Chapter 50

1.3K 56 0
                                        

WINX's POV

Hindi totoo 'to.

Paulit-ulit lang ang sinasabi ni Arthur sa isip ko habang unti-unti akong nawawalan ng lakas.

"Anak ka sa pagkakasala."
"Si Gwen ang totoo mong ina."
"Zeus is the founder of the Mafia Academy."

No. Hindi totoo to.
Hindi totoo 'to!
Ako ang anak ni Michelle. Si Michelle ang nanay ko. Hindi si Gwen.

"BA'T ANG GULO?! AYOKO NA! DADDY... HELP ME!" halos pasigaw kong bulong habang nakalugmok ako sa semento ng lumang gusaling 'to.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Naluluha ako.

"Baby... for you, tatagan ni mommy ang loob. Makakaligtas din tayo. I know, someday... magbabayad lahat ng may sala."

ZEUS's POV

"Uncle, I know the whole truth," sabi ni Blake habang galit siyang pumasok sa room. Kasalukuyan kaming nagpa-plano nina Hans at Estelle ng rescue operation.

Nagkatinginan kaming lahat.

"What is it, Blake?"
"Anong nalaman mo?" tanong agad nina Hans at Estelle.

"Antimony Fez is the daughter of Arthur James. Siya yung friend ni Winx na sinasabi n'yong kinidnap din."

Halos huminto ang tibok ng puso ko. Si Ants? Anak ni Arthur?

"But how?" tanong ni Hans, nanginginig ang boses. "Paano nangyari 'yun?"

"As we researched her identity, nalaman ng gang na anak siya ni Arthur. And based on our hypothesis, matagal na nilang pinlano 'to. Simula pa lang. Sa ngayon, we're trying to trace her exact location. Posibleng ginamit lang niya si Winx."

Tumahimik ang lahat.

Napakuyom ang kamao ni Estelle. "Kaya pala nung unang makita ko si Ants, I felt uneasy. Siguro siya talaga ang may pakana kung bakit nahulog si Wendy sa hagdan dati. At nung malaman niyang buntis si Wendy... planado na lahat. Yung kunyari pupunta sila sa mall, pero ang totoo — kinidnap si Wendy, at kunwari lang siyang biktima."

Magsasalita na sana ako, pero naunahan ako ni Blake.

"WHAT DID YOU SAY? BUNTIS SI WINX?!"

Lahat kami napatingin sa kanya. Tahimik. Walang gustong umamin. Pero huli na ang lahat. Umiiyak na siya.

"Uncle, you knew?! And you didn't even try to tell me? Kung 'di pa nadulas tong lalaki na 'to," sabay turo kay Hans, "Hindi ko pa malalaman. Sorry, uncle, pero once na maligtas ko na si Winx sa kaguluhang 'to... I promise, sakin siya babagsak. Hindi ko hahayaan na lumaki ang anak ko na walang ama."

Nagpahid siya ng luha. "I may be a bastard before, but this time... itatama ko na lahat ng pagkakamali ko."

Nagkatitigan kami bago siya lumabas ng kwarto.

ESTELLE's POV

"Anong gagawin natin, Daddy?" tanong ko habang pinipigil ang luha. "Alam na ni Blake ang lahat."

"Uncle, sorry. Di ko sinasadya masabi 'yun," bulong ni Hans.

"It's okay," mahinahong sagot ni Daddy Zeus. "Wag na muna natin intindihin 'yan. Si Wendy ang unahin natin. Siya ang magdedesisyon kung sino ang pipiliin niya. Sa ngayon... ang importante, buhay pa siya at may natitirang oras pa tayo."

Huminga siya nang malalim.

"Dahil alam na ni Blake ang buong katotohanan... mas lalong magpupursige 'yon na iligtas si Wendy. Time is short. Thirteen days na lang. At kilala ko si Arthur. Asawa nga niya... nagawa niyang patayin. Ano pa kaya ang bunga ng pagkakasala namin?"

FLASHBACK – ZEUS's SECRET

(10 years ago)

"Zeus, please. Hindi natin pwedeng ituloy 'to."
"Michelle, I love you. Pero hindi ko kontrolado ang puso ko... si Gwen..."
"SI GWEN?! Yung asawa ng best friend mo?!" sigaw ni Michelle.

Tumulo ang luha ni Zeus habang tinatakpan ang mukha.
"Kasalanan ko. Lahat. At kung sakaling may bunga 'to... itatago ko. Para wala nang masirang pamilya."

At sa gabing 'yon... tuluyan nang naglaho si Gwen. Isang aksidente raw. Pero si Zeus lang ang nakakaalam ng buong katotohanan — hindi ito aksidente.

BACK TO PRESENT

"Bahala na..." bulong ni Zeus. "Pero pagkatapos ng lahat ng 'to... aaminin ko na sa anak ko ang totoo. At ang lihim na tinatago ng Academy kung bakit hindi ko ito maiwan..."

MEANWHILE – WINX'S LOCATION

WINX's POV

"Pagkatapos mong malaman ang lahat... gusto mo pa rin silang ipagtanggol?" tanong ni Arthur habang inaabot sa'kin ang lumang picture nina Zeus at Gwen.

Napahawak ako sa dibdib ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam ang totoo."

"Gusto mo ng patunay?" sabay kuha niya ng remote. "Watch this."

Biglang nagplay ang isang surveillance footage mula sa loob ng isang kwarto... may tinatago si Gwen — isang itim na box.

"Yan ang 'Chavez Blood Box' — at yan ang ebidensya na ikaw nga ang anak niya."

Napasinghap ako. "Hindi..."

At bago ako makapagsalita, biglang may sumabog sa labas. Nagtilian ang mga bantay.

BOOM.

May sumisigaw. "INTRUDERS!"

Napatayo si Arthur. "Impossible! Walang makakaalam ng lokasyon na 'to!"

At doon ko na-realize... dumating na sila.

"Zeus is here."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now