Chapter 10

2.3K 98 0
                                        

Pagkapasok ng prof namin, alam ko na agad kung anong mangyayari: introduce yourself. Of course, ako lang mag-iintroduce dahil ako lang ang bago at late na pumasok. Nakatingin ang buong klase, at sa likod ko, naririnig ko pa ang mga mokong tumatawa.

Mga walang awa. Buti na lang maganda ako.

"Hi, my name is Wendy Inn Natalie Xyver Agostin. You can call me WINX," sabi ko nang diretso at may confidence. Kasi kung magpapakain ako sa kaba, baka baligtad pa ang pangalan ko masabi ko. Pagtingin ko sa paligid, iisa lang ang reaksyon ng buong klase: gulat.

"You're one of the Agostins?" tanong ni Sir habang nakatitig.

"Yes." Sagot ko agad. Ano bang problema kung Agostin ako? Pamilyido ko 'yan hindi kasalanan.

"Okay, you may now take a seat." sabi ni Sir.

Umupo ako sa tabi ni Blake pero napansin kong hindi pa rin niya ako kinakausap. Aba, galit pa rin? Nakakainis na nakakakonsensya.

Nag-start na mag-discuss si Sir pero sandali lang, kasi PE nga.

Sir: "Ang PE natin ngayon ay volleyball and archery. Class, follow me to the gymnasium."

Agad naman kaming sumunod. Habang naglalakad, nararamdaman kong may mga mata na naman nakatingin sa akin. Sanay na ko. Parang public property na tong mukha ko sa dami ng nakatitig.

@ Gymnasium
Pinag-group kami by twos. Boys vs boys, girls vs girls muna sa volleyball, then individual competition sa archery. Hindi naglaro ang mokong gang sa volleyball.

"Pangbakla daw," sabi ni CK sabay tawa ni Boni at Paul.
"Dun nalang kami sa archery, may thrill," dagdag pa ni Alden.

Okay, fine. Bahala kayo sa buhay niyo.

First game: Boys.
Siyempre, tambay lang ako sa gilid. Puro sigawan, puro patawan, tapos may pahirit pa si David habang lumalaban. "Kung makapalo sila parang may pinaghuhugutan." Tawang-tawa tuloy ako.

Second game: Girls.
Here we go. Pumasok na ko sa court. Naging libero ako. Not bad, I know how to move quick.

At siyempre, sa kalaban... si Felicity.
YES, si Felicity. Yung arte queen na nasanggi ko lang sa cafeteria nung isang araw tapos nagsisigaw na parang ako pa may atraso.

At oo, parehong libero. So... magkaharap kami sa net.

Felicity: "Get ready, bitch. You'll lose this game."
Me: "I don't care."

Game start.
First set? Panalo sila.
Second set? Nagpalit ng court. Ayan na si Felicity.

Felicity: "I told you, you're gonna lose. So back off."
Me: "Back off your ass." sabay singkit ng mata ko. Kung makaporma kala mo may sariling teleserye.

Then boom. Tinira niya ng malakas. Di ako ready. Natamaan ako sa dibdib.

PAK!

Napaupo ako. Umubo ako. Literal na parang nawalan ako ng hininga.
Narinig ko ang sigaw niya:
Felicity: "SORRY!"
Pero kung narinig mo yung tono? Di siya sincere. Nakangisi pa nga eh.

Tumayo ako. Gumalaw ng konti. Nag-OK sign ako kay Sir.

Let's go, b*tch. It's war.

Next serve? Naka-receive ako. Then naka-dig. Then naka-save.
Ginaganahan na ko. Yung adrenaline ko parang kape sa umaga. Hindi lang ako bumawi. NAGPASABOG AKO.

Final score? 25–17. Panalo kami.

Nakita ko si Felicity na parang nilamon ng lupa. I smiled.
Pagdaan ko sa tabi niya, bulong ko,
"I thought I'm gonna lose? Well... who's backing off now?" sabay smirk.

Next: Archery
Nagpahinga kami saglit. Uminom ng tubig. Si Blake, nakatingin lang sakin mula sa bench. Di pa rin nagsasalita. Ewan ko ba kung proud ba siya o galit pa rin.

Time for Archery.

Nag-ayos na lahat. Nakapila na. May mga bow at arrow na. At ito na nga, nagsimula na ang mga mokong sumali.
Si Blake? Unang nag-volunteer. Competitive pa rin kahit walang emosyon sa mukha.

David: "Winx, gusto mong turuan kita? I know how to aim." sabay wink.

"Thanks, pero I think kaya ko 'to," sabi ko kahit kinakabahan ako deep inside.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now