WINX'S POV
Pagkalabas ko ng CR, tahimik na. Wala na ang mga mokong. Wala na si Blake. Parang isang iglap, naglaho ang lahat ng ingay sa dorm.
Kaya dumiretso na lang ako sa kama. Nahiga. Pilit na pinipikit ang mga mata, pero hindi ako makatulog.
Sanay kasi akong may kasama sa pagtulog. Sanay akong may yumayakap sakin sa gabi. Sanay akong may Blake sa tabi ko.
Maya-maya, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ko na kailangan tingnan kung sino. Alam kong si Blake 'yon.
Kaya nagtulog-tulugan na lang ako.
"Baby?" Mahinang tawag niya. Hindi ko alam kung sadya niyang binulungan o baka ayaw niya lang akong gisingin.
"I love you. I'm so sorry sa mga malalaman mo. Always remember, I will fight for you no matter what." At saka ko naramdaman ang marahang halik niya sa noo ko.
"Wendy Inn Natalie Xyver Agostin," bulong pa niya. "Wag ka nang magpa-uto. Tama na yang 'love na love' na yan. May fiancé ka na."
Sa loob-loob ko, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko: Tama na. Panahon na para tapusin 'to.
FRIDAY NIGHT
And here I am. Sa loob ng kotse habang papunta sa dinner place namin ni Hans.
Oo, nagsinungaling ako kay Blake. At sa totoo lang, wala na akong pakialam kung malaman niya man ang totoo. Who cares?
Hindi na ko nagpasundo kay Hans. Ayokong makita sila ni Blake. Ayoko ng kahit anong chance na magtagpo pa sila. Mabuti nga at may jamming na nangyari sa mga mokong na 'yon. Tiyak, busy na naman sa mga kalokohan nila.
Sa mga nakaraang araw, sinubukan kong maging normal. Para hindi mahalata. Pero sa loob ko, parang pinapatay ko silang isa-isa. Isa-isa kong pinapatay ang pagmamahal ko, ang tiwala, ang sakit.
Because soon... I'll finally leave.
Philippines. Blake. Pain. Memories. Lahat 'yon, iiwan ko.
Pagdating ko sa restaurant, agad akong sinalubong ni Hans sa labas.
"Hi, Sweetie," bati niya.
Nagbeso kami, tapos inalalayan niya ako papasok.
Sobrang elegant ng lugar. Maraming ilaw pero sakto lang ang ambiance para maging romantic. Akala ko exclusive lang ang restaurant, pero halos punuan pala.
"Let's take our order para makapag-discuss na tayo about our wedding," sabi niya habang ngumiti.
Tumango ako. Tumawag siya ng waiter. Nag-order kami ng food.
Habang naghihintay, nagsimula na kaming mag-usap.
Masaya naman, pero bigla siyang tumingin sa akin nang seryoso.
"Sweetie, mind if I ask you something personal?"
"Sure, what is it?"
"It's about you and Blake."
Napatigil ako. Natuyo ang lalamunan ko.
"Tito told me about your situation. I understand our plan. Pero alam ko rin... may nangyari na sa inyo ni Blake."
Diretsong sabi niya. Walang galit, pero ramdam ko ang bigat.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin. Parang gusto kong mag-sorry. Parang gusto kong magtago.
Pero bago pa ako makapagsalita nang buo, pinigilan na niya ako.
"Don't worry, Inn... Tanggap kita." sabay ngiti niya.
At dumating na ang pagkain namin. Pero ni hindi ko magalaw ang steak sa harap ko.
"Uh-m Hans, I don't know where to start. But I'm sorry. I'm just... stupid."
"Common, Inn. Don't worry. Kahit fiancé mo na ako, I'm still your best buddy. I understand you, kaya wag kang mag-alala. Hindi ako galit."
Napangiti ako. 'Yun ang kailangan kong marinig. Isang taong hindi ako huhusgahan.
"Thank you, Hans. But... one last favor."
Tumingin siya sa akin.
"Don't call me Inn." May diin ang tono ko.
Napatawa siya. "Edi Sweetheart na lang," sabay tawa.
At pareho kaming natawa. Tuloy-tuloy na rin kaming kumain.
Pero habang kumakain kami, napansin kong dumadami na ang mga tao sa paligid. Maraming kumakain. Maraming nakaporma. Parang may malaking event.
"Ang dami pala dito. Akala ko exclusive lang?" tanong ko.
"Well, today is special. May wine tasting party sa kabilang hall. Baka kaya medyo crowded."
Tumango lang ako. Pero may kakaiba akong pakiramdam. Yung tipong... parang may masama na namumuong hangin. Hindi ko maipaliwanag.
Maya-maya, lumapit ang isang staff kay Hans. May inabot na maliit na sulat.
Binuksan ni Hans. Nang matapos niyang basahin, tiningnan niya ako — biglang seryoso.
"Sweetheart... we need to go. Now."
"Huh? Bakit?"
"I think... ARMAERA just found out where you are."
MEANWHILE... OUTSIDE THE RESTAURANT
Sa isang SUV na naka-park across the street, may lalaking may suot na dark leather jacket, naka-silencer ang hawak na baril.
"Confirm visual on Wendy. Moving in two minutes." sabi niya sa comms.
Kasabay nun, may tatlong lalaking naka-motor ang huminto sa tapat ng restaurant.
Sa loob, hindi pa rin alam ni Winx na isang pagsabog ang malapit nang sumira sa lahat ng plano nila.
And somewhere in a van... isang pamilyar na lalaki ang nakamasid sa monitor.
ARTHUR.
"Let's see kung talaga ngang napalitan na ako. This time, I'll take everything."
YOU ARE READING
H.M. Academy
Ficción GeneralHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
