Chapter 31

1.5K 76 1
                                        

WINX'S POV

Habang kumakain kami ni Hans, ramdam ko pa rin yung kilig at kabog sa dibdib. Pero hindi na dahil kay Hans. Hindi dahil sa wedding plans namin. Hindi dahil sa magandang lugar o sa paborito kong pagkain.

May kakaibang presensya. Parang... may bumalot na malamig na hangin sa likod ko.

And then it happened. May pumasok na couple. Hindi sila ordinaryong guests. Yung lakad pa lang ng lalaki, pamilyar na. Yung tindig. Yung itsura ng likod. Yung buhok.

Siya.

"Inn, are you okay?" tanong ni Hans, habang napapansin ang unti-unti kong pagbabago ng mood.

"Wala... parang kilala ko lang yung isang guest na pumasok. Pero baka nagkamali lang ako. Kumain na nga tayo, hahaha." pilit kong tawa.

Pero kitang-kita ko sa mga mata ni Hans — hindi siya convinced.

Bigla siyang ngumiti, pero mas seryoso. At nagsalubong ang mga kilay niya.

"Don't look around, okay? Just finish eating. Basta, wag kang lilingon."

Napakunot ang noo ko.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Blake."

Napatigil ako. Biglang bumigat ang loob ko.

"Ha? Anong Blake-blake ka dyan? Wala siya dito. Nasa dorm yun, kasama yung mga mokong niyang tropa." agad kong tanggi, kahit may kaba sa dibdib.

"No, Inn. Nandito siya. And don't try to look at your back kung ayaw mong mabulilyaso ang plano natin. It's Blake talaga... and he's with another girl."

Boom.

Parang may pumutok sa loob ng puso ko.

With another girl.

Biglang bumigat ang mata ko. Umikot ang mundo. Kaya pala may familiar akong nakita. Hindi pala ako nagkamali. Hindi ako nagka-hallucination. Siya nga. Si Blake. Ang lalaking halos araw-araw kong kasama, kausap, at... minahal.

Tapos ngayon, andito siya. Sa mamahaling restaurant. Nakaupo sa kabilang table.

At hindi ako ang kasama.

Narinig ko pa ang boses niya, parang sumaksak ng blade sa puso ko.

"Babe, do you want seafood?"

Babe?

"Babe, you know I don't want seafood. You talaga, you're so mapang-asar."

Ugh. Potang conyo pa din. 2019 vibes much?

"I'm just kidding, Felicity."

Wait. FELICITY?

Napangiwi ako. Si Felicity na naman. Yung ex niya. Yung babaeng muntik na niyang pakasalan noon. Yung babaeng sabi niya noon, wala nang halaga sa kanya. Sabi niya, ako na ang mahal niya.

Now here she is. On a dinner date with him. With my Blake.

Or maybe... not mine anymore.

"Inn, are you okay?" tanong ulit ni Hans. Kita sa mukha niya ang concern. "Is that the girl you were talking about before?"

Napa-absent nod ako. Wala na akong boses. Nanginginig na lang yung mga daliri ko.

"Yes." mahinang sagot ko.

"You know, Buddy, kaya mo 'yan. Parte ng pagkalimot ang masaktan. Di rin kita masisisi, kasi nagmahal ka lang naman. Lahat ng nagmamahal... nasasaktan. Kasi kung hindi ka nasaktan, nasaan ang love doon?"

Diretsong sabi niya. Ramdam mo, may pinanggagalingan. Parang siya mismo... nasasaktan rin.

Tumigil siya sa pagsubo. Lumungkot ang mukha niya. Tumahimik ang paligid namin kahit ang daming tao.

I'm so sorry, Hans.

Sorry na ikaw ang naging fiancé ko pero iba pa rin ang mahal ko. Sorry na ginagamit kita sa plano namin. Sorry dahil habang hawak mo ang kamay ko, ang puso ko, hindi ko kayang ibigay lahat.

Pero I promise, Hans. Kapag natapos na 'to. Kapag nalaglag na ang ARMAERA. Kapag tuluyan nang naputol ang connection ko kay Blake...

I will give you the peace you deserve.

MEANWHILE: SA TABLE NINA BLAKE

"Babe, ang tagal mong hindi nagrereply ah." sabay lean ni Felicity sa kanya.

"I was busy with the boys. You know that." casual na sagot ni Blake habang sinusubo ang steak.

Pero kahit habang nakangiti siya, hindi siya mapakali. Ilang beses siyang tumingin sa paligid. Lalo na sa corner kung nasaan sina Winx at Hans.

"Babe, are you even listening to me?"

"Yeah, yeah... seafood, right?"

"No! Hindi na 'yon. Sinabi ko na may fashion gala this weekend. Akala ko we're going together?"

Hindi siya sumagot agad.

Damn. Nandito si Winx. Nakita ko siya. Kasama si Hans.

Pakitang-tao lang 'to, Blake. Pinaalala niya sa sarili niya. You're only with Felicity para sa plano.

Pero bakit ganito? Bakit masakit? Bakit ang sakit makita si Winx na may ibang kasama, kahit ako rin... may ibang kasama?

Because you still love her.

BACK TO WINX

"Hans..." bulong ko. "Let's go. Hindi ko na kaya."

Tumayo siya agad. Hinawakan niya ang kamay ko. Parang sinabing, tara, I got you.

Habang papalabas kami ng resto, ramdam ko ang tingin ni Blake. Pero hindi ako lumingon.

Bawat hakbang palayo, parang isang paso sa dibdib. Pero kailangan. Kailangan ko ng closure. Kailangan kong tapusin 'to.

Pagkatapos ng dinner, sumakay kami sa kotse ni Hans.

"Are you okay?" tanong niya habang umaandar kami.

Tumango lang ako.

"Tomorrow night... we end this, right?"

"Yes. Bukas ng gabi. We expose everything. And I leave... for good."

MEANWHILE... SA LOOB NG RESTAURANT

Naiwang nakatingin si Blake sa labas ng salamin.

Nakita niya ang pag-alis ni Winx. Kasama si Hans. Hawak-kamay.

At hindi niya alam kung bakit parang may parte sa kanya na... biglang nawala.

She's leaving. Iyon lang ang naisip niya.

At hindi pa niya alam... na bukas ng gabi, masasaktan siya sa paraang hindi niya pa naranasan kailanman.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now