Chapter 20

1.9K 78 0
                                        

Winx

Yung totoo, bakit ba ang hirap intindihin ng mga tao sa paligid ko?

Si Ate, dumalaw lang pero parang may dala-dalang bagyo ng emosyon. Si Blake naman, hindi ko maintindihan kung inaalagaan ba ako o sinasakal. And these Little Mokongs? Wala lang. Gusto ko lang silang tawaging Mokong.

Ngayon, eto na nga kami sa dorm, pagkatapos ng sudden storm ng pag-uusap namin ni Ate sa balcony. Ang dami kong gustong tanungin sa kanya, pero iniwan niya lang ako na parang ako pa ang may kasalanan.

Napagkwentuhan lang naman namin ni Blake. Big deal.

Okay fine. May nangyari na nga samin ni Blake. But that doesn't mean may karapatan siyang kontrolin ako.

At kung Fried lang naman ang issue niya...

"Yung last na nagluto ka kasi uhmmm Fried uahhm sunog kasi," bulong ni Blake habang yakap niya ako.

Napapikit ako.

Sunog. Yun pala ang issue. Literal na sunog.

"Baby. Hindi mo na kailangan ulitin. Alam ko na," sagot ko, nakatihaya habang nakatitig sa kisame.

"Tapos medyo may usok pa," dagdag pa niya na parang gusto pang mamatay habang kinukuwento.

"Okay lang. Di naman ako na-offend." tumalikod ako sa kanya at humarap sa pader.

"Talaga?" tanong niya sabay halik sa batok ko. "Hindi ka galit?"

"Oo. Hindi ako galit." Malamig kong sagot.

Tahimik.

Tapos naramdaman kong humigpit lalo ang yakap niya. Para siyang batang natakot maiwan.

"Sorry, baby. I just don't want anything bad to happen to you. Kahit sa ulam lang." bulong niya.

Pumikit ako ulit. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak.

"You're weird, Blake."

"I'm weird for you."

Napabuntong-hininga ako.

"Alam mo ba kung bakit ako nalulungkot ngayon?"

"Because of your sister?"

"Yes... and no." sagot ko.

"Then tell me."

"Blake... may mga moments na feeling ko ako lang ang nagmamahal satin."

Biglang natahimik siya.

Ayoko siyang tingnan. Ayoko makita kung paano siya magugulat o masasaktan o kung itatanggi niya. Pero kailangan kong ilabas 'to.

"Kapag tayong dalawa magkasama, masaya ako. Pero pagkatapos, kapag naiisip ko yung lahat ng ginagawa mo para lang protektahan ako... minsan iniisip ko, ginagawa mo lang ba 'to kasi inutusan ka ng Tito Zeus mo? O dahil mahal mo talaga ako?"

Lalo siyang tumahimik.

"Blake?"

"Baby..." Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya. "Walang utos ang makakapag-fake ng lahat ng nararamdaman ko para sayo."

"Then why does it feel like something is always held back? Para bang hindi ka buo pag andito ka sakin."

Tiningnan niya ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya pero halatang may iniisip siyang mabigat.

"Because I am holding back," sagot niya sa mababang tono.

Napaupo ako bigla sa kama.

"What?"

"There's something I haven't told you. Something I should've told you from the start." Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. "And I'm scared, baby. Because if I tell you the truth, you might hate me forever."

"Then tell me now before I start imagining worse."

Tumayo siya at humarap sa akin. Tumitig sa mga mata ko na parang sinisigurado kung kaya kong tanggapin.

"Winx... I'm not just your boyfriend. I was assigned to protect you by your dad."

Yung buong mundo ko parang tumigil ng ilang segundo.

"What?"

"From the very beginning, your dad planned for me to be near you. He wanted you protected at all cost. That's why I transferred here. That's why I was always around."

"So you're saying... everything we had, everything we shared... was planned?"

"No." Umiling siya. "That was real. Everything that happened between us — that was all me. Mahal kita, Winx. Hindi yun parte ng plano. Pero ang dahilan kung bakit ako napalapit sayo... yun ang hindi ko sinabi."

Hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko, nanlamig ang buong katawan ko. Pinilit kong ngumiti kahit masakit.

"Wow. Ang galing."

"Baby please..." Lumapit siya at lumuhod sa harap ko. "I know I lied. Pero hindi ko na kayang mawala ka. Kaya please... huwag mo 'kong layuan."

Hindi ko alam kung sasampalin ko siya o yayakapin.

Pero ang sigurado ako...

May mas malaki pa akong dapat malaman.

"Blake... does this have anything to do with Arthur James?"

Bigla siyang tumayo. Napatigil.

"How do you know that name?" tanong niya, gulat na gulat.

At doon ko napatunayan... may mas malaki pang gulo na paparating.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now