Blake
"Yes," sagot ko habang nakatingin sa kanilang lahat. "Agostin siya."
"At hindi mo man lang sinabi samin?" seryosong tanong ni CK habang nakapamewang.
"Baka kasi pag nalaman niyo agad, magbago ang tingin niyo sa kanya," sagot ko. "She's not just an Agostin. She's Winx. At kung may problema kayo, then deal with me."
Tahimik. Lahat sila parang nagpoproseso pa.
"Wait lang," sabat ni Alden, "So you're telling us na hindi lang siya girlfriend mo, hindi lang siya Queen mo, kundi... kabilang din siya sa pinaka-makapangyarihang angkan ng mga underground clans sa bansa?"
"Yup," sagot ni Kid habang nakanganga pa rin, "Ang babaeng binansagan dati bilang 'The Ghost Princess' dahil sa pagkawala niya after the Agostin Massacre."
Napatingin ako kay Winx. Nakakunot na ang noo niya.
"Wait, anong massacre? Anong Ghost Princess? At bakit parang mas alam niyo pa ang background ko keysa sakin?" seryosong tanong niya habang dumidilim ang paningin.
Tumingin ako kay Yuri. Alam kong may tinatago siya.
"Winx," sabi niya, "Hindi mo ba talaga alam?"
"Ang alam ko lang... Agostin ang apelyido ko. At ang tanging alam ko sa pamilya ko ay ang tita kong si Yula na lumaki akong kasama. Sinabi niya sakin na nawala daw kami sa pamilya noon para ilayo sa gulo."
"Yula Agostin?" halos sabay-sabay nilang tanong.
"Yung Black Dahlia?" dagdag ni CK.
"Guys, enough," singit ko habang hinawakan ko ang kamay ni Winx. Ramdam ko ang pagkalito at takot sa mga mata niya.
"Blake, anong nangyayari?" tanong niya sa akin, halos pabulong.
"Baby, may mga bagay na kailangan mong malaman. At hindi ito basta-basta lang. Pero hindi ko hinintay na makilala kita para gamitin ang past mo. Minahal kita sa simpleng Wendy. Sa babaeng lagi kong ka-chat, naglalambing, at nagpapatawa sakin sa mga random memes niya. I didn't fall for the Agostin blood. I fell for you."
Tahimik ulit ang buong hideout. Kahit ang aircon, parang huminto.
Winx
Pakiramdam ko... niloloko ako ng tadhana.
Pamilya ko? May history?
Ako? Ghost Princess?
Ano 'to, mafia movie?
Pero kahit gulong-gulo ako, hindi ko maalis ang titig ko kay Blake. Kasi sa lahat ng tanong sa utak ko, isang bagay lang ang sigurado:
Siya lang ang dahilan kung bakit hindi ako lumalakad paalis.
"Pwede bang... umupo muna ako?" mahina kong sabi.
Tumango si Blake at inalalayan ako paupo.
Napansin ko rin, kahit may tensyon, walang ni isa sa kanila ang may galit sakin. Mas parang respeto, paghanga, at pagkagulat lang.
"Winx," sabi ni Kid habang naupo sa harap ko, "Hindi kami kaaway. At kahit na ArchGod ka pa, isa ka na rin sa amin. Kaya kung sakaling piliin mong alamin ang totoo tungkol sa nakaraan mo... susuportahan ka namin. Lalo na si Blake."
Napatingin ako kay Blake. Hawak pa rin niya ang kamay ko, pero mas mahigpit na ngayon.
"Kung ayaw mo munang malaman, I'll protect your peace. Pero kung gusto mo, kasama mo ako sa bawat hakbang. No secrets. Promise."
I closed my eyes and took a deep breath.
"Okay. I want to know everything. Pero hindi ngayon. Gusto ko muna... makilala kayong lahat. Hindi bilang mga taong may nakaraan, kundi bilang mga taong tinuturing akong kaibigan."
Ngumiti si Ronnie. "That's fair."
Boni raised his hand. "Game. Pero may tanong ako, legit to ah... taken na ba talaga si Winx?"
"Oo," sagot ni Blake sabay akbay ulit sakin.
"Taken, possessed, booked, and unbothered. Period," dagdag pa niya.
Napatawa ako kahit stress na stress na utak ko.
YOU ARE READING
H.M. Academy
Ficción GeneralHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
