG IWAN!"

Lahat ng bisita na nasa labas, napatigil. Parang may eksenang tumakbo palabas ng teleserye.

Pero hindi na ako makatiis.

"Blake... bullshit. Bullshit lahat ng 'to. All this time, ang tanga ko. Alam mo kung bakit?"

Nanlaki ang mata niya. Pati si Felicity, natigilan.

"Blake, I was quiet, but I'm not blind. Bago ako pumayag sa arranged marriage na 'to, may dahilan. Blake, I saw you... with Felicity. Making lust. Under the stairs."

Bagsak ang panga ni Blake.

Tumili ang isa sa mga bisita.

"Nagulat ka? Oo, Blake. Alam ko na lahat. I admit, I loved you. Pero sa isang iglap... nawala 'yon. Blake, alam mo ba kung gaano kasakit 'yong makita 'yong taong mahal mo, na may kasamang iba?"

Tiningnan ko si Felicity, sabay turo sa kanya.

"Hindi lang isang beses ko kayo nahuli, Blake. Nung naghalikan kayo sa library. Nung sumunod siya sa CR. Lahat ng 'yon... nakita ko. Kaya wag mo akong sisihin kung bakit wala ka na sa puso ko ngayon."

Ramdam ko na tumutulo na ang luha ko.

"Winx... alam mo ba kung gaano kasakit magmukhang tanga at paasahin? Yes, I cheated on you. And I felt sorry for that."

"F*ck that sorry, Blake."

Pak!

Sampal.

Diretso sa pisngi niya.

Nagulat ang lahat. Si Felicity? Hindi pa nakakatikim—yet.

Kaya nilapitan ko rin siya.

Pak!

"Pareho kayong walang kwenta. At pareho kayong dapat lumayo sa'kin."

"I'm warning you, Blake. At ikaw rin, bitch—" sabay turo kay Felicity, "may basbas na kayo para magsama at maging miserable. Pero wag na wag kayong magpapakita ulit sa'kin. Don't mess with me. Don't mess with an Archgod. You don't know the consequences."

Tinalikuran ko silang lahat at tumakbo papunta sa kotse.

Tears were falling, not just because I was angry—but because I was done.

Really, Blake? Sorry lang? Walang explanation? Walang pagsisisi na totoo?

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Ugh! Fck this love.*

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now