Winx
Friday Feels and Burnt Bacon Bonds
(a.k.a. P.E., Pasaring, at Pa-fall si Mokong)
Friday na, finally. Pero wala pa ring peace of mind. Bakit? Kasi kahit hindi ako pumasok ng buong linggo, hindi pa rin ako mentally ready. P.E. day pa. Ang tadhana nga naman, oh. At para mas masaya, si Blake na naman ang kasama ko. At si David. At yung buong Bloo—ay este, Bloody Gang.
As if hindi pa sapat yung stress ko, sinama pa talaga ako sa mga tingin ng mga estudyante rito sa school na parang gusto nila akong hipan papalayo gamit ang mga mata nila. Pero sabi ko nga, wala akong pake. Kasi kahit anong pa-eyeroll ni ate girl sa gilid, ako pa rin ang Queen ni Mokong. Kahit minsan gusto ko na rin siyang ibenta online.
"Hey baby, are you ready?" tanong ni Blake habang papasok kami sa building.
"Ready saan? Magpapakopya ka na naman ng activity sheet?" sabay irap ko sa kaniya.
"Grabe naman 'to. Akala mo naman sino magaling," sabay smirk niya habang inaakbayan ako.
Di ko na lang pinansin. Pero in fairness, ang hot niya sa PE uniform niya. 'Yung tipong gusto mo siyang buhusan ng tubig... na malamig... para tumigil sa pang-aasar. Char.
Pagdating namin sa room, all eyes were on us. Yung iba, masama pa ang tingin. Yung iba deadma lang. Yung mga nerds, busy pa rin sa notes nila. Pero si Ronnie agad ang bumati.
"Hey, Winx!"
"Hello," sagot ko habang ngumingiti.
Kahit paano, masaya ako na nandito sila. Sa totoo lang, kahit nakakastress sila, sila rin yung nagpapagaan ng loob ko.
Flashback: Tuesday Morning
Maaga pa lang, ako na ang nagprepare ng almusal para sa buong tropa.
"Pasensya na ha, hotdog at bacon lang almusal natin ngayon," masayang sabi ko habang nilalatag ang pagkain.
Pagtingin ko sa mukha nila, parang may sunog na bangungot silang naamoy.
Si CK muntik ng umiyak, si Gerald napa-"Ay!" pero hindi nagtuloy. Tapos nagsalita na si Blake.
"L-Let's eat," sabi niya habang pinipilit ngumiti.
"But—" may sasabihin sana si CK, pero pinutol na siya ni Blake.
"No buts, Brand," seryoso niyang sabi.
At ayun, kumain naman sila. Sunog man yung bacon, pero sunog din sa kilig 'tong puso ko kasi pinagtanggol ako ni Mokong.
Back to Present: P.E. Class
Wala pa ang prof. Ang usual seating namin ay ganyan:
Second to the Last Row:
Blake - Winx - David - Kid - Ronnie
Last Row:
CK - Alden - Gerald - Boni - Paul
Ewan ko ba kung bakit ganyan, basta nagkataon lang daw at wala rin naman pake yung prof kaya kebs.
Pero ang pinaka highlight ng araw ko ngayon? Si Blake.
Napakataray. Parang may monthly visitor. Kung makapag-asar, akala mo wala akong ginawa buong linggo kundi mag-party. Hindi mo lang siya maalagaan ng tatlong araw, bigla nang naging moody king.
"Bakit ba kasi ang sungit mo?" tanong ko habang inaayos ang rubber shoes ko.
"Wala. Ikaw lang kasi iniintindi mo si David masyado," sagot niya nang hindi ako tinitingnan.
Ayun naman pala eh.
"Excuse me, kung hindi ka kasi tulog buong araw kahapon habang nililibot ako ni David sa school baka di ko na siya kailangan as tour guide," balik kong sagot.
Napatingin siya bigla. "Hindi mo ko kailangan?"
Oh shoot. I messed up.
"I mean... not like that. I just needed someone to show me around. Don't be dramatic."
Tahimik. Si David, todo ngiti lang sa tabi ko.
"Alam mo Winx, kung ayaw mo sakin, sabihin mo. Hindi 'yung puro 'baby' tayo sa chat tapos pag in person parang 'block ka na' kausap kita," sabi ni Blake, at literal na tumayo at lumipat ng upuan.
Napatingin sakin si Kid at Ronnie. Si David naman biglang nag-alok ng chichirya.
"Gusto mo?" tanong niya.
"Hindi nakakaginhawa yang Chippy sa stress ko, David."
At ayun na nga. Winx, you're in trouble.
Break Time: Locker Area
Habang naglalakad ako papunta sa locker ko, may biglang humarang na babae.
"Winx, right?" sabi niya habang todo titig sakin.
"Yes?"
"Just letting you know, Blake used to hang out with me here. I was his first."
HA? Wait, anong klaseng telenovela 'to?
"Congrats. I'm his last," sagot ko habang ngumingiti.
Umalis siya na parang nanigas. At ako? Nagwalk out with confidence.
Pero sa loob loob ko, ayoko lang ipahalata... pero parang sumakit puso ko don ah.
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
